Epekto ng marijuana may kinalaman umano sa fertility o kakayahang magkaanak ng isang tao.
Ayon sa isang pag-aaral na inilathala sa Canadian Medical Association Journal, bagamat itinuturing na natural medicinal drug ay hindi dapat baliwalain ang epekto ng marijuana sa katawan ng isang tao. Lalo na sa mga users nito na nangangarap at nagnanais na magka-anak.
Para maliwanagan ay narito ang epekto ng marijuana ayon sa mga eksperto.
Epekto ng marijuana sa katawan
Ang THC o major component ng marijuana ay sinisira ang maayos na balanse ng reproductive functions ng katawan.
Ang THC o tetrahydrocannabinol ay ang major component ng marijuana na nakakaapekto sa fertility ng isang tao sa pamamagitan ng pagsira sa balanse ng reproductive functions ng katawan. Ayon ito kay Dr. Kecia Gaither, isang OB-GYN at maternal fetal medicine physician mula sa New York.
Paliwanag niya, ang active-psychoactive ingredient na ito ng marijuana ay malaki ang epektong ginagawa sa endocannabinoid system ng katawan.
Ang endocannabinoid system ay ang network ng receptors sa katawan na tumutulong sa komunikasyon sa pagitan ng ating utak, endocrine tissues at immune system.
Mahalaga rin ang papel na ginagampanan nito sa pagkokontrol ng hormones sa katawan at human reproduction.
Sa paggamit ng marijuana ng isang tao ay nasisira ang maayos na communication process ng endocannabinoid system na malaki ang epekto sa balance ng reproductive functions ng katawan.
Ang pag-gamit ng marijuana ay nakakabawas sa sperm count ng isang lalaki.
Isa pa sa pangunahing epekto ng marijuana sa fertility ay ang pagbabawas nito sa dami ng sperm na ipinoproduce ng isang lalaki.
Base sa isang pag-aaral na ginawa noong 2015, natuklasang ang paggamit ng marijuana ay nagdulot ng 29% drop sa sperm counts ng mga lalaki.
Ang paggamit ng marijuana ay nakaka-apekto rin sa ovulation ng isang babae.
Ayon naman kay Dr. Felice Gersh, isang OB-GYN mula sa California, ang malaking amount ng THC sa katawan ay nagbabawas rin ng kakayahan ng mga babaeng magproduce ng sapat na dami ng estrogen na kailangan sa ovulation.
Kung hindi sapat ang estrogen na ipiniroduce ng isang babae ay walang ovulation na magaganap at walang egg cells ang mairerelease at mafefertilize.
Mas pinapalala ng marijuana ang mga preexisting fertility issues na nararanasan ng isang tao.
Maliban sa reduced sperm motility at delayed ovulation, ay pinapalala ng paggamit ng marijuana ang iba pang fertility issues na nararanasan ng isang tao.
Ito ay sa pamamagitan ng pagsira nito sa normal function ng endocannabinoid system at biological system na may kaugnayan sa fertility-ovulation, tubal transport, paghahanda sa uterine lining, at timing at proper implantation ng embryo, paliwanag parin ni Dr. Gersh.
Kaya naman payo ng mga eksperto, bagamat nakakatulong ang marijuana sa iba para sa mga medikal na kundisyon dapat iwasan ito ng mga couples na nais na magkaroon ng anak.
Source: Healthline
Basahin: Teenage parents force toddler to drink beer, smoke marijuana