Epekto ng COVID 19 sa kalusugan: Hindi lang lungs o upper respiratory tract ang naapektuhan ng COVID-19. Ito rin ay maaring mag-dulot ng komplikasyon sa iba pang organs sa katawan.
Epekto ng COVID 19 sa kalusugan ayon sa isang pag-aaral
Halos siyam na buwan narin ang lumipas ng mag-simulang kumalat ang sakit na COVID-19. Ngunit, sa pagdaan ng mga araw ay tila marami pa tayong hindi nalalaman tungkol sa sakit. Dahil ayon sa pinaka-latest na data na inilabas ng ilang health experts, ang COVID-19 hindi lang lungs o upper respiratory tract ng ating katawan ang naapektuhan. Ito rin ay maaring magdulot ng nakakatakot na epekto sa iba pang organs sa katawan at kabuuan nating kalusugan.
Ang findings na ito ay nagmula sa pag-aaral ng mga eksperto mula sa All India Institute of Medical Science o AIIMS.
Sa katunayan, ayon parin sa AIIMS health experts, may mga kaso ng COVID-19 na ang mga initial symptoms na ipinapakita ay walang kaugnayan sa mga upper respiratory tract. Pero nakakaranas na pala ng serious life-threatening extra-pulmonary manifestations tulad ng stroke at pagbabara sa puso.
Pamumuo ng dugo sa utak o stroke
Gaya nalang umano ng kaso ng isang 35-anyos na lalaking nakaranas ng pagsusuka at sakit ng ulo. Kinalaunan siya ay natuklasang positibo sa COVID-19 at nakakaranas ng life-threatening na kondisyon na cortical vein thrombosis. Ito ay tumutukoy sa pagkakaroon ng blood clot sa utak na maaring mauwi sa stroke.
“There is a big spectrum of neurological manifestations which have been linked to COVID-19. In some patients, brain is involved and it may lead to clotting, resulting in stroke or can cause infection and lead to encephalitis or other complications which have nothing to do with lungs.”
Ito ang pahayag ni Dr. MV Padma Srivastava, head ng Department of Neurology sa AIIMS at isa sa mga author ng ginawang pag-aaal.
Abnormal heart rhythms
Isang halimbawa pa na kanilang binigay ay ang kaso ng isang pasyenteng nagpunta sa ospital na may napaka-babang pulse rate. Siya ay lumabas na positibo sa COVID-19.
Madalas ayon kay Dr. Ambuj Roy, Professor of Cardiology sa AIIMS, sa mga ganitong sitwasyon ang paglalagay ng pacemaker ang makakapag-ayos ng kondisyon ng pasyente. Pero dahil ang pasyente ay COVID-19 positive, siya ay binigyan ng supportive treatment laban sa sakit. Hindi siya nilagyan ng pacemaker pero nag-improve at umayos ang kaniyang kondisyon.
Damage sa heart muscle
Ang findings ng ginawang pag-aaral ng mga AIIMS experts ay maiiugnay rin sa findings ng iba pang pag-aaral. Tulad nalang ng isang pag-aaral na nailathala sa Journal of the American Medical Association. Ayon sa pag-aaral, 20% ng mga pasyente ng COVID-19 sa Wuhan, China, ang nagkaroon ng damage sa kanilang heart muscle dahil sa virus.
Blood clots o pamumuo ng dugo
Habang ayon naman sa isang Dutch study, may mga pasyente ng COVID-19 na nagkaroon ng clots o pamumuo sa kanilang dugo. Ito ay maaring magdulot ng peligro sa taong nakakaranas nito. Dahil sa ito ay maaring makaapekto sa iba pang organs sa katawan tulad ng kidneys, blood vessels, intestines, liver, at pati na sa utak. Kung ang pamumumo ng dugo ay nangyari sa utak, ito ay maaring mauwi sa stroke. Bagamat, ayon sa isang pag-aaral, karamihan ng mga kaso ng COVID-19 ay nakakaranas lang ng milder neurological symptoms na dulot nito. Tulad ng kawalan ng panlasa at pang-amoy na nararanasan ng halos sa 65% ng mga taong nag-positibo sa COVID-19. May rin namang naiulat na nakaranas ng confusion, lethargy at disorientation.
Kidney injury
Base naman sa ilang pag-aaral na ginawa China at Italy, may mga COVID-19 patients ang nakaranas ng injury sa kanilang kidney. Ito ay dulot parin ng blood clots sa blood vessel na napunta sa kidney. Kinalaunan, ito ay nagdulot ng overactive inflammation sa katawan, kawalan ng oxygen at direct viral attack sa kidney organ.
Cytokine storm
May mga kaso rin ng COVID-19 patients na nakaranas ng cytokine storm. Ito ang kondisyon na kung saan ang inflammatory response ng katawan ay sobrang naging active at nagsimulang atakihin pati ang healthy tissues at organs ng katawan.
Damage sa liver at gastrointestinal tract
May mga COVID-19 patients rin ang nakaranas ng pagsusuka, pagtatae at iba pang gastrointestinal o GI symptoms. Habang may mga pasyente rin ang nakaranas ng acute viral hepatitis. Tulad ng kaso ng 59-anyos na matandang babae sa New York. Siya ay unang nakaranas ng dark urine o dark brown na ihi at na-diagnose na may acute viral hepatitis. Ngunit kinaulanan siya ay nagkaroon ng ubo at natuklasang positibo sa COVID-19.
Rekumendasyon ng health experts
Kaya naman dahil dito, rekumendasyon ng mga AIIMS experts dapat baguhin ang klasipikasyon ng sakit ng COVID-19. Hindi lang dapat tukuyin kung mild, moderate at severe ang kaso ng COVID-19 patient base sa respiratory symptoms na kaniyang ipinapakita. Dapat ay isama rin ang iba pang organs sa katawan na maaring una na palang naapektuhan ng sakit. Ito ay upang mabigyan agad ang mga pasyente ng tamang treatment na kanilang kailangan. At upang mailigtas mula sa sakit at hindi na ito maihawa pa sa iba.
“We as clinicians need to have a high index of suspicion during this pandemic — when to suspect, treat and isolate these patients so that we can provide them good quality care.”
Ito ang pahayag ni AIIMS director Dr. Randeep Guleria.
Source:
BASAHIN:
Anong dapat gawin kapag nag-positibo sa COVID-19 habang buntis?