Ellen Adarna sa pagplaplano nila ni Derek Ramsay na magkaroon na ng baby next year: “I always wanted a girl, but whatever, basta healthy.”

Ayon kay Ellen, target niyang makapanganak sa Pebrero ng susunod na taon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ellen Adarna at Derek Ramsay may plano ng magkaroon ng baby next year!

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Ellen Adarna at Derek Ramsay plano ng magkaroon ng baby next year.
  • Pamilya nila Ellen Adarna at Derek Ramsay.

Ellen Adarna at Derek Ramsay plano ng magkaroon ng baby next year

Larawan mula sa Instagram account ni Ellen Adarna

Ellen Adarna at Derek Ramsay gusto ng magkaroon ng baby next year. Ayon sa isang panayam kay Ellen, ang pagkakaroon daw umano nila ng baby ni Derek ay naka-schedule na. Kailangan nga daw itong mangyari sa Pebrero ng susunod na taon.

“Dragon baby kaya kailangang manganak ako after February 10 para year of the Dragon, so, naka-schedule 'yan.”

Ito ang pagbabahagi ni Ellen.

Sa katunayan ay ipatatanggal niya na daw ang kaniyang IUD para ito ay maisakatuparan.

Sabi pa ni Ellen sa isang report ng Philippine Entertainment Portal (PEP), ang gusto nga nila ni Derek na maging baby ay isang girl.

“Well, sana girl para tapos na ang boxing, kasi we both have boy and we only want one na lang.”

Ito ang sabi pa ni Ellen. Bagamat dugtong pa niya, ok lang naman kahit ano ang ibigay ng Diyos sa kanila. Basta ang mahalaga ay maging healthy baby ito.

"I always wanted a girl, but whatever, basta healthy”, saad pa ni Ellen.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Ellen Adarna

Pamilya nila Ellen Adarna at Derek Ramsay

Sa ngayon, ay very active at present mom and dad sina Ellen at Derek kay Elias. Makikita sa mga larawan na ibinabahagi ni Ellen sa kaniyang Instagram account na very close talaga sina Derek at Elias.

Larawan mula sa Instagram account ni Ellen Adarna

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Patuloy rin ang pagtratravel nila sa iba’t-ibang bahagi ng mundo. Kamakailan lang ay nagpunta sila sa Sydney Australia at Queenstown sa New Zealand na kung saan makikitang very close at happy ang pamilya nila.

Sa isa sa mga IG post nga ni Ellen ay ibinahagi niya ang naging roadtrip niya kasama ang dalawang lalaki sa buhay niya. Si Derek agad namang nag-comment sa post na ito ni Ellen ng "My life". Baby girl na nga lang talaga at kompleto na sila!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement