Parami nang parami ang mga bata na lumalaki nang wala ang tatay sa kanilang paligid. Ayon sa manunulat na si Alan Blankstein, ito ay nagiging isa sa mga pinakamalaking problema sa edukasyon. Ayon sa kanya, nasa 24.7 na milyong mga bata ang lumalaking hindi kasama ang kanilang tatay. Tulad ng lahat ng bagay sa buhay, ang lahi at kakayahan sa buhay ay may kinalaman ngunit ang broken family ay para sa lahat.
Hindi ibig sabihin ng mga datos na nakuha ni Blankstein na kailangang manatili sa hindi masayang pagsasama ang mga mag-asawa. Kahit pa hiwalay ang mga magulang, posibleng maramdaman ng mga anak ang kanilang tatay basta gustuhin ng tatay. Ngunit, maraming mga ama ang pinagbabawalang makasama ang kanilang mga anak. Kung kokontian lamang ang pakikipagkita ng mga anak sa kanilang ama, nakikita ito ng bata na walang paki-alam sa kanila.
Alamin natin ang limang epekto ng broken family sa mga anak.
5 epekto ng broken family sa mga anak
Nagiging mahirap
Ayon sa mga pag-aaral ni Blankstein, ang mga batang lumalaking walang ama ay tumataas nang apat na beses ang posibilidad na maging mahirap. Ang masama dito, ang kakayahan sa buhay ay malaki ang ugnayan sa edukasyon. Nauugnay din ang pag-aaral sa naaabot na success sa buhay.
Humihinto sa pag-aaral
Ang mga lumalaking walang ama ay nakikitang doble ang posibilidad na huminto sa pag-aaral kumpara sa iba. Mula sa mga datos na nakuha ni Blankstein, kanyang nasabi na pito sa sampung humihinto sa pag-aaral ay walang tatay. Kinikilala rin ito ng mga nagpapatakbo ng mga paaralan at mga guro. Sumasang-ayon sila na ang mga kadalasang ugat ng problema sa pag-aaral ay ang kawalan ng pakikipag-ugnayan sa ama.
Nagrerebelde
Pagkakaibang nakikita na epekto ng broken family sa mga anak ayon sa kanilang kasarian. Kadalasan, ang mga anak na lalaki ay nagrerebelde. Ang kawalan ng ama sa kanilang buhay ay nagiging dahilan ng mga ito para magkaroon ng bisyo sa kanilang murang edad. Sila ay napapariwara dahil sa kakulangan ng pag-gabay ng tatay. Ang ikinaganda lang nito, madaling nakikita ang epekto ng broken family sa mga anak na lalaki.
Maagang pagbubuntis
Iba naman ang nangyayari sa mga anak na babae. Kung ang epekto sa mga lalaki ay madaling makita, ang epekto sa mga babae ay kadalasang nauuwi sa pag-implode. Kanilang kinikimkim ang dinadalang problema na nagiging sanhi ng iba’t ibang paraan para takpan ang nararamdaman na kakulangan. Doble ang posibilidad na sila ay ma-obese at apat na beses ang posibilidad na mabuntis habang teenager pa lamang.
Nagpapakamatay
Nakita rin ni Blankstein sa kanyang pagsasaliksik na ang mga lumalaking walang ama ay doble ang posibilidad na magpakamatay. Ito ay isang trahedya na maaari sanang maiwasan kung makasama lamang ang ama sa kanilang paglaki.
May mga pagkakataon na mas nakakasama ang presensya ng ama kaysa makabuti. Mayroong mga hindi maaasahan na tatay na wala talagang paki-alam sa mga anak. Ngunit, para sa mga gustong makasama ang mga anak ngunit nangangailangan ng tulong, hindi dapat sila pagbawalan. Nakakapag-iwan ito ng kakulangan sa mga bata. Wala itong kinalaman sa relasyon ng mga magulang. Sa halip, ang importante dito ay ang relasyon na mapapanatili sa pagitan ng mga mag-ama.
Source: NPR
Basahin: 6 co-parenting tips para sa mga mag-ex