Ellen Adarna at John Lloyd Cruz narito kung paano ipinagdiwang ang 5th birthday ng anak nilang si Elias Modesto.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Paano ipinagdiwang nina Ellen Adarna at John Lloyd Cruz ang 5th birthday ng anak nilang si Elias.
- Mensahe ni Ellen kay Elias sa 5th birthday nito.
Paano ipinagdiwang nina Ellen Adarna at John Lloyd Cruz ang 5th birthday ng anak nilang si Elias
Sa kani-kanilang Instagram account ay ipinasilip nina Ellen Adarna at John Lloyd Cruz kung paano nila ipinagdiwang ang 5th birthday ng anak nilang si Elias Modesto.
Si John Lloyd Cruz may simpleng mensahe sa anak sa kaarawan nito sa Instagram. Kalakip ang mga larawan ng kanilang pagdiriwang sa isang resort na kung saan makikitang kasama nila ang girlfriend ngayon ng aktor. Ito ay ang artist na si Isabella Santos na makikitang close rin kay Elias.
Mensahe ni Ellen kay Elias sa 5th birthday nito
Samantala, si Ellen naman ay ibinahagi rin sa Instagram ang full of fun na birthday celebration ni Elias sa isang themed park. Si Elias makikitang nag-enjoy sa kaniyang birthday party na may Safari themed at may kasamang slides and rides on the side. Makikita ring present sa kaniyang birthday party ang anak ng aktres na si Beauty Gonzales-Crisologo na si Olivia. Syempre nandoon rin si Derek Ramsay na anglewing ama ni Elias.
May mensahe rin siya sa anak tampok ang ilan sa souvenirs niya sa pagbubuntis at panganganak dito. Pati na ang baby pictures ni Elias at struggles niya sa pagiging first time mom.
“5 years today my baby boy ❤. thank you for giving my life purpose and meaning ❤. For teaching me patience, empathy and unconditional love. See you in a bit! ❤ Mama loves you forever and ever and ever ❤ 👩👦.”
Ito ang mensahe ni Ellen sa anak na si Elias sa 5th birthday nito.