Epekto ng paninigarilyo sa katawan ang isinusulong na dapat maiwasan ng mga eksperto sa pangkalusugan. Dahil sa paninigarilyo ay maraming sakit ang maaring makuha na malaking banta sa masaya at malusog na buhay ng isang tao.
Maliban nga sa mga nakakatakot na sakit na puwedeng makuha dahil dito ay may bagong paalala ang mga eksperto sa mga naninigarilyo lalo na sa mga kalalakihan.
Ito ay ang epekto ng paninigarilyo sa kanilang sex life na dapat nilang isaalang-alang.
Epekto ng paninigarilyo sa katawan
Ayon sa mga tala, ang paninigarilyo ang isa sa mga nangungunang dahilan ng mga reported deaths sa buong mundo.
Sa US ay may naitalang 480,000 na taong namamatay taon-taon dahil sa epekto ng paninigarilyo.
Samantalang sa Pilipinas ay may 20,000 smoking-related deaths naman ang naitala taon-taon. Kada oras ay mayroong sampung Pilipino di umano ang namamatay dahil sa tobacco-related disease, ayon sa World Health Organization o WHO.
Base sa tala ng Tobacco Atlas, 38.9% ng mga naninigarilyong Pilipino ay lalaki, habang 8.53% naman ang mga babae. Bagamat sinasabi ng mga health professionals na masama ito sa kalusugan, may naitala namang 22% mula sa kanilang grupo ang naninigarilyo.
Pero ayon sa mga eksperto hindi lamang ang nakakatakot ng epekto ng paninigarilyo sa kalusugan ang dapat katakutan ng mga smokers. Gaya ng pagkakaroon ng lung damage, heart disease, cancer at iba pa.
Ang paninigarilyo din daw ay nakakapekto sa sex life ng isang tao. Partikular na sa mga lalaki na maaring unti-unting mawalan ng kanilang kaligayahan dahil sa patuloy na paninigarilyo.
Dahil ayon sa mga eksperto ang paninigarilyo ay maaring magdulot ng penis shrinkage at erectile dysfunction sa mga lalaki.
Paano pinaliliit ng paninigarilyo ang ari ng isang lalaki
Paliwanag ng isang urologist na si Marc Laniado, nangyayari daw ito dahil sa epekto ng paninigarilyo sa blood flow ng isang tao. Dahil para magkaroon ng firm erection, kailangan ng mga lalaki ang sufficient blood flow.
Ngunit ito ay maaring hindi nila makamit dahil sa mataas na incidence ng atherosclerosis sa blood vessels ng mga naninigarilyo. Ito ay ang kondisyon na kung saan lumiliit o naninigas ang mga arteries sa katawan na nakakaapekto sa blood flow kabilang na sa penis o ari ng lalaki.
“The chemicals in smoke may also have an effect on firmness; nicotine causes blood vessels to become narrow. This can be temporary or—eventually—permanent,” dagdag pa ni Laniado.
Ang mas dapat pa nga daw ipag-alala ng mga lalaki ay ang unti-unting pagliit o pagiksi ng kanilang ari sa pagdaan ng panahon dahil sa paninigarilyo.
“Smoking stops the blood flowing through the penis, which stops the spontaneous and nightly erections that are needed to stretch the penis and keep it at a good length,” paliwanag pa ni Laniado.
Kaya naman daw dahil dito ay lumiliit ang ari ng lalaki habang patuloy siyang naninigarilyo.
Ngunit, hindi rin daw dapat maging kampante ang mga babaeng naninigarilyo. Dahil may epekto rin ang paninigarilyo sa pagkakaroon nila ng arousal sa sex na nangyayari sa tulong ng magandang blood flow sa katawan.
Pero dahil sa paninigarilyo, ito ay napipigilan at nagdudulot pa ng maraming masamang epekto sa kanilang kalusugan.
Sources: Mirror , WHO Philippines
Basahin: Hindi pagtu-toothbrush, nakaka-apekto sa ari ng lalaki