STUDY: Stress sa buntis at conflict sa pagitan ng mag-asawa, may kaugnayan sa behavior ni baby paglaki
Narito ang masamang epekto ng stress sa pagbubuntis at sa pagitan ng mag-asawa na may kaugnayan sa magiging ugali ng kanilang baby paglaki.
Masama ba sa buntis ang umiiyak? Ang epekto ng stress sa buntis at conflict sa pagitan ng mag-asawa ay may kaugnayan sa magiging ugali ni baby. Ito ang natuklasan ng isang bagong pag-aaral na isinagawa ng mga researchers mula sa Universities of Cambridge, Birmingham, New York at Leiden.
Pag-aaral tungkol sa epekto ng stress sa buntis
Matapos sundan ang 438 na first-time expectant mothers at fathers sa 3rd trimester ng pagbubuntis hanggang sa ika-4, 14, 24month ng kanilang baby ng maipanganak ay may mga natuklasan ang mga researchers na mahalagang isaalang-alang ng mga magulang.
Una ay ang epekto ng stress sa buntis at sa magiging behavior ng kaniyang baby. At pangalawa, ay ang epekto ng conflict sa pagitan ng mag-asawa sa pagkakaroon ng emotional problems ng anak nila.
Ang mga magulang na nakibahagi sa pag-aaral ay nirecruit mula sa East of England, New York State at the Netherlands. At sa pamamagitan ng standardized questionnaires at interviews ay nakalap ng mga researchers ang mga data na kailangan nila.
Base sa resulta ng pag-aaral, ang prenatal wellbeing umano ng first time mothers ay may direct impact sa magiging behavior ng kaniyang anak kapag ito ay 2 years old na.
Masama ba sa buntis ang umiiyak?
Kung ang isang buntis ay nakaranas ng stress at anxiety sa kaniyang prenatal period ay mataas ang tiyansa na ang kaniyang anak ay magpapakita ng behavioral problems. Kabilang sa behavioral problems na ito ay temper tantrums, restlessness at spitefulness.
Lumabas din sa pag-aaral na ang mga 2-year-old ay mas mataas ang tiyansang magpakita ng emotional problems kapag ang kaniyang mga magulang ay nagkaroon ng conflict o problema matapos siyang maipanganak.
Ang emotional problems na tinutukoy ng pag-aaral na maaring maipakita ng isang 2-year-old ay pagiging worried, unhappy, tearful, madaling matakot at pagiging clingy.
Habang ang mga conflict at problema sa pagitan ng mag-asawa ay ang hindi pagkakaintindihan, hindi na pagiging masaya sa pagsasama at iba pa.
Pahayag ng mga researchers ng ginawang pag-aaral
Kaya naman mula sa resulta ng pag-aaral ay nagbigay paalala ang mga researchers sa mga mag-asawa sa magiging epekto ng stress sa buntis. At ang kahalagahan ng mental health support ng asawang lalaki sa kaniyang kabiyak para makaiwas rito. Ganoon rin ang pagsisiguro ng maayos na individual well-being ng anak sa pamamagitan ng pagkakaroon ng healthy couple relationships ng mag-asawa.
“Our findings highlight the need for earlier and more effective support for couples to prepare them better for the transition to parenthood.”
“For too long, the experiences of first-time dads has either been side-lined or treated in isolation from that of mums. This needs to change because difficulties in children’s early relationships with both mothers and fathers can have long-term effects.”
Ito ang dagdag na pahayag ni Professor Claire Hughes ng Cambridge’s Center for Family Research na lead author ng ginawang pag-aaral.
Pag-gabay at paghahanda sa mga new parents
Ang ginawang pag-aaral ay may kaugnayan sa isang ongoing project tungkol sa wellbeing at impluwensya ng mga new mothers at fathers sa isa’t-isa.
Sa isa pang pag-aaral na kabilang sa ginagawang project ay natuklasang ang mga ama ay nagkakaroon ng trauma kapag nakaranas ng mahirap na panganganak ang asawa nila. Isang importanteng aspeto ito umano ng pagiging bagong magulang na ngayon lang nabibigyang pansin.
Kaya mula sa naging resulta ng pinagsamang pag-aaral ay na-conclude ng mga researchers na kailangan ng mga first time moms at dads ng mga tools para sila ay maihanda sa transition ng pagiging mga magulang.
“If mum has a difficult birth, that can be a potentially traumatic experience for dads.”
“What both studies show is that we need to make antenatal support much more inclusive and give first-time mums and dads the tools they need to communicate with each other and better prepare them for this major transition. With resources stretched, parents are missing out on the support they need.”
Ito ang pahayag ni Dr. Sarah Foley na mula rin sa Cambridge’s Center for Family Research at co-author ng ginawang pag-aaral.
Source: University of Cambridge Research
Basahin: STUDY: Ang epekto ng paglilipat-bahay sa mga nagbubuntis
Mga hakbang upang mabawasan ang stress at anxiety ng iyong anak
- STUDY: Epekto sa baby kapag stressed ang buntis
- STUDY: Mababa ang chance na magkaroon ng baby boy ang mga nakaranas ng stressful pregnancy
- Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."
- 10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang