Epekto ng puyat sa bagong panganak, babae mas mabilis tumanda. Ito ang natuklasan ng isang pag-aaral na ginawa sa mga bagong panganak na ina.
Mababasa sa artikulong ito:
- Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng maayos na tulog ng babaeng bagong panganak.
- Epekto ng puyat sa bagong panganak.
- Ano ang maaaring gawin ng bagong panganak na babae para magkaroon ng maayos na tulog.
Epekto ng puyat sa bagong panganak
Ang hirap at sakit ng panganganak ng isang babae ay hindi natatapos sa oras na maisilang niya ang kaniyang sanggol. Dahil pagkapanganak ng kaniyang baby ay kailangan niya itong bigyan ng atensyon at pagmamahal. Ito ay kapalit ng mga buwan na wala siyang maayos na tulog at pahinga.
Bagama’t, hindi maalis na siya ay mapuyat sa pag-aalaga sa kaniyang bagong silang na sanggol, ayon sa isang pag-aaral may masamang epekto ang puyat sa bagong panganak. Partikular na sa kaniyang itsura na mas tumatanda daw na dulot ng pagpupuyat niya.
Ito ang resulta ng pag-aaral na ginawa sa mga 33 babaeng bagong panganak na edad 23 hanggang 45-anyos.
Hand photo created by jcomp – www.freepik.com
Puyat nagpapatanda ng itsura at pangangatawan ng babaeng bagong panganak
Ayon sa ginawang pag-aaral, ang mga babaeng bagong panganak na natutulog ng mas mababa sa pitong oras sa gabi ay tatlo hanggang pitong taon na mas tumatanda ang itsura at pangangatawan.
Ito ay makalipas ng isang taon matapos silang manganak. At ang epekto ng puyat sa bagong panganak na ito ay mapapansin madalas sa ika-6 na buwan ng buhay ng kanilang sanggol o 6 na buwan matapos silang manganak.
Napatunayan ito ng pag-aaral matapos kolektahin ang blood samples ng mga bagong panganak na ina at i-analyze ang DNA nila. Doon natuklasan na ang mga bagong panganak na ina na natutulog ng mas mababa sa 7 oras sa gabi ay mayroong mas maiksi o maliit na telomeres sa kanilang white blood cells.
Ang mga small pieces sa DNA na ito ay umaaktong protective caps ng ating chromosomes. Ang mas maliit o mas maiksing telomeres ay iniiuugnay sa pagkakaroon ng higher risk ng pagkakaroon ng cancers, cardiovascular diseases at iba pang age-related disease na kung hindi maagapan ay maaring mauwi sa kamatayan.
“The early months of postpartum sleep deprivation could have a lasting effect on physical health.”
Ito ang pahayag ni Judith Carroll, ang head author ng ginawang pag-aaral na isang psychobiology professor mula sa University of California sa Los Angeles, USA.
Isang oras na dagdag na tulog, mas bumabata ang babaeng bagong panganak
People photo created by shurkin_son – www.freepik.com
Dagdag pa ni Caroll, kaugnay ng kanilang natuklasan napaka-laking bagay na magkaroon ng dagdag na oras sa pagtulog ang bagong panganak na ina.
Ang isang oras umano na dagdag sa haba ng kaniyang tulog ay nagpapabata ng biological age niya. Dahil ang epekto ng maayos na pagtulog ay katumbas umano ng pagkain ng masusustansiyang pagkain at pag-iehersisyo sa ating katawan.
Kaya naman payo ni Caroll sa mga bagong panganak na babae ay matulog ng maayos hanggat maari.
“Taking care of your sleep needs will help you and your baby in the long run.”
Ito ang pahayag ni Caroll.
BASAHIN:
Vitamins para sa bagong panganak na ina para manumbalik ang sigla ng katawan
#AskDok: Paano ang tamang pag-aalaga sa tahi ng bagong panganak?
Mom confession: “’Yong paghinga niya lagi kong tinitignan habang natutulog baka mamaya hindi na pala humihinga.”
Paano makakakuha ng maayos na tulog matapos manganak?
Para makakuha ng maayos na tulog ang isang bagong panganak na ina ay narito ang ilang tips na maaari niyang gawin.
1. Matulog sa mga oras na natutulog ang iyong sanggol.
Para makapagpahinga ang katawan kahit sa sandaling oras ay mainam na matulog ang isang ina sa oras na natutulog din ang newborn baby niya. Mas mainam nga na kung may mapapakiusapan ka ay pabantayan muna ang iyong anak habang ikaw ay nagpapahinga.
2. Hingin ang tulong ng iyong asawa.
Ang unang tao na makakatulong sayo para maalagaan ang iyong anak ay iyong asawa. Kausapin siya at hingin ang kaniyang partisipasyon sa pag-aalaga sa inyong anak.
Lalong-lalo na sa gabi na kung saan maaaring magpalitan kayo o magkaroon ng schedule sa pag-aalaga sa inyong anak.
Image from Pexels
3. I-praktis ang good sleep hygiene.
Mahalaga ng magkaroon ng good sleep hygiene para makatulog ng maayos sa gabi. Gaya nalang ng pagsa-shower bago matulog o kaya naman ay ang pagbabasa ng libro bilang iyong pampaantok.
4. Sikaping magkaroon ng best sleeping environment para sa ‘yo at kay baby.
Masarap matulog sa malinis at maaliwalas na kuwarto. Kaya naman sikaping panatilihing malinis ang kuwartong tinutulugan mo at ni baby.
Ilagay sa ibang kwarto ang mga tupiing damit at iba pang kalat sa inyong bahay. Dahil habang nakikita mo ang mga ito at ang ibang kalat sa inyong bahay ay magulo rin ang isip mo.
Mahalaga rin na siguraduhing tahimik at may komportableng temperatura ang kuwartong tinutulugan mo.
5. Kumain ng masusustansiyang pagkain at mag-exercise.
Ayon sa mga eksperto, ang pagkain ng masusustansiyang pagkain ay nakakatulong para magkaroon ng maayos na tulog ang isang tao. Mas magiging masarap nga umano ang tulog kung ito ay dadagdagan pa ng ehersisyo.
Sa pagkain at inumin ay mahalaga rin na iwasan ang mga nagtataglay ng caffeine. Dahil sa ito ay maraming beses ng napatunayan na nakakaapekto sa pagkakaroon ng maayos na tulog ng isang tao.
Source:
Healthline, Science Daily
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!