Masaman ang epekto ng alak sa sanggol. Ito ang mariing paalala ng mga eksperto sa mga magulang!
Inang pinainom ng beer ang kaniyang baby
Trending ngayon sa social media ang larawan ng isang batang babae na umiinom ng beer. Sa larawan, makikita na ang bata ay mukhang nasa anim na buwan palang at inaalalayan pa ng isang adult habang umiinom ng beer. Ang larawan ina-upload ng nanay ng bata na may caption na “She loves having taste of mummy’s beer.”
Mukha mang nakakatuwa ito para sa ina ng bata, ang mga netizen hindi natuwa sa larawang ito. Dahil ayon sa kanila may masamang epekto ang alak sa sanggol at hindi umano ito dapat hinahayaan mangyari ng ina sa kaniyang anak.
Pero ang ina ng bata may sagot sa mga netizen na tumutuligsa sa kaniyang ginawa. Ayon sa kaniya, pinasisipsip lang naman daw niya ng beer ang kaniyang anak. Mukha namang walang masama sa kaniyang ginagawa.
“Listen everyone giving me hate, she’s having some mouthfuls of beer, she’s not shooting f***ing heroin ahahah.”
Ito ang panimulang pahayag ng ina ng bata.
Paniniwala ng ina walang masama sa kaniyang ginagawa
Dagdag pa niya, mukhang hindi umano naranasan ng mga tumutuligsa sa kaniya na maging ina. Dahil kung sila ay naging ina malalaman nilang walang masama umano sa pag-inom ng beer ng mga sanggol.
“Clearly you’ve all never experienced being a mum cause if you did you would know that this isn’t harmful to a baby.”
Sapagkat ang kaniyang ina noong siya ay bata pa ay pinapainom pa nga siya ng whisky. Ginagamit itong gamot o lunas sa tuwing namamaga ang gilagid at ngipin niya. Hirit pa niya, hinding-hindi niya ilalagay sa kapahamakan ang anak.
“My mum used to let me drink a little when I was young and would put whisky on my gums when I had sore teeth. I’d never put my baby in danger so all of you go to hell.”
Pero pilit ng mga netizen, mali ang kaniyang ginagawa. Dahil ang pag-inom ng alak ng kaniyang sanggol ay maaring magdulot ng masamang epekto sa kalusugan nito.
Epekto ng alak sa sanggol
Ayon sa Poision Control Organization, ang epekto ng alak sa mga baby o bata ay napakadelikado kumpara sa mga matatanda. Nagdudulot umano ito ng depression sa kanilang central nervous system at nagpapababa ng kanilang blood glucose o sugar sa katawan. Ito’y maaaring mauwi sa seizures, coma o kaya naman ay pagkamatay.
Ang epekto ng alak sa isang bata o sanggol ay nakadepende rin umano sa dami ng nainom niya. Ganoon din sa uri ng alak na nainom niya at sa edad o bigat ng bata. Pero ang kahit anumang alak ay agad na maabsorb ng kanilang tiyan at hahalo sa kanilang bloodstream.
Kapag nakainom ng alak ang isang bata ay malalasing ito ng tulad ng epekto ng alak sa matatanda. Susuray-suray maglakad at magsasalita ng kung ano-ano. Maaari rin silang magsuka dahil maiirita ang kanilang tiyan sa alcohol. Mahihirapan din silang huminga at babagal ang tibok ng kanilang puso. Bababa rin ang kanilang blood pressure na maaaring bumaba hanggang sa pinakadelikadong level nito. Ang resulta nito ay maaaring mahimatay o tuluyang mawalan ng buhay ang isang sanggol o bata.
Maaari itong makasama sa kanilang kalusugan at maging dahilan ng maaga nilang pagkasawi
Isa sa halimbawa nito ay ang nangyari sa isang buwang gulang na sanggol sa China. Ang kaawang-awang sanggol nasawi matapos painumin ng alak ng kaniyang lolo sa mismong 1-month birthday celebration niya.
Ang bata binigyan lang ng ilang patak ng alak ng kaniyang lolo na nalaman nalang ng kaniyang ina matapos itong umiyak. Matapos ang 30 minuto bigla nalang nalagutan ng hininga ang sanggol. Nadala pa ito sa ospital ngunit wala ng nagawa ang mga doktor.
Ayon sa mga doktor, epekto ng alak o pagkalason dito ang naging sanhi ng pagkamatay ng kaawa-awang sanggol.
Paalala: Huwag bigyan ng alak ang mga bata o iwasang maabot nila ang mga ito
Kaya mahigpit na paalala ng Poision Control Organization, huwag bibigyan ng alak ang mga bata. Itabi o siguraduhin ding walang laman ang mga bote ng alak sa inyong bahay. Dahil maaari nila itong tunggain at simutin.
Paalala pa nila ang ethanol na major ingredient ng drinking alcohol o alak ay matatagpuan din sa iba pang produkto. Tulad ng mouthwash, facial cleansers, hair products at hand sanitizer. Ang mga ito ay hindi rin dapat maging accessible o maabot ng maliit na bata. Dahil maari nila itong mainom o mailagay sa kanilang bibig ng hindi sinasadya.
Source:
BASAHIN:
Bakit maliit ang baby ko? Mga senyales na hindi lumalaki ang anak mo