STUDY: Nakaka-apekto ang kape sa kalusugan ng ipinagbubuntis

Pag-inom ng kape nakakasama sa liver ng ipinagbubuntis na baby, ayon sa isang pag-aaral.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Epekto ng kape sa ipinagbubuntis na baby natuklasan ng isang pag-aaral. Ang pag-inom ng kape ni Mommy nakakaapekto daw sa liver development ni baby.

Epekto ng kape sa ipinagbubuntis na baby

Ayon sa pag-aaral na inilathala sa Journal of Endocrinology, ang pag-inom ng kape ng isang buntis ay maaring maka-apekto sa liver development ng baby bago at pagkatapos siyang maipanganak.

Sa ginawang pag-aaral ay binigyan ng mga scientist ang mga buntis na daga ng caffeine na katumbas ng 2 to 3 hanggang sa 6 to 9 cups ng kape. At saka nila tiningnan at pinag-aralan ang mga liver function ng mga baby na daga bago at pagkatapos maipanganak.

Dito nila natuklasan na ang ilan sa epekto ng kape sa ipinagbubuntis na baby ay ang sumusunod:

  • Lower birth weight
  • Altered growth
  • Mataas na stress hormone level
  • Impaired liver development

At ayon pa sa kanila ang mga nabanggit ay maaring magpataas ng tiyansa ng liver disease sa mga baby kapag sila ay tumanda na.

Bagamat ang pag-aaral ay ginawa sa mga daga, sinabi ng mga scientist na naipapakita naman nito ang maaring maging epekto ng kape sa ipinagbubuntis na baby na tulad din na nangyayari sa mga tao.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Freepik

Pahayag ng mga eksperto

“Animal studies are useful for deciphering the potential mechanisms as it is not ethical to subject the human fetus to putative harmful substances.”

Ito ang paliwanag ni Prof. Ling-Wei Chen, mula sa School of Public Health sa University College Dublin, na nagsagawa din ibang pag-aaral tungkol sa subject na ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Our work suggests that prenatal caffeine is not good for babies and, although these findings still need to be confirmed in people, I would recommend that women avoid caffeine during pregnancy.”

Ito ay ang pahayag ni Dr. Yinxian Wen, co-author ng ginawang pag-aaral mula sa Wuhan University sa China.

“This research is a valuable contribution to the current knowledge and adds support to the recommendations to limit or avoid caffeine in pregnancy.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ito naman ang naging reaksyon ni Dr. Anne Lise Brantsaeter, senior scientist sa Norwegian Institute of Public Health. Siya ay gumawa na ng ilang epidemiological studies sa prenatal caffeine exposure at health outcomes sa mga bata.

Dagdag pa ni Dr. Brantsaeter, ang pag-aaral ay sinusuportahan ang nauna ng rekomendasyon na limitahan o iwasan ang caffeine intake ng mga buntis. Kabilang dito ang kape, tsaa, caffeinated drinks at dietary supplements na may caffeine content.

Ang mga chocolates din daw ay may caffeine, bagamat ito ay maliit na dose lamang. Habang ang mga green tea o herb tea ay maaring magkaroon ng konting dose ng caffeine na maari ring wala.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Source: Newsweek
Photo: Freepik

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement