Narito ang epekto ng depresyon ng buntis sa baby ayon sa mga pag-aaral.
Mababasa sa artikulong ito:
- Depresyon habang buntis
- Sintomas ng depresyon sa buntis
- Epekto ng depresyon ng buntis sa baby
- Paano ito malulunasan at maiiwasan?
Depresyon habang buntis
Bagama’t ang pagbubuntis ay isang blessing at napakagandang bagay, may ilang babae ang hindi maiwasang makaranas ng depresyon sa yugto na ito ng kanilang buhay. Ito’y dulot ng iba’t ibang dahilan. Maaaring dahil sa problemang kanilang nararanasan o kaya naman ay sa pag-alala sa kinabukasang na nag-aabang para sa kanilang sanggol.
Ayon sa isang 2005 study na nailathala sa British Medical Journal, ang depresyon na nararanasan ng mga buntis ay hindi nabibigyan ng pansin. Hindi tulad ng postpartum depression na kung tutuusin base pa rin sa resulta ng ginawang pag-aaral, nag-ugat sa depresyon na nararanasan ng buntis.
Kaugnay pa rin ng pag-aaral na ginawa sa higit 9,000 babae, natuklasan na mas lumalala ang mood swings at depresyon ng buntis sa ika-4 at ika-8 buwan ng pagbubuntis. Umaatake ulit ito dalawa o walong buwan matapos ang pagdadalang-tao. Ilan nga sa sintomas ng depresyon na naitalang naranasan ng mga babae habang nagbubuntis at matapos magdalang-tao base parin sa ginawang pag-aaral ay ang sumusunod:
Sintomas ng depresyon sa buntis
- Emotional o mood swings
- Crying spells o pag-iyak na walang matukoy o dahil sa mababaw na dahilan.
- Low self-esteem o kawalan ng pagpapahalaga sa sarili.
- Hopelessness o kawalan ng pag-asa.
- Pagiging irritable.
- Hindi pag-ienjoy sa mga activities na ginagawa niya noon.
- Kawalan ng gana sa pagkain.
- Hirap na makatulog.
- Labis na pagkapagod.
Ang mga sintomas na ito na ipinapakita ng buntis ay madalas na inaakalang normal na parte ng kaniyang pagdadalang-tao. Kaya naman ito ay napapabayaan at nagdudulot ng hindi magandang epekto. Hindi lang para sa babaeng buntis kung hindi pati na rin sa dinadala niyang sanggol. Dahil ito ang punto na kung saan napapabayaan niya na ang kaniyang sarili. Nagdudulot ito ng direktang epekto sa development ng kaniyang baby. Ilan nga sa epekto ng depresyon ng buntis sa baby ay ang sumusunod na maaaring madala ng sanggol hanggang siya ay nasa hustong gulang na.
Epekto ng depresyon ng buntis sa baby
- Lumalaking irritable at lethargic ang mga sanggol na ipinanganak ng depressed na ina.
- Maaaring sila’y maging underweight o magkaroon ng mahinang resistensya laban sa mga sakit. It’y dahil sa oras ng pagbubuntis ay napapabayaan ng ina ang sarili niya. Dito, maaari siyang uminom ng alak, manigarilyo at hindi kumain ng mga masusustansiya na kailangan ng katawan niya.
- Ayon sa pag-aaral, ang mga batang ipinanganak ng depressed na ina ay slow learners at emotionally unresponsive.
- Mataas din ang tiyansa na magkaroon sila ng seryosong behavior problems habang lumalaki tulad ng aggression.
- Malaki rin ang tiyansa na tulad ng kanilang ina ay lumaki rin silang depress o kaya naman ay makaranas ng depresyon sa anumang punto ng kanilang buhay.
Photo by Dương Nhân from Pexels
Paano ito malulunasan?
Para maiwasan na makaranas ng nabanggit na epekto ng depresyon ang mga sanggol na ipinagbubuntis ng kanilang ina ay may mga paraan naman na maaaring gawin ang isang buntis.
Maaaring sila’y uminom ng antidepressant drugs na inirereseta ng doktor. Bagama’t may ilang pag-aaral ang nakapagsabi na pinatataas nito ang tiyansa na makaranas ng birth defects, neonatal toxicity longer-term cognitive, emotional, at behavioral effects ang isang sanggol.
Maaari ring sumailalim sa electroconvulsive therapy ang buntis matapos manganak para malunasan ang kaniyang depresyon. Ito ang sinasabing pinaka-effective na treatment laban sa depression. Pero ito ay dapat tuloy-tuloy at makumpleto. Dahil may mga pag-aaral na nakapagsabi na mas lumalala ang sintomas ng depresyon sa oras na matigil ito.
Maaari ring sumailalim sa psychotherapy o interpersonal therapy ang isang buntis. Pero mas ipinapayo na sila’y sumailalim sa group therapy para sila ay magkaroon ng companion at mapagsabihan ng kanilang nararamdaman.
Ipinapayo naman na sumailalim sa couples therapy ang isang buntis at kaniyang partner kung ang depression ay nag-ugat sa problema sa kanilang relasyon.
Baby photo created by tirachardz – www.freepik.com
Paano ito maiiwasan?
Sa kabuuan, mainam na maiwasan nalang na makaranas ng depresyon ang isang buntis. Upang maiwasan ang epekto ng depresyon ng buntis sa baby na kaniyang dinadala. Magagawa ito sa tulong ng mga taong nasa paligid niya. Tulad na lang ng suporta mula sa kaniyang partner at asawa. O kaya naman ay pagbibigay oras ng kaibigan o kapamilya niya upang mapagsabihan niya ng kaniyang naiisip at nadarama. Dapat din, kumain siya ng masustansya at matulog ng sapat na oras. Upang mas lumakas pa ang katawan niya.
Paalala rin ng mga eksperto, sa oras na makaranas ng sintomas ng depresyon ang isang buntis ay dapat magpakonsulta na agad ito sa doktor. Ito ay upang maibigay sa kaniya ang angkop na lunas o treatment na kailangan niya.
Source:
Psychology Today, Harvard Health Publishing
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.