10 things you need to know before visiting Enchanted Kingdom

Marami ang na-excite nang malamang bukas na ang sikat na pasyalan para sa mga bata at kids at heart!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Enchanted kingdom rides: Bigyan ng kakaibang treat ang kids at ipasyal na siya sa Enchanted Kingdom kung saan mae-enjoy niya ang napakaraming fun rides.

10 bagay na kailangan mong malaman bago pumunta sa Enchanted Kingdom

Maraming fun activities ang maaaring i-try para maipasyal ang kids, naririyan ang picnic dates, libraries, swimming, camping, at syempre pagbisita sa amusement park. Dito kasi may pinakaramaraming bagay na mai-enjoy ng both adults at bata. May kaliwa’t kanang foods at desserts, bilihan ng souvenirs, at of course ang mga rides!

The best to visit ngayon, ay ang Enchanted Kingdom. This is where you can find a lot of fun activities. Bago mapagpasyahang pumunta rito, narito muna ang mga bagay na kailangan mong malaman bago bisitahin ang amusement park:

Larawan mula sa website ng Enchanted Kingdom

1. Health and safety guidelines

Ina-allow naman ng Enchanted Kingdom na pumunta ang lahat ng guest vaccinated ka man o hindi sa kahit ano mang edad. Mas maganda nga lang para sa kanila na ikaw ay fully-vaccinated at dala ang iyong vaccination card.

2. Tickets

Ang pagbili ng tickets ay parehong available sa mismong Enchanted Kingdom at sa kanilang website. Narito naman ang iba’t ibang rates ng kanilang tickets:

  • Express One day Pass (Php 2,000) – Inclusive ng admission at unlimited na pagsakay sa major at kiddie rides bukod sa gated attractions. Kasama rin dito ang Ekspress Ride Access. Maaaring makabili ng ticket na ito sa front gate ticket booth ng EK pati na rin sa kanilang online store.
  • Regular Day Pass (Php 1,100) – Unlimited na pagsakay sa lahat ng rides sa loob ng park. Maa-avail lamang ito sa front gate ticket booth ng EK.
  • Junior Day Pass (Php 770) – Unlimited na gamit din sa mga rides depende sa height restrictions ng guest. Makabibili ng ticket na ito sa EK online store at EK front gate ticket booth.
  • Senior Citizens and Persons With Disability or PWD (Php 770) – Kinakailangan lang magdala ng ID upang makakuha ng 20% na BIR discount at EK special discount. Available ang ticket both online at onsite.
  • Junior PWD (Php 550) – Kinakailangan lang din magdala ng ID upang makakuha ng 20% na BIR discount at EK special discount. Ma-aavail lamang it0 onsite sa front gate ng EK.

Para naman makapag-avail ng kanilang promo, maaaring puntahan ang kanilang website upang makita ang mga available na promo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa website ng Enchanted Kingdom

3. Operating hours

Sa ngayon, bukas ang Enchanted Kingdom tuwing Friday, Saturday at Sunday. Ang kanilang operating hours ay mula 11 am hanggang 8 pm.

Ang naturang operating schedule ng Enchanted Kingdom ay mula June 1 hanggang August 31, 2022. Maaari itong magbago depende sa ilalabas na guidelines ng gobyerno.

Narito ang updated at detailed information ukol sa operating hours ng Echanted Kingdom ngayong 2023.

4. Directions

Para sa pamilyang nais bisitahin ang park, madali lang ito mapuntahan kung kayo man ay nakacommute o private vehicle. Para sa private vehicle, sa kanilang website ay maaring puntahan ang maps at ituturo nila ang route para sa inyo.

Kung ikaw naman ay magko-commute:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Sumakay sa terminal ng JAM, JAC Liner o BBL Transit sa Buendia LRT Station sa may Pasay City.
  • Maaari ring sumakay ng FX o Van sa EDSA Crossing sa tapat ng Star Mall EDSA.
  • Magpapababa sa Balibago, Waltermart, Sta. Rosa, Laguna.
  • Darating ka dito sa loob ng isang oras.

5. Merchandise

Maaari namang bumili ng mga merch at iba pang featured products sa kanilang website at sa mismong Enchanted Kingdom.

Rides in Enchanted Kingdom: Larawan mula sa website ng Enchanted Kingdom

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

6. Enchanted Kingdom rides

Rides in Enchanted Kingdom: Marami ang maaaring rides na ma-enjoy ng kids sa Enchanted Kingdom. Tulad na lang ng Bouncing Builder, Bump n Splash, Air Petrodactyl, at marami pang iba. Syempre hindi lang kids, maging adults ay mae-enjoy rin ang ibang challenging at thrilling rides sa loob ng amusement park tulad ng Space Shuttle.

May mga rides na mayroong restrictions dahil sa height.

7. Proper attire

Nire-require ng Enchanted Kingdom na magsuot ng tamang shirts o blouse maging footwear sa loob. Bawal din ang ibang mask o disguises na nakapagtatago ng identity ng tao. Maaaring tanggihan ng park ang mga guest na hindi nakasuot sa kanilang proper attire.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

8. Smoking

Striktong ipinagbabawal ng park ang paninigarilyo sa loob ng park alisunod sa Department of Health. Mayroong inilaan ang park na smoking area.

9. Lost belongings

Walang responsibilidad ang mga ride operators at attendants sa kahit anumang nawawalang gamit sa loob ng park.

10. Not allowed

Narito naman ang mga bagay na ipinagbabawal ng park na dalhin sa loob ng park:

  • Alak at droga
  • Pagkain
  • Matatalim na bagay
  • Pets
  • Sports balls
  • Speakers
  • Whistle o pito
  • De gulong na mga gamit tulad ng bike, skareboards, etc.
  • Flashlights
  • Pepper spray
  • Tools
  • Elctronic gadgets tulad ng hair curlers at iron
Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Ange Villanueva