Ano ang IUD?
Ang IUD o mas kilala bilang Intrauterine Devic ay isang device na nilalagay sa uterus ng babae upang mapigilan ang pagbubuntis nito. Kilala ang IUD dahil ito ay epektibo at talagang gumagana sa mga kababaihan. Ang itsura nito ay maliit at malambot na hugis letter T.
May dalawang uri ng IUD. Ito ang copper IUD at hormonal IUD. Ang copper IUD ay kadalasang tumatagal ng 12 years at mapipigilan ka nitong magbuntis. Ang hormonal IUD naman ay tumatagal ng mula 7 years pababa. Depende sa brand nito.
Ano nga ba ang IUD at epekto ng IUD sa sex?
Para sa mga mag-asawang nagnanais na mag-family planning, nakakatulong ang paggamit ng mga contraceptives tulad ng IUD. At sa usapin ng IUD, madalas tinatalakay ang epekto ng IUD sa kalusugan ng mga babae, pati na kung paano ito nakakaiwas ng pagbubuntis.
Pero bihirang-bihirang napag-uusapan ang epekto ng IUD pagdating sa sex life ng mga babae. Ating alamin kung nakakatulong ba ito, o nakakasama, pati na rin ang mga dapat tandaan ng mga babae pagdating sa pakikipagsex na mayroong IUD.
Ang copper IUDs at hormonal IUDs ay parehong epektibo at napipigilan nito ang pagbubuntis. Kapag nailagay na ang IUD sa babae, ang papasok na sperm ay mag iiba ang direction at hindi didiretso sa egg cell ng babae.
Pwede ba mabuntis kahit may IUD? Ang sagot ay hindi na. Dahil ang IUD ay nakakapigil ng pagbubuntis.
Mababago ba nito ang sex drive?
Heto ang mabuting balita sa mga nagnanais magpalagay ng IUD: hindi nito naaapektuhan ang iyong sex drive. Kahit hormonal pa na IUD ang iyong ipalagay, hindi nito maaapektuhan ang iyong sex drive. Kaya’t kung ikaw ay nababahala tungkol dito, wala ka dapat ipag-alala.
Kung tutuusin, mas nakakatulong pa nga ang IUD sa sex life ng mga mag-asawa, dahil hindi kinakailangang uminom ng gamot ng mga babae. Hindi rin kailangan magsuot ng condom ng mga lalake. Ibig sabihin, magiging mas intimate ang inyong pakikipagtalik, at hindi ka na mag-aalala na baka nakalimutan mo palang uminom ng birth control pills.
Mararamdaman ba ito ng asawa mo?
Ang isa pang inaalala ng mga babae ay baka maramdaman ng kanilang partner ang mga strings o tali ng IUD kapag nakalagay na ito. Ang katotohanan ay posible nila itong maramdaman, pero bihira ito nangyayari. Para sa karamihan ng mga babaeng gumagamit ng IUD, walang pagbabago sa sensation na nararamdaman ng kanilang mga partner.
Ang mga tali ng IUD ay lumalambot pagtagal, at dinisenyo upang hindi maramdaman. Kaya’t walang dapat ipag-alala ang mga inang gumagamit nito.
Madali ba itong matanggal, at masakit ba makipagsex pag may IUD?
Ang 2 katanungan na ito ang pinakamadalas na tanungin ng mga inang nagnanais gumamit ng IUD. Nag-aalala sila na baka matanggal ito habang nakikipagtalik sila, o kaya ay magiging masakit ang pakikipagsex kapag mayroong IUD.
Posibleng matanggal ang IUD, pero bihira itong nangyayari. Madalas ay nangyayari ito kapag hindi maganda ang pagkalagay sa IUD, kaya’t mahalagang pumunta sa doktor o kaya sa rehistradong clinic.
Ang isa pang inaalala ng mga ina ay baka magiging masakit ang pakikipagsex pag may IUD. Kapag nailagay na ang IUD ay posibleng magkaroon ka ng kaunting pagdurugo, pero normal lang ito dahil kakalagay lang ng IUD. Ngunit pagdating sa pakikipagsex at mga regular na gawain, walang mararamdan na kahit ano ang mga babae. Minsan nga ay makakalimutan mo na mayroon ka palang IUD!
Ang paggamit ng IUD ay epektibo, at walang dapat ipag-alala ang mga ina pagdating dito. Siguradong hindi ka mabubuntis, at walang magiging negatibong epekto ang paggamit ng IUD sa sex life ninyong mag-asawa.
Mga bawal sa naka IUD
Mahigpit na ipinagbabawal sa babae ang paggamit ng IUD kung sila ay:
- Buntis
- Allergic sa copper
- Abnormal ang uterus
- May liver disease
- Mataas ang risk sa STI
Source:
Basahin:
IUD: Lahat ng kailangan mong malaman tungkol sa contraceptive na ito
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.