Sa panahon ngayon, normal na sa mga bata ang paggamit ng gadget tulad ng smartphone at tablet. Malaki ang naitutulong ng mga ito pagdating sa paglibang ng mga bata. Nakakatulong din para matuto sila ng iba’t ibang mga bagay sa internet.
Nakakatulong din ito ngayon sa kanilang edukasyon, lalo na sa mga nag-o-online class.
Mababasa sa artikulong ito:
- 4-anyos, lumabo ang mata dahil sa paggamit ng gadget
- Mga tips pagdating sa paggamit ng gadgets:
Ngunit mayroon din pa lang dalang panganib ang paggamit nito, lalo na kung sumobra. Ito ay dahil kamakailan lang ay nagkaroon ng balita tungkol sa isang 4-anyos na bata galing China na dahil sa sobrang paggamit ng smartphone ay naging malabo ang mga mata.
Bakit kaya ito nangyari, at ano ang magagawa ng mga magulang para maiwasan itong mangyari sa kanilang anak?
4-anyos, lumabo ang mata dahil sa paggamit ng gadget
Ayon sa ulat, parehas umano na na nagtatrabaho ang mga magulang ng bata. Dahil rito, madalas umano ay ang lolo at lola ng bata ang nag-aalaga sa kaniya. Ngunit dahil sa pagiging active at energetic ng bata, nahirapan ang mga matanda na bantayan at tutukan siya.
Kaya’t naisipan nilang bilhan siya ng smartphone upang siya ay maglibang. Dahil rito, madalas umano na nakaupo lang ang bata at nanonood ng videos at naglalaro ng games sa smartphone.
Ngunit isang araw umano ay nagsabi ang bata sa kaniyang mga magulang na parang lumalabo raw ang kaniyang paningin. Matapos nilang pumunta sa ospital, napag-alaman na naging shortsighted ang bata, at kinakailangan niyang magsalamin.
Ayon sa doktor na tumingin sa bata ay kailangan umano ng bata ng salamin na may grado na 650; napakataas ng grado na ito kahit na sa mga matatanda, lalo na para sa mga bata.
Dagdag pa ng doktor, posible umano na epekto ito nang labis na paggamit ng bata ng smartphone. Sapagkat kapag nasobrahan umano sa pagtingin sa screen ng malapitan ay humihina ang mata. Posibleng din itong maging katulad sa panlalabo ng mga mata na nangyayari sa mga matatanda.
Kaya mahalagang huwag hayaang masobrahan sa paggamit ng gadgets ang mga bata. Kung maari nga ay mas mabuting huwag muna silang hayaang gumamit ng mga ito dahil hindi pa naman nila kinakailangan.
Pahayag ng eksperto
Ayon kay Dr. Maria Fe Marquez isang optemetrist sa Eye world marami umanong dahilan sa panlalabo ng mata ng isang bata. Pahayag niya,
“Ang paggamit ng gadgets ay talagang nakaka-trigger ng pagkalabo ng mata. Dito na lang sa aming clinic eh, dumami ang mga batang patients na malabo ang mga mata.
Mga elementary at high school students, hindi kagaya dati na madalas, eh mga matatanda na talaga ang nagpapa-adjust ng grado ng salamin.”
Dagdag pa niya ang mga gadget na may radiation o blue light at iba pang electronics. Katulad ng cellphone, computer at TV ay nagdudulot ng matindi o severe eye diseases. Pagpapaliwanag niya,
Larawan mula sa iStock
“Sa ngayon, hindi natin mapapansin agad pero in due time makikita na ang lumalalang effect nito sa mga mata habang tumatanda ang isang tao.”
Pahayag din ni Dr. Jan bin Jan Mohammed, chairman ng Nutrition & Diabetics Program sa University Sains Malaysia, na ang labis na paggamit ng gadgets ay nagpapatanda lalo sa mata.
“Too much use of gadgets causes exposure to radiation, it gives you eye strain, neck and shoulder strain, and headache as well,” he said.
Kaugnay din nito, pinaliwanag ni Dr. Marquez na ang blurred vision o panlalabo ng mata at eye ageing ay nagsisimula sa pagkakaroon ng dry eyes.
“Kapag lagi nakatutok sa gadget, bihira nang pumikit ang mga mata, nagkakaroon din ng dry eyes. Sintomas niyan ang mga mata makati, nanunuyo at naluluha. At kapag sobrang tuyo ang mata nagkakaroon na rin ng blurred vision.”
Mga maaaring gawin para maiwasan ang panlalabo ng mata ayon sa mga eksperto
Habang ang pagsusuot ng multi-coated na salamin sa mata ay nakakapag-iwas sa pag-expose sa mata ng radiatian na nape-penetrate ng mata.
Payo ni Dr. Marquez mas mainam pa rin umano ang paggamit ng gadget para maiwasan ang panlalabo ng mata at iba pang problema sa mata.
“Alam mo, tama na ang isang oras sa isang araw na paggamit ng gadgets sa mga bata talaga.”
Payo naman ni Dr. Mohammed, ang pag-inom ng mga eye supplements katulad ng lutein, ganun din ang pag-inom ng vitamin A, C, E, at mga antioxidants ay makakatulong.
Larawan mula sa iStock
“If we can’t keep ourselves from using gadgets for long hours, you need to have another nutrient called lutein filter high energy from light.
It protects and maintains healthy cells in the eyes. Supplements can help prevent blurred vision.”
Posibleng sakit sa mata sa labis na paggamit ng gadget sa mga bata
Narito ang mga posibleng maging sakit o kondisyon sa mata ng isang bata na labis-labis ang oras ng paggamit ng gadget. Ayon sa Medanta, ang batang na 3 oras na nag-ii-screentime sa isang araw ay may high risk na maranasan ang mga eye-related problems. Ang mga ito ay ang mga sumusunod:
1. Computer Vision Syndrome
Tinatawag din itong digital eye strain, ito ay isa sa mga problema sa mata na dulot na digital screen exposure. Ang mga batang gumagamit ng gadget ng matagal sa isang araw. Lalo na may maling posture o ilaw ay may mataas na tiyansa na makaranas ng eye strain sa isang punta.
Ang mga LED sa mga devices ay nag-e-emit ng mataas na amount ng blue light na posibleng makasama sa kalusugan sa kaniyang mata.
2. Near-sightedness
Ang paggamit ng gadget ng sobra ay maaari ring makapag-develop ng condition na myopia lalo na sa mga bata o tinatawag na near-sightedness. Ito ay isang kondisyon dulot ng elongation ng eyeball, na nagpapahirap sa pagpasok o pag-reflect ng ilaw papasok sa mata.
Sanhi nito mahihirapan ang retina sa mata na makapagpokus. Ang resulta ay ang pagiging near-sightedness para sa mga bata, mahihirapan sila na makakita sa mga bagay na may distansiya.
3. Paediatric dry eye disease
Larawan mula sa iStock
Ang pagtaas ng bilang sa mga batang gumagamit ng smartphones o mga digitial devices ay maaaring magdulot ng dry eye disease o DED. Ayon sa mga pag-aaral na ang lower blink rate sa matagal na paggamit ng gadget o exposure sa digital devies ay maaaring magpabilis ng evaporation sa lubricationg tear film sa mata na maaaring magdulot ng makati at dry eyes.
Dagdag pa rito, ang incomplete blink na hindi dumidikit sa eyelid ay hindi sigurado na maikakalat ang tear film papunta sa ocular surface na magiging sanhi ng dry eyes.
3. Eye Fatigue
Ang mga batang walang oras ay paggamit ng smartphone o tablet dahil sa paglalaro nila sa o panunuod nila rito ay maaaring makasama sa kanilang mata.
Kinakailangan ng ating mga mata ng pag-break sa close-up focus. Lalo na sa mga blue light na mayroon ang mga gadget. Maaari kasing magdulot din ito ng eye fatigue at pagkawala ng pokus. Kadalasan short-term lamang ito o minor issue at kusang nag-aadjust ang mata rito makalipas ang ilang oras.
Ang mahabang oras na exposure ng mga mata bata sa digital screen ay maaari magdulot ng implication sa iyong anak. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:
- Pagsira ng sleeping pattern ng iyong anak.
- Hamper cognitive development
- Pataas ng tiyansa na maging obese o pagtaas ng timbang
- Pag-trigger ng pananakit ng leeg at likod.
Mga tips pagdating sa paggamit ng gadgets:
Heto ang ilang tips para sa magulang pagadating sa screen time at paggamit ng gadgets:
1. I-assume mo na skilled ang anak mo
Lalo na sa mga may content blocking na mga sites, assume mo na skilled ang anak mo. Bakit? Marahil mas marami pa silang alam na tricks sa iyo sa makabagong teknolohiya, o pwede ring natulungan ng mga kaibigan.
2. Mag-spend ng time kasama ang anak
Kung gusto mo ring ma-monitor ang anak mo, mag-spend ka ng time kasama siya gamit ang computer, tablet, o smartphone, o kung ano mang gamit niya para matulungan kang i-establish na hindi lang siya solitary activity.
Marahil maglaro ng joint game, manood ng movie magkasama, gumawa ng creative project, kumuha ng new hobby o topic o interes (tulad ng sport, art, game, music, at iba pa), at mag-spend ng time na ginagawa ang mga ito online.
Gawin itong masaya at engaging—marahil huwag munang gumamit ng mga eksam or quiz sa mga oras na ito. Ideally, hayaan mong pumili ng topic ang iyong anak pero siyempre ikaw pa rin ang final say.
3. Mag-anticipate
I-anticipate mo na kapag ang iyong anak ay prone sa aggressive behavior o anxiety, ang mga content ng kahit anong bidyo games o kahit anong material online maaaring mas maging worse ang behavior na ito.
Tulad na nga lamang na kanyang anxiety at fear na common in early childhood, maaaring lumala lalo na kapag devoted sa screen time sa mga traumatic o events na may mga terrorist acts, violence, death, at kung ano pang hindi magandang behavior.
4. Tandaan na ang pag-explain ay hindi sapat
Larawan mula sa iStock
Usually ang mga parents ini-inform lang ang mga anak tungkol sa mga danger na dulot ng more screen time at nagkakaroon naman ng verbal understanding ang both sides.
Pero mas maganda kung i-explain thouroughly sa anak—hindi lang siguro ‘yong mga danger pati na rin ang mga benefits ng less screen time.
5. I-monitor ang screen time ng iyong toddler o adolescent
Ang pag-monitor sa inyong mga anak ay makakatulong sa kung ano ang pwedeng makuha nilang mga ugali online na ayaw mong makuha nila. Pero hindi naman ‘yong sobrang pag-uusisa na. Basta keep track lang kung ano ang ginagawa ng iyong anak at kung sino kasama.
6. Maging magandang halimbawa
Bilang isang nakatatanda, maging magandang halimbawa sa inyong mga anak kung paano gumamit ng mga smartphone o tablet online at siyempre kung maaari limitahan din ang iyong screen time.
Samakatuwid, ang digital media ay talaga nga naman nagdadala sa mga magulang ng mga bagong pag-aalala at concern pero good reason naman.
Pero tandaan kung magiging magandang impluwensya at halimbawa ang mga magulang magiging positibo din ang reaksyon ng inyong mga anak sa paggamit ng digital media.
Source:
World of Buzz, PNA, Medanta
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!