9-anyos, naduling dahil sa labis na pag-gamit ng gadget
Narito ang mga tips para makaiwas sa masamang epekto ng gadgets ang iyong anak.
Epekto ng gadgets nakakaduling ang sobrang paggamit. Ganito ang nangyari sa isang bata sa China na inuubos ang buong araw niya sa kaniyang cellphone.
Epekto ng gadgets sa mga bata
Imbis na i-enjoy ang summer vacation niya sa kalalaro kasama ang ibang bata, pinili ng 9-anyos na batang lalaki sa Heife, China na magkulong sa loob ng kanilang bahay. Ang bata nakatutok umano sa kaniyang cellphone ng higit sa 10 oras kada araw kwento ng kaniyang ama.
Sinusuway naman daw ito ng kaniyang ama ngunit hindi daw ito nakikinig lalo na kapag hindi sila magkasama.
Kaya naman dahil sa sobrang paggamit at epekto ng gadgets, ang batang lalaki naduling. Ayon sa mga doktor na tumingin sa kaniya, mahihirapan daw na itong maibalik sa ayos ang kaniyang mga mata sa natural na paraan. Kung sakali, surgery nalang ang nakikita nilang paraan para maayos ulit ang paningin niya.
Paliwanag ng doktor na tumingin sa batang lalaki na pinangalanang si Dr. Su, ang mga mata ng bata ay vulnerable pa. Kaya naman ang paggamit at epekto ng gadgets ay maaring makasama sa kanila. Dahil sa lapit o short distance ng mata mula sa screen ng gadget na kanilang ginagamit maari silang magkaroon ng myopia at cross-eyes symptoms.
Dahil dito pinagbawalan munang gumamit ng gadgets ang bata sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan. Habang tinitingnan pa ang mga pinaepektibong paraan na maaring gawin para maibalik ang dati niyang paningin.
Para maiwasan ang masamang epekto ng gadgets sa iyong anak ay dapat makontrol ang paggamit niya nito. Magagawa ito sa tulong ng mga sumusunod na tips:
5 tips para maiwasan ang gadget addiction sa mga bata
1. Maging mabuting example sa kanila.
Ang bawat galaw mo ay tinitingnan at ginagaya ng iyong anak. Kaya naman sa paggamit ng gagdets, dapat ay maging mabuting ehemplo sa kaniya. Para ikaw ay tularan ay dapat limitahan mo rin ang paggamit mo ng gadgets. Hawakan o gamitin lang ang iyong gadgets kung kinakailangan. Imbis na bumabad dito ay magkaroon ng quality time kasama ang iyong anak. Makipaglaro sa kaniya o kaya naman ay basahan siya ng libro.
2. Magkaroon ng healthy gadget schedule.
Limitahan o bigyan ng oras ang paggamit ng gadgets ng iyong anak. Ipaliwanag sa kaniya kung bakit kailangang gawin ito. Tulad nalang ang 1-hour limit gadget use kada weekends lang. At hindi paggamit ng gadgets tuwing kumakain, naglalakad at sa oras ng kanilang pagtulog.
3. Bantayan ang paggamit ng gadget ng iyong anak.
Huwag maglalagay ng kahit anong gadget sa kwarto ng iyong anak. Mabuting ilagay ito sa living room na kung saan makikita mo kung nasusunod niya ba ang schedule sa paggamit ng gadget na pinag-usapan niyo. Kapag siya ay naglalaro o gumagamit ng kaniyang gadget mabuting tingnan din kung ano ang nilalaro o pinapanood niya. Ito ay para masiguro mong akma o healthy pa para sa kaniya ang content na nakikita niya sa gadget niya.
4. Siguraduhing ang content ng gadgets ng iyong anak ay akma sa kaniyang edad.
Maliban sa pagbabantay ng pinapanood o nilalaro ng iyong anak sa gadget niya. Kailangan mong siguraduhin na lahat ng apps sa gadget niya ay akma para sa kaniyang edad. Mabuti ding huwag munang hayaang magkaroon ng sariling email o social media account ang iyong anak. Ito ay para mas makontrol mo ang paggamit niya ng gadget at mga contents na nababasa o nakikita niya.
5. I-encourage ang iyong anak na gumawa ng mga activities sa labas ng iyong bahay.
Para ma-encourage ang iyong anak na gumawa ng activities sa labas ng inyong bahay ay dapat samahan at ipakita mo sa kaniya ang saya at magandang epekto nito sa kaniyang kalusugan. Sa ganitong paraan ay madidivert ang kaniyang atensyon at mababawasan ang gadget-use niya.
Source: AsiaOne, HealthXchange
Photo: Freepik
Basahin: 4-anyos, lumabo ang mata dahil sa sobrang paggamit ng gadget
- Binabasahan mo ba ng libro ang anak gamit ang tablet? Ito ang epekto sa bata, ayon sa mga eksperto
- 15-anyos na mahilig sa gadgets, hindi na nakikita ang mga bagay na mas malayo sa 6-inches mula sa mukha niya
- 12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak
- Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."