Epekto ng junk foods sa kalusugan? Maari itong makabulag!
Ito ang nangyari sa isang binata na umaming ang kinakain niya lang araw-araw mula pagkabata ay French fries, pringles, white bread, processed ham at sausage.
Epekto ng junk foods sa kalusugan
Sa edad na 15-anyos ay unti-unti na umanong humihina ang pandinig at lumalabo na ang paningin ng hindi pinangalanang binata. Ngunit hindi matukoy ng mga doktor kung bakit nangyari ito lalo pa’t wala naman daw nakitang problema sa kaniyang mata at tenga base sa ginawang MRI scan sa kaniya.
Lumipas ang taon at tumungtong sa edad na 17-anyos ang binata, dito na tuluyang nawala ang paningin niya.
Ayon sa doktor na tumingin sa kaniya ay mukha namang maayos at normal ang binata. Ang kaniyang taas, timbang at BMI ay tugma sa kaniyang edad.
Ngunit ng makita ang resulta ng test na naisagawa sa kaniya napag-alamang siya pala ay anemic at mayroong mababang level ng vitamin B12 sa katawan. Natuklasang mababa din ang level niya ng copper, selenium at vitamin D na pinaniniwalaang dahilan ng mahihina niyang mga buto.
At ng tanungin siya tungkol sa kaniyang diet, dito na natukoy ng mga doktor ang ugat ng problema. Ang nararanasan pala ng binata ay epekto ng junk foods sa kalusugan. Pag-amin ng binata, ang tanging kinakain niya lang mula noong siya ay nasa elementary pa ay limang pagkain. Ito ay French fries, pringles, white bread, processed ham at sausage.
Pagsasa-ayos ng kalusugan
Para maisaayos ang kalusugan ng binata ay niresetahan siya ng mga nutritional supplements. Ni-refer din siya sa isang mental health service para maturuan siyang iwasan ang pagkain ng mga unhealthy foods tulad ng junk foods.
Sa tulong ng mga supplements ay hindi na mas lumala ang paglabo ng paningin ng binata ngunit hindi naman na ito nag-improve.
Kaya paalala ng doktor na sumuri sa kalagayan ng binata, kumain ng masusustansiyang pagkain. Dahil kahit anong dami ng iyong kinakain kung hindi naman ito masustansya ay hindi magbebenefit ang iyong katawan.
“Nutrition does not just depend on how much you eat but what you eat and this case illustrates that fact. Here was a boy who consumed enough calories—he had normal height and weight and no visible signs of malnutrition—but he restricted his food to crisps and chips [fries] and a bit of processed pork. In other words, energy-dense foods of little nutritional value. The case illustrates the fact that calorie intake and BMI are not reliable indicators of nutritional status.”
Ito ang pahayag ni Dr. Denize Atab ng Bristol Eye Hospital na co-author din ng ginawang pag-aaral sa binata.
Para naman sa qualified dietitian na si Aisling Pigoot mula sa Britist Dietetic Association, ang kaso ng binata ay isang halimbawa ng modern-day malnutrition. O ang kakulangan ng katawan sa mineral at fiber at hindi sa energy.
Ang kwentong pangkalusugan ng binata na ito ay nailathala sa Annals of Internal Medicine journal.
Recommended balanced diet sa isang araw
Samantala, ang recommended healthy at balanced diet ng mga eksperto araw-araw ay ang sumusunod:
- At least 5 portions ng fruit at vegetables araw-araw
- Mga high fiber food tulad ng potatoes, bread, rice at pasta
- Dairy o dairy alternatives tulad ng soya drinks
- Beans, fish, eggs, meat at iba pang source of protein
- Small amounts ng mga unsaturated oils and spreads
- Pag-inom ng 6 to 8 na baso ng tubig araw-araw
Kung kumakain ng pagkain o umiinom ng drinks na may mataas na fat, salt at sugar ay siguraduhing maliliit na amount lang ito.
Pumili rin ng mga pagkain mula sa 5 main food groups (carbohydrates, protein, milk and dairy products, fruits and vegetables, fats and sugars) para makakuha ng iba’t-ibang klase ng nutrients.
Photo: Pexels