Mahilig ba ang inyong anak sa pagkain ng junk foods parents? Naku! May masamang epekto ‘yan para sa kaniya, alamin ang epekto ng junk food sa bata dito.
Mababasa sa artikulong ito:
- Epekto sa kalusugan ng isang bata kung siya ay mahilig kumain ng junk foods.
- Mga maaring gawin para mabawasan ang hilig ng iyong anak sa pagkain ng junk foods.
Epekto ng junk food sa bata
Ayon sa isang artikulong nailathala sa health website na WebMD, ang salitang junk food ay tumutukoy sa mga pagkaing nagtataglay ng mataas na level ng calories at kakaunting nutritional value.
Ilan sa mga pagkaing halimbawa nito ay ang maaalat at matamis na pagkain. Tulad nalang ng mga candy, desserts, fried fast food, salted snack foods at sugary carbonated beverages.
Maliit na utak at mataas na level ng anxiety.
Marami sa atin ang mga nahihilig sa mga pagkaing ito. Lalo na ang mga maliliit na bata na ayon sa isang pag-aaral ay may hindi magandang epekto sa kanilang kalusugan kung patuloy nating hahayaan.
Ang natuklasan ngang epekto ng junk food sa bata ay maliit na utak at mataas na level ng anxiety. Ang epekto umanong ito ay hindi na mababago kahit na mag-healthy eating pa ang isang bata kalaunan sa kaniyang pagtanda.
Base pa rin sa ginawang pag-aaral, maliban sa unhealthy eating habits, ang kakulangan sa exercise ay maaari ring magdulot ng nasabing mga epekto sa isang bata.
Kaya naman rekumendasyon ng pag-aaral, sa murang edad pa lamang nila’y dapat sanayin na ang mga batang kumain ng masustansya. Ganoon din ang maging active o mag-exercise para sa ikabubuti nila.
Ito ang rekumendasyon ng ginawang pag-aaral na nailathala sa journal na Physiology and Behavior.
Samantala, maliban sa nabanggit pag-aaral ay narito ang iba pang epekto ng pagkain ng junk food sa mga bata. Base ito sa iba’t ibang pag-aaral at pahayag mula sa mga eksperto.
Background photo created by pvproductions – www.freepik.com
Inuubos nito ang energy ng katawan ng isang bata.
Bagama’t maaaring makabusog ang pagkain ng ilang junk foods, hindi umano sapat ito para panatalihin na may energy ang katawan ng matagal.
Sa katunayan, ang pagkain ng junk foods lalo na ng may mataas na sugar content ay nakakabawas ng energy sa katawan. Naapektuhan din nito ang kakayahan ng isang bata na mag-focus.
Dalawang bagay na napakahalaga sa mga batang nag-aaral. Sapagkat una, kailangan niya ng sapat na energy para makagawa o makapag-participate sa mga physical activity.
Mahalaga rin na siya’y may kakayahang makapagpokus sa para maintindihan niya ang kaniyang mga pinag-aaralan.
May mataas na tiyansa na maging obese siya.
Base naman sa isang pag-aaral na nailathala sa journal na Pediatrics, ang mga batang mahilig kumain ng junk foods ay mataas din ang tiyansang makaranas ng obesity.
Sapagkat karamihan ng junk foods lalo na ang mga pagkain sa fast food ay may mataas na level ng calories. Ganoon din ang fat, carbohydrates at sugar.
Ang mga batang mahilig sa junk food ay madalas na nagkakaroon ng problema sa kanilang eating pattern.
Base naman sa isang statement na nailathala sa journal na Nature Neuroscience, ang pagkain ng junk foods ay addictive. Kaya naman ito ay nakakaapekto sa eating patterns ng isang bata.
Bilang resulta, walang sustansiya ang kaniyang kinakain, at hindi rin siya nakakain sa tamang oras. Mahalaga ang tamang oras ng pagkain lalo na sa kaniyang lumalalaking katawan.
BASAHIN:
8 Healthy foods that are high in vitamin D, and other sources
Photo by Amina Filkins from Pexels
Mataas ang tiyansa na makaranas ng diabetes, high blood pressure, stroke at iba pang malalang sakit ang batang mahilig kumain ng junk food.
Pahayag ng mga health experts, ang pagkain ng junk food ang pangunahing dahilan sa tumataas na bilang ng kaso ng mga sakit na diabetes, high blood pressure at stroke.
Ang mga sakit na ito ay hindi lang basta tumatama sa mga matatanda. Maaari rin itong maranasan ng mga bata. Lalo na ang mga batang obese na nakuha ang kondisyon mula sa kanilang unhealthy eating habits.
Ang kanilang unhealthy na katawan ay maaaring maging dahilan para mawalan sila ng self-esteem o kaya naman ay makaranas ng depression.
Ang pagkain ng junk food ay maaaring makaapekto sa physical development ng isang bata. Ito ay maaaring magresulta ng unhealthy weight gain na maaring mauwi naman sa self-esteem problems.
Kung ang isang bata ay may mababang self-esteem, mataas din ang tiyansa niyang makaranas ng depression. Isang napakadelikadong kondisyon na maaring makaapekto sa social relationships ng isang bata at magtulak sa kaniya na ilagay sa kapahamakan ang kaniyang sarili.
Tips para mabawasan ang pagkain ng junk foods ng iyong anak
Para maiwasang maranasan ng iyong anak ang mga nabanggit na negatibong epekto ng junk food sa bata ay mabuting tigilan na ang pagkahilig niya sa mga ito.
Narito ang 3 bagay na maaari mong gawin para matulungan siyang iwasan na ang pagkain ng junk food at kumain na ng masusustansiya.
Food photo created by pvproductions – www.freepik.com
1. Pumili ng mga restaurants na nag-o-offer ng healthier choices ng pagkain. Kumain ng mga pagkaing gawa sa mga sangkap na may taglay na nutrients. Tulad ng mga fresh juice, pizza na may vegetable toppings at chicken sandwiches.
2. Humanap ng mga produktong may mababang sugar content, high-fructose corn syrup, milled grains, at may partially hydrogenated oils. Imbis na kumain ng tsitsirya ay kumain ng mga dried o mixed fruits na may taglay na sustansya.
3. Limitahan ang panonood ng TV ng iyong anak. Sapagkat madalas dito niya nakikita ang mga commercials na nagpo-promote ng junk foods na hindi maganda para sa kalusugan niya.
4. Maging mabuting halimbawa sa iyong anak. Iwasan ang pagkain ng junk food at piliin lang ihanda sa kaniya ang mga pagkaing masusustansya tulad ng prutas at gulay.
Source:
WebMD, Healthy Eating, Science Daily