Video ni Ellen Adarna relatable para sa mga mommy na may newborn baby!

Marami ang nakarelate sa social media post ni Ellen Adarna tungkol sa kaniyang journey bilang isang ina ng newborn baby nila ni Derek Ramsay.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Maraming mommy ang naka-relate sa ibinahaging video ni Ellen Adarna kamakailan sa kaniyang social media.

Mababasa sa artikulong ito:

  • “Newborn baby life” ni Ellen Adarna relatable
  • Self-care tips para sa mga bagong panganak na mommy

Video ni Ellen Adarna relatable para sa mga new mom!

Maraming mommy ang nakaka-relate sa pagiging bagong panganak na ina ni Ellen Adarna.

Kamakailan ay nagbahagi ng nakakatuwang pasilip si Ellen Adarna sa kanyang “newborn baby life.”

Sa isang Instagram video noong Oktubre 31, makikita siyang naka-orange shirt habang suot niya ito nang baliktad at may mga mantsa pa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Screenshot mula sa Instagram story ni Ellen Adarna

Sa kanyang caption, mababasa ang nakakatawang “mommy life checklist: Baliktad shirt, no shower, du-ay everywhere, total of 5 hours [sleep]… I’m still alive. ILoveBeingAMom!”

Nakakapagod man ay tila enjoy pa rin naman ng celebrity mom ang pag-aalaga sa pangalawa niyang anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dahil unang anak ito ni Ellen kay Derek Ramsay, natural lamang na maraming mommies ang nakaramdam ng koneksyon sa kanyang pagbabahagi. Marami rin ang bumilib sa kanyang pagiging totoo sa hamon at saya ng pagiging ina.

Larawan mula sa Instagram ni Derek Ramsay

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Self-Care Tips para sa mga Mommy na Bagong Panganak

Sa dami ng gawain sa pagiging bagong ina, minsa nakakalimutan nang alagaan ang sarili. Pero mommy, tandaan na hindi lang si baby ang dapat alagaan mahalagang bigyan din ng pansin ang sarili. Narito ang ilang self-care tips na pwedeng subukan:

Larawan mula sa Instagram ni Ellen Adarna

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  1. Simpleng Skin Care – Maglaan ng kahit 5-10 minutes para maghilamos at mag-moisturize. Malaking bagay ang simpleng alaga sa balat.
  2. Mabilis na Pahinga – Samantalahin ang mga “nap” ni baby para makatulog din at makabawi ng lakas.
  3. Stretching – Kahit ilang minutong stretching ay makakatulong para mapreskuhan at mabawasan ang pagod.
  4. Humingi ng Tulong – Huwag magdalawang-isip na humingi ng tulong sa partner o kapamilya para makahanap ng pahinga.

Tulad ni Ellen, mahalaga ang bawat sandali kasama si baby, pero huwag ding kalimutan ang sariling kalusugan. Sa maliit na oras para sa self-care, mas nagiging masaya at epektibong mommy tayo!

Sinulat ni

Jobelle Macayan