LOOK: Ellen Adarna, binigyan ng bridal shower

Tignan! Ellen Adarna sinurpresa ng malalapit na kaibigan at kamag-anak ng isang bridal shower para sa nalalapit nilang kasal ni Derek Ramsey.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Naghanda at sinurprise ng bridal shower si Ellen at Derek ng kanilang mga kaibigan.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Ellen Adarna bridal shower
  • Derek Ramsey at Ellen Adarna engagement at wedding preparation

Ellen Adarna bridal shower

Derek Ramsay at Ellen Adarna idinaos ang kanilang bridal shower nito lamang Sabado, November 6. Ito ay inihandang supresa ng kanilang mga kaibigan na sina Kim Araneta at Farah Jane Aton at ilang ka-pamilya.

Si Ellen ay nakasuot ng sash na may nakasulat na Bride to be

Screen capture mula sa Instagram account ni Ellen Adarna

Makikita sa instagram story ni Ellen ang set-up ng kaniyang bridal shower. Highlight din nito ang kanilang litrato ni Derek Ramsay kasama ang kani-kanilang mga anak na sina Elias Modesto at Austin.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hindi rin mawawala ang mga matatalik nitong kaibigan na ibinahagi rin niya sa kaniyang instagram story na may caption na Love these girls.

Masaya ring nakipagkulitan sina Mika at Danton Adarna sa pamangkin nitong si Elias Modesto. Hindi rin naman mawawala ang heart-warming speech nito sa kapatid na si Ellen na soon to be bride.

Mga bisita sa bridal shower ni Ellen at Derek

Screen capture mula sa Instagram account ni Ellen Adarna

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pangunahing masaya ang mga kamag-anak ni Ellen at Derek sa kanilang darating na pag-iisang dibdib. Nariyan ang mga kapatid ni Ellen na sina Mika Adarna, Danton Adarna, Carlitos Adarna, sister-in-law na si Louise Tabaquero, mga kabigan tulad nina Kim Araneta, Farah Jane Anton, at Angelo Gonzaga.

BASAHIN:

LOOK: Ellen Adarna at baby Elias, enjoy sa beach!

Ellen Adarna: “Deserve” mo kapag paulit-ulit kang niloloko

LOOK: Derek Ramsay namanhikan sa family ni Ellen Adarna

Screen capture mula sa Instagram account ni Ellen Adarna

Derek at Ellen engagement at wedding preparation

Ilang buwan matapos isa-publiko ang relasyon ng dalawang aktor, si Ellen at Derek ay ginulat ang mga tao nang inanunsyong sila ay engage na. Sa instagram story ni Ellen ay makikitang nakasuot ito ng engagement ring. Naroon din sa ang kani-kanilang anak para suportahan sila.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa kanilang youtube channel na Derek and Ellen, ipinakita ang birthday surprise ni Derek kay Ellen kasabay ang wedding proposal nito. Hindi naman nag-alinlangan na nag-yes si Ellen.

Ang youtube channel na ito ay para ay para pampa-good vibes lang ayon kay Derek. Dito rin nila maibabahagi ang kanilang happy moments together lalo na ang paghahanda nila sa kanilang pagpapakasal.

Sa isang ekslusibong interview naman ng dalawang aktor sa instagram live ni G3 San Diego, isang entertainment writer, sinabi nilang sa taon ding ito nila balak magpakasal.

Larawan mula sa Instagram account ni Ellen Adarna

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon kay Ellen, “We talked about it and wala pang (we still don’t have) final plans. But it’s this year,”

Nang itanong ng writer kung ano ang kaniyang dream wedding, ang sagot ni Ellen ay hindi niya masyadong pinag-iisipan ang kaniyang dream wedding noong siya ay bata pa.

“I never wanted to get married. So today [is] the first day that I thought of my wedding,”

Samantala, sa interview naman nila sa Philippine Entertainment Portal (PEP), sinabing nakahanda na ang kanilang entourage. Ibinahagi rin nila na ang kanilang gaganaping kasal ay simple ceremony lamang na tulad kina Angel Locsin at Neil Arce.

“We just wanted na low-key lang, tapos nagbongga nang very bongga na ng slight ang celebration because of our parents. Sila kasi ang (They are ones who are) very excited,” sabi ni Ellen.

“Dalawa lang yata ang ninang namin at ilan lang ang ninong namin,” dagdag ni Derek.

Kamakailan lang ay nagpunta ng Siargao sina Ellen at Derek, kasama ang kanilang pamilya upang mamanhikan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ellen Adarna at Derek Ramsay love story

Pebrero ngayong taon ng kumpirmahin nila Derek at Ellen na sila ay may relasyon. Ito ay matapos kumalat ang mga pictures at videos nila na magkasama sa isang dinner party na kung saan sweet na sweet sila noong Enero.

Ito ay nasundan pa ng mas maraming sweet moments nila sa kani-kanilang social media account. Sa isang panayam sa kanila ng PEP o Philippine Entertainment Portal bago matapos ang buwan ng Pebrero ay inamin ng dalawa na sila ay may relasyon.

“May relasyon kami, oo. We just clicked. Parang ang tagal na naming magkakilala. Ganung levels.”

Ito ang nasabi noon ni Derek, kahit na bago palang silang nagkakasama ni Ellen ng sila ay magkaroon ng relasyon.

Kasunod ng kanilang rebelasyon ay naging mas madalas ang pagbabahagi ng moments ng dalawa na magkasama sa social media. Hanggang sa nitong March 30, kasabay ng surprise birthday celebration ni Derek kay Ellen ay nag-propose siya ng kasal sa aktres.

Source:

Instagram 

Sinulat ni

Kyla Zarate