Ellen Adarna son Elias may welcome gift sa kaniyang baby sister. Sa mga ganitong pagkakataon paano maihahanda ang iyong anak sa kaniyang bagong role.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Ellen Adarna son Elias welcome gift to her baby sister.
- Paano maihahanda ang iyong anak sa pagiging elder brother o sister.
Ellen Adarna son Elias welcome gift to her baby sister
Nitong nakaraang linggo ay naging masaya ang mga netizens ng malamang nanganak na si Ellen Adarna sa panganay nila ng mister na si Derek Ramsay. Ang magandang balita ibinahagi ng happy dad na si Derek sa kaniyang Instagram account. Doon makikita ang larawan ng kaniyang misis na si Ellen kasama ang anak niyang si Elias habang karga ang kaniyang newborn baby.
Naging maikli ang caption ni Derek sa post niyang ito. Pero ramdam na ramdam naman ang kasiyahan nito sa pagdating ng dagdag ng miyembro ng kanilang pamilya.
“My world keeps getting better and better! 🥰”
Ito ang caption ng post ni Derek.
Bagamat hindi pa nagbibigay ng detalye ng kaniyang naging pagbubuntis at panganganak ay nagbahagi si Ellen ng update sa buhay niya ngayon. Si Ellen masaya sa pagiging mom of two. Pati na sa pagiging ina sa sweet boy niyang si Elias na may hinandang welcome gift sa kaniyang baby sister.
“Mama, i have a gift for my sister” 🥰😭❤️ My sweet boy 🥰😊”
Ito ang caption ng post ni Ellen na nagpapakita ng larawan ni Elias na may hawak na painting habang nakatingin sa kaniyang newborn baby sister.
View this post on Instagram
Sa mga ganitong pagkakataon paano nga maihahanda ang iyong anak sa pagiging elder brother o sister? Narito ang ilang tips na maaring gawin.
Paano maihahanda ang iyong anak sa pagiging elder brother o sister
Asian kids
Ang paghahanda sa iyong anak upang maging nakakatandang kapatid ay isang espesyal na proseso. Narito ang ilang tips na maari mong gawin:
1.Isali sila sa iyong pregnancy journey.
Pag-usapan ang mga pagbabago. Ipaliwanag sa iyong anak na may darating na bagong sanggol at magkakaroon ng mga pagbabago sa bahay. Gumamit ng simple at angkop na salita ayon sa kanilang edad.
2. Pakinggan ang kaniyang nararamdaman.
Maging open sa pakikipag-communicate sa iyong anak tungkol sa maging pagbabago sa inyong buhay. Sabihin sa kanila na ayos lang makaramdam ng halo-halong emosyon, gaya ng kasiyahan, selos, o pag-aalala. Hikayatin silang magtanong o magbahagi ng kanilang nararamdaman.
3. Isali sila sa mga paghahanda.
Hayaan silang tumulong mag-ayos sa mga gamit ng inyong newborn baby. Pabayaan silang pumili ng mga damit, laruan, o gamit para sa kwarto ng sanggol.
Bigyan sila ng maliit ngunit mahalagang papel, tulad ng “chief toy organizer”. Makakatulong ito upang maramdaman nila ang responsibilidad at kasiyahan sa pagtulong sa bago nilang kapatid.
Asian Chinese pregnant woman with toddler girl sitting on bed at home. Girl daughter kid kissing mom belly. Mother and baby daughter expecting waiting for a new family member. Ethnic diversity.
4. Turuan silang makitungo sa kanilang kapatid.
Magpraktis gamit ang mga manika o stuffed toy. Turuan silang maging maingat sa pamamagitan ng pagpraktis sa isang manika, ipakita kung paano ito hawakan o aluin nang dahan-dahan.
Ipaliwanag rin sa kanila na ang sanggol ay nangangailangan ng maraming pahinga at maselan na pag-aalaga, at turuan sila ng tamang paraan ng pakikitungo.
5. Maglaan parin ng oras sa iyong anak.
Siguraduhing ipaalam sa kanila na palagi silang mahalaga at magkakaroon kayo ng espesyal na oras kahit may bagong sanggol na.
Magtakda ng regular na isang-isang aktibidad o tradisyon, tulad ng pagbabasa ng bedtime story. Ito ay upang maramdaman nilang sigurado ang inyong bonding kahit pagkatapos ng pagdating ng bago nilang kapatid.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!