Childhood Stress. Ano ang talagang nagdudulot nito?
Nasasabi ni June Lim kapag ang kanyang anak ay stressed. “Sila ay mula masaya at walang inaaalala nagiging moody at iritable. Imbes na ang madalas na madaldal na sarili nila, sila ay nagiging malungkot at tahimik. Madali rin silang nagagalit.
Para kay Russell, 14, at Sophie, 12, ang exam at project sa paaralan ay nagdudulot ng stress sa paaralan. At hindi sila nag-iisa. Mahirap man sabihin ilang mga bata ang nakakaranas ng stress, masasabi na marami ang nakakaranas ng pag-aalala at anxiety sa mga gawain sa paaralan at exams.
Isang pag-aaral ng Organisation for Economic Cooperation and Development (OECD) base sa survey ng 540,000 estudyante mula 72 bansa at ekonomiya ang nakaalam na karamihan ng mga teenagers ay masaya sa kanilang buhay. Ngunit ang gawain sa paaralan ay isa sa mga pinaka sanhi ng kanilang stress at anxiety. Ang mga na-interview na estudyante ay nakumpleto ang main OECD Programme para sa International Student Assessment (Pisa) 2015 test sa science, mathematics at reading.
Ayon sa Students’ Well-Being: Pisa 2015 Results na nailabas nuong 2017, ang average na 59% ng mga estudyante ay nagsabing madalas silang nag-aalala na makakuha ng mahirap na test. Habang 66% naman ang nagsabing sila ay nakakaranas ng stress pagdating sa mababang grado. Nasa 55% ng mga estudyante ang nagsabing sila ay nagiging anxious sa isang test kahit pa sapat ang paghahanda nila.
Si June Lim kasama ang mga anak na sila Russell at Sophie sa Singapore.
Naipakita rin ng survey na ang bullying ay sanhi ng stress sa mga bata. Nasa 4% ng mga estudyante ang nagsabing sila ay nasusuntok o nasusulat ilang beses sa isang buwan.
Sa Hong Kong, ang mga bata ay naaapektuhan nang matindi ng nagpapatuloy na social unrest. Ang taga Hong Kong na psychologist na si Dr. Adrian Low Eng-ken ay natalaga na tumulong sa mga batang nakakaranas ng stress at trauma dahil sa 6 na buwang protesta kontra sa gobyerno. In-0bserbahan niya ang maraming sintomas sa mga bata, mula pagtakas sa paaralan at pagsuway sa awtoridad, gustong mapag-isa, pagiging agresibo, moodiness, pag-aabuso ng droga at alak, at kawalan ng kakayahan kayanin ang mga problema.
Marami ang mga binabangunot dahil sa mga riot. “Sinasabi nila sa akin na nakikita nila ang mga imahe ng protesta sa kanilang mga panaginip,” kwento ni Low. “Nagkakaroon din sila ng mga flashback ng mga pangyayari sa araw, habang ginagawa ang mga normal na aktibidad, at marami ay takot na maging biktima ng karahasan. Subalit, kahit takot sa mga pangyayari, gusto parin ng mga bata panoorin ang mga ito na nangyayari sa TV.”
Ang mga problemang nangyayari sa kabahayan ay maaari ring pagmulan ng stress. Ang mga batang dumaraan sa divorce ang mga magulang o ang mga mahirap ang kalagayan sa tahanan ay nao-overwhelm ng anxiety at pag-aalala.
Ang ilang mga bata ay masbukas sa stress kumpara sa iba, ayon kay Dr. Lim Boon Leng, isang psychiatrist sa Dr. BL Lim Centre for Psychological Wellness sa Singapore. “Kabilang dito ang mga barang nakakaranas ng patuloy na pang-aabuso o ang mga palaging stressed na walang matibay na istruktura ng pamilya o may mga problema sa mental health tulad ng Attention Deficit Hyperactive Disorder o Autism Spectrum Disorder.”
Karamihan sa mga bata at teenager ay nahihirapang sabihin sa mga magulang o guro kapag sila ay stressed. Sahalip, ayon kay Dr. Lim, nagrereklamo sila na kailangan nilang gumawa ng mga gawain sa paaralan, madaling nagiging anxious, mas umiiyak, o nagtatantrums madalas. Maaari rin silang mahirapang matulog, mawalan ng gana sa pagkain at maging matamlay, at makaranas ng pananakit ng ulo o tiyan.
Maaaring hindi mo alam kung paano tutulungan ang anak kayanin ang stress lalo na kung ikaw ay nakakaranas ng stress at hindi laging emotionally available para sa mga anak. Ngunit pinapakita ng mga pagsusuri na kapag ang mga magulang ay supportive sa mga anak, mas hindi sila nagiging anxious at masnakakayang harapin ang stress.
Ayon sa OECD Students’ Well-Being report, ang mga estudyante na may mga magulang na naiulat na “nagbibigay ng oras kausapin ang anak”, “kumakain ng hapunan kasama ang bata sa hapagkainan” o “pinag-uusapan kung kamusta ang bata sa paaralan” ay karaniwang 22% hanggang 39% na nauulat na masmataas na life satisfaction.
Ang exams ay isa sa mga pangunahing sanhi ng stress sa mga bata.
Ang mga guro ay mayroon ding papel sa pagtulong mapanatili ang emotional well-being ng mga estudyante. Ayon sa mga ulat ay mas masaya ang mga batang may positibong relasyon sa kanilang mga guro.
“Dapat kausapin ang mga bata kung paano kayanin ang stress imbes na sabihan lamang silang tanggapin ito,” payo ni Dr. Lim. “Hinihikayat ko rin ang mga pamilya na humanap ng mg paraan para sama-samang mag de-stress.
“Maraming mga bata ang hindi nagkwe-kwento sa mga magulang dahil tingin nila ay hindi naiintindihan ang kanilang pinagdadaanan o ayaw silang pakinggan. Ngunit kung subukang patibayin ang relasyon sa mga bata ay mas malamang silang lumapit para humingi ng payo kapag nakakaranas ng stress. Kapag nagsasalita sila, magpakita ng simpatiya at makinig para maramdaman nilang napapakinggan at naiintindihan sila.”
Alam ng stay-at-home mom na si June Lim na ang stress ay maaaring magdulot ng matinding mental health issues tulad ng depression, kaya gumagawa siya ng paraan para makipag komunika sa kanyang mga anak.
“Chini-check ko sila madalas, lalo na sa mga panahon ng exam at kung may ipapasa silang proyekto,” kwento niya. “Dahil ang anak kong lalaki at nagsimula ng highschool nuong 2018, masbinabantayan ko siya para siguraduhing nakakaya niya nang maayos.
Kahit pa gaano karaming distractions ang pinagdadaanan ko sa buhay ko, sinisigurado kong nabibigyan ko ng oras ang mga anak ko, kahit pagsisimula lamang ng pakikipag-usap para malaman kung nakakaya nila ang ginagawa, at pakikinig kapag piliin nilang magkwento. Kung may ideya ako kung ano ang bumabagabag sa kanila, dinadala ko dito ang pag-uusap.”
Kahit pa nung nasa elementarya sila, kinausap ni Lim ang kanyang mga anak tungkol sa ugnayan ng stress sa paaralan at ang masmataas na panganib ng suicide. “Patuloy kong pinapaalala sa kanila na gawin ang makakaya at sinasabihan silang hindi kasama sa mga pagpipilian ang pagpapakamatay.”
Sinasabi rin ni Low na ang mga magulang at guro ay dapat magtrabaho para maparamdam sa batang sila a emotionally safe at secure. Pinayo niya rin na huwag pag-usapan ang politika sa bahay o sa paaralan. Sa halip, tumutok sa pagbuo ng masmatibay at mas malapit na relasyon ng pamilya.
1. Mag-isip ng pangmatagalan. Gusto mo bang ma-perfect ng anak mo ang susunod na exam o masgusto mong lumaki silang kapaki-pakinabang na masasayang tao? Kung alam mo ang iyong future goal, ang mga short-term setbacks ay hindi makikitang permanenteng failure at ang iyong mga anak ay masmakakayang bumangon nang masmabilis.
2. Magkaroon ng makatotohanang inaasahan. Iayos ang mga aktibidad at schedule ng bata ayon sa kanilang kagalingan at kahinaan. Ang iba at kaya ang nakakapagod na schedule habang ang iba ay maskakailanganin ng oras sa isang gawain. Ang mga hindi makatotohanang inaasahan ay nakaka-stress sa bata, habang ang mga makatotohanan naman ay nakaka-udyok.
3. Tumuon sa proseso, hindi sa resulta. Bigyang diin ang proseso ng pag-abot imbes na sa inaabot mismo. Ipaalala sa mga bata na gawin ang makakaya at bigyang papuri ang pagsubok nila para matulungan silang mapabuti ang tingin sa sarili at maiwasang alalahanin ang kahahantungan.
4. Magtanim ng magagandang lifestyle habits. Sapat na tulog, wholesome na diet, regular na pag-eehersisyo, mga hilig at paglalaro para panatilihin ang mental na kalusugan at matulungan silang mas kayanin ang stress.
In-edit para sa theAsianparent.
Ang article na ito ay orihinal na nakita sa South China Morning Post (SCMP), ang pinaka-authoritative na boses sa pagrereport sa China at Asya nang mahigit na isang daang taon. Para sa iba pang istorya mula SCMP, tignan ang SCMP app o bisitahin ang Facebook at Twitter pages ng SCMP. Copyright © 2019 South China Morning Post Publishers Ltd. All rights reserved.
Copyright (c) 2019. South China Morning Post Publishers Ltd. All rights reserved.
Basahin: 7 C’s na dapat ituro sa bata upang lumaki siyang may kumpiyansa sa sarili