LOOK: Baby ipinanganak ng nasa loob pa ng supot!

Isang nakaka-amaze na larawan ng isang sanggol ang kumalat sa internet na kung saan makikita itong ipinanganak na nasa loob parin ng amniotic sac.

Ang en caul birth ay isang sitwasyon na kung saan isinilang ang isang baby na nasa loob parin ng amniotic sac. Ang en caul birth ay bihira lamang na kung saan isa lang sa 100,000 sanggol na isinisilang ang nakakaranas nito.

Isa na nga rito ay si baby Noah Valasco na isinilang sa Praia da Costa Hospital sa Vila Velha, Brazil.

Image from DailyMail UK

En caul birth baby

Si Baby Noah ay ipinanganak ng kaniyang ina na si Monyck Valasco sa pamamagitan ng isang caesarean section delivery. Nakunan ang priceless moment na ito ng isang birth photographer na si Jana Brasil.

Mula sa mga litratong kuha ni Brasil ay makikita si Baby Noah na inilalabas sa tiyan ng kaniyang ina na balot parin ng amniotic sac ang buo niyang katawan.

Ang en caul birth ay bihira rin diumanong nangyayari sa mga caesarian section delivery. Ito ay dahil kadalasang nabubutas ng scalpel na gamit ng mga doktor ang amniotic sac na kinalalagyan ng mga baby.

Ayon sa isang interview kay Monyck, ina ni Baby Noah, ay sinabi niya na nakita niya kung paano niya isinilang ang kaniyang baby sa pamamagitan ng isang TV screen. Naiyak nga daw siya habang pinapanood ito at hindi niya masukat ang kaligayahan ng kaniyang madarama.

Sa mga kuhang larawan ni Baby Noah ay tila nagmukhang alien ito habang nasa loob ng amnitoc sac at inilalabas ng mga doktor mula sa tiyan ng kaniyang ina.

Ayon sa photographer na si Jana Brasil, ay hindi niya maipaliwanag ang kaniyang nararamdaman habang kinukunan ang kakaibang sitwasyon ni Baby Noah. Lalo pa at tila inilapit nito ang mukha niya sa camera at nag-pout ng lips habang nasa loob parin ng amniotic sac.

Image from DailyMail UK

Dagdag pa ni Jana, noong huling beses nga daw na may nakunan siyang baby na ipinanganak na balot rin ng amniotic sac ay nanalo siya ng award.

Ang mga kakaibang larawan nga na ito ni Baby Noah ay ipinost online na umani ng maraming likes at comments mula sa mga netizens.

Ano ang en caul birth?

Image from DailyMail UK

Ayon sa mga eksperto ang en caul birth ay napaka-espesyal na nangyayari lamang sa 80,000 o 100,000 na natural births na walang banta ng kapahamakan sa baby at kaniyang mommy.

Dagdag naman ni Dr. Rafael Angelo Baggieri, ang en caul birth ay nangyayari kapag ipinanganak ang isang sanggol na hindi pumutok ang panubigan na kinalalagyan nito habang nasa sinapupunan pa ng kaniyang ina.

Ayon naman kay Dr. Donnica Moore, isang women’s health expert, ang en caul birth ay mas bihirang nangyayari sa mga vaginal births kaya naman karamihan ng mga obstetricians ay hindi pa nakakakita nito.

Dagdag pa ni Dr. Moore, ang en caul birth ay wala namang dulot na peligro sa buhay ng sanggol. Ang membrane nga daw na bumabalot sa sanggol sa en caul birth ay nagsisilbing proteksyon nito mula sa birth trauma.

Maliban sa en caul birth ay may tinatawag ring caul birth.

Ang salitang “caul” ay isang salitang Latin na ang ibig sabihin ay “head helmet”. Kaya naman ang caul birth ay tumutukoy sa isang baby na ipinanganak na may natirang portion ng amniotic sac na bumabalot sa kaniyang ulo.

Image from DailyMail UK

Samantalang, ang naging sitwasyon ni Baby Noah ay isang espesyal na kaso ng en caul birth dahil balot ang buong katawan nito ng amniotic sac ng ipinanganak at hindi lang ang kaniyang ulo.

Ang pagtanggal sa caul na bumabalot sa baby ay harmless na maaring gawin ng mga doktor o midwife.

Kailangan lang muna nilang butasin ang parte sa nostrils ng baby para makahinga ito. At dahan-dahang tatanggalin ang nakabalot sa katawan nito na magsisimula sa likod ng kaniyang tenga.

Ang pagtanggal ng caul ay dapat gawin ng marahan at maingat dahil ang mali at mabilis na pagtanggal nito ay maaring magdulot ng sugat sa baby na mag-iiwan ng permanenteng peklat.

Ayon sa mga folklores, ang mga baby na ipinapanganak na may caul o balot ng kanilang amniotic sac ay may special gift of clairvoyance di umano. Sila rin ay itinuturing na swerte at may taglay na supernatural abilities na kung saan sila rin ay itinadhana na maging dakila o great.

Isang kilalang kaso ng en caul birth ay ang pagkasilang ng anak ng Academy award winning actor na si Mahershala Ali. Ito ay nangyari ilang araw bago siya ma-awardan sa Oscars sa kaniyang performance sa pelikulang “Moonlight”.

 

Sources: BabyMed, Daily Mail, Today

Basahin: 6-year-old girl’s heart beats outside her body…it’s a miracle