Mga ina na walang ng sapat ng tulog mas at risk magkaroon ng cancer

Ang epekto ng kulang sa tulog ay nagdudulot ng seryosong health problem sa kalusugan. Kaya naman 'wag sanayin ang sarili na laging magpuyat gabi-gabi. | Lead Image from Freepik

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Epekto ng kulang sa tulog, ano nga ba?

Mahalaga ang pagtulog lalo na sa mga working moms. Alam nating lahat kung gaano kahirap pagsabayin ang trabaho at parenthood regardless sa edad ng mga anak natin. Ngunit hindi kailangang ubusin ang energy natin dahilan para maging walking zombie tayo pagtapos ng araw at harapin ang epekto ng kulang sa tulog.

Matulog ng maaga o harapin ang seryosong side effects ng sleep deprivation

Mommies, ‘wag maliitin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng sapat na tulog. Kung patuloy na uugaliin ang pagpupuyat, maaring magdulot ito ng consequence sa iyong kalusugan.

Epekto ng kulang sa tulog | Image from Freepik

1. Mas lapitin sa cancer

Ayon sa National Sleep Foundation, kung ikaw ay walang sapat na tulog lagi, mataas ang tyansa mo na magkaroon ng breast cancer. Samantalang prostate cancer naman sa mga lalaki. Paliwanag ng The John Hopkins Medicine, ito ay dahil sa problema ng katawan na “biological clock” na nagkokontrol ng pagtulog ng isang tao. Ito ay nakakapagpataas ng tyansa na magkaroon ng breast, colon, ovary at prostate cancer.

2. Mas mataaas ang tyansa sa inflammation at heart disease

Ayon sa pag-aaral, Isa pang seryosong epekto ng kulang sa tulog ay ang pagtaas ng tyansa cardiovascular disease. Maaari kang magkaroon ng inflammation katulad ng pain, heat, swelling, redness at pagkawala ng function ay isang senyales ng problema sa puso. Ugaliin ang magkaroon ng sapat na tulog lalo na kung ang pamilya mo ay may history ng cardiovascular issues.

3. Memory loss

Nalaman din sa pag-aaral na may negatibong epekto ito sa short-term memory at long-term memory. Ayon sa pag-aaral na naka-published sa Journal of the American Medical Association, ang problema sa pagtulog ng mga matatanda ay may kaugnayan sa cognitive impairment. Kaya naman kung may malaking presentation ka sa susunod na linggo, ngayon pa lang ay dapat magkaroon ka na ng maayos na tulog.

4. Weight problems

Craving sa kung anu-anong snack sa trabaho pagkatapos asikasuhin ang iyong anak buong gabi? Hindi ka nag-iisa. Napagalaman ng pag-aaral na ito na ang katawan ng isang tao ay naghahanap ng high calorie food kapag sila ay kulang sa tulog. Tumataas rin ang appetite ng mga ito. Kaya naman sa mga nais na magpapayat, simulan ito sa pagkakaroon ng maayos at sapat na tulog.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Epekto ng kulang sa tulog | Image from Freepik

5. Tatanda agad ang iyong balat

Para sa mga maalaga sa kanilang balat, malamang ang side effect na ito ang pinaka kinaiinisan mo. Ayon sa reseach, ang side effects ng sleep deprivation ay magagawa nitong mapatanda agad ng mabilis ang ating mga balat. Kaya naman isama sa iyong skincare routine ang pagkakaroon ng sapat na tulog.

6. May negatibong epekto sa iyong mood at mental health

Ang epekto ng pagkakaroon ng kulang sa tulog ay may kinalaman sa iyong mood at mental health. Naaapektuhan nito ang iyong sarili. Madalas mong mararanasan ang pagkalungkot, pagkairita at mild depress na maaaring magdala sa’yo sa mas seryosong mental health issue. Ang mga taong may insomia ay two times more likely na magkaroon ng depression kumpara sa mga ibang mayroong sapat na tulog.

Tips para sa mga moms na hirap makatulog

Narito ang tips para maiwasan ang masamang epekto ng pagkakaroong kulang sa tulog.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Matulog ng maaga. Kung ikaw ay nagigising tuwing gabi mula sa pagkakatulog, ang solusyon ay matulog ng maaga. Sa ibang kaso, bonus sleep na kung walang kids na maaaring gumising sa’yo.

Magtulungan kasama ang iyong asawa. Tatlong beses nagigising sa madaling araw para asikasuhin ang tummy problems ng iyong anak? Kausapin ang iyong asawa na siya muna ang mag-asikaso sa mga bata tuwing gabi para tuloy-tuloy ang iyong pagtulog.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Side effects ng sleep deprivation | Image from Freepik

Tulungan ang iyong anak na makatulog ng maayos. Kung ang iyong anak ay mayroong problema sa pagtulog, umisip ng oras para sa bedtime at maglagay ng dark shades sa kwarto. Ngunit kung hindi pa rin nakakatulog ng maayos ang iyong anak, bumisita na sa inyong pediatrician. Hindi kabilang dito ang mga newborn babies. Aabutin ng 3 to 6 months bago magkaroon sila ng sleep schedule.

Relax lang mommy! Ang iyong mga anak ay mayroong bedtime ritual katulad ng music, bedtime story o hug. Ngunit paano ka? Pwedeng magbasa ng libro, makinig ng music o mag invest ng comfortable bed, blanket at unan. Maaari mo ring gawin ang breathing exercise na ito para hindi magkaroon ng problema sa pagtulog.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

If you want to read the english version of this article, click here.

 

BASAHIN:

Ang tamang sleeping position ng buntis upang makaiwas sa stillbirth

Written by

Mach Marciano