Ellen Adarna nakaranas ng miscarriage sa unang anak sana nila ng mister niyang si Derek Ramsay.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Ellen Adarna miscarriage.
- Reaksyon ni Derek Ramsay sa miscarriage ni Ellen.
Ellen Adarna miscarriage
Sa isang panayam ay ibinahagi ng aktor na si Derek Ramsay ang naranasan na miscarriage ng misis niyang si Ellen Adarna. Ayon kay Derek, naging mabilis ang mga pangyayari. Nalaman daw nilang buntis si Ellen ng ito ay mag-pregnancy test at lumabas na positive ang resulta habang sila ay nagbabakasyon sa Spain.
Masaya daw ang mag-asawa ng malaman nila ang resulta. Pero ito daw ay agad na binawi ng pauwi na sila ng bansa mula sa nasabing bakasyon.
“A great gift for her mom and to us and then nung pauwi, nag-i-spotting na siya and we lost the pregnancy.”
Ito ang kuwento ni Derek sa panayam.
Kuwento ng aktor, agad silang dumeretso sa ospital para mapa-checkup si Ellen. Doon nga nila na-kumpirma na nakabuo sila.
“But she’s okay. Hindi niya kailangang magpa-confine, or magparaspa, whatsoever. So, hopefully next year, makabuo na uli kami.”
Ito ang pagbabahagi ni Derek na umaming nag-woworry daw siya noon na hindi na sila magkakaanak ni Ellen dahil siya ay may edad na.
Larawan mula sa Instagram account ni Ellen Adarna
Reaksyon ni Derek Ramsay sa miscarriage ni Ellen
Nakunan man si Ellen ay nabuhayan naman daw ng loob si Derek. Dahil ang nangyari daw ay nagbigay ng pag-asa sa kanila na puwede parin silang magkaanak ni Ellen.
“First attempt pa lang naman, so at least we know that we can still have a baby in the future. It’s sad that we lost the baby so may possibility pa rin na makabuo.”
Ito ang sabi pa ng aktor.
Pagbabahagi pa ni Derek, kung sakaling makabuo sila ulit ni Ellen hiling niya sana ito daw ay girl na.
Larawan mula sa Instagram account ni Ellen Adarna
Si Ellen at Derek ay kapwa may anak sa nauna nilang ka-relasyon. Ang kanilang mga anak ay parehong lalaki. Si Elias ay anak ni Ellen at John Lloyd Cruz na limang taong gulang na ngayon. Habang si Derek naman ay may anak na nagngangalang Austin na 20-anyos na.