Nagkaroon ng media forum ang Tiger Biscuit kung saan itinalakay nila ang kahalagahan ng kumpiyansa sa sarili.
Sa media forum na ito, nagkaroon ang Tiger Biscuit ng guest expert na si Dra. Mary Ann Marnie Prudencio—isang neuro-developmental pediatrician sa center ng autism sa developmental medicine ng St. Luke’s Medical Center sa BGC at nagii-specialize ito sa speech o language delay at motor delay. Ipinaliwanag ni Dra. Mary Ann Marnie Prudencio ang kahalagahan ng kumpiyansa sa sarili, at kung paano ito nakakatulong sa development ng mga bata.
Ating alamin ang kaniyang mga ibinahaging kaalaman.
Inner strength
Panimula ni Dra. Mary Ann Marnie Prudencio, “Develop inner strength in your children so they can cope with adversity in life.”
Aniya pa, “Strength of character is important to establish in children, because they can become self-assured.”
Image from Freepik
“They’ll be confident when they’re confronted with adversity and they will do the right thing when others don’t see them,” sambit pa ng doktora.
“And if they’re near on their authentic self, then they will be able to face the challenges in life,” dagdag pa niya.
Ang kahalagahan ng kumpyansa sa sarili
Tinalakay rin ni Dra. Mary Ann Marnie Prudencio ang kahalagahan ng kumpyansa sa sarili.
Pahayag nga niya, “Resilience is important in developing it in children. Actually, we already have it in ourselves even when we’re younger.”
“Our tasks as parents is to bring it out, give them opportunities to be able to be resilient in life,” pagbabahagi nito.
Mayroon nga raw 7 C’s na dapat ituro sa bata upang lumaki siyang may kumpiyansa sa sarili at ito ang pagbuo ng kaniyang competence, confidence, connection, character, contribution, coping, at control.
Ang 7 C’s nga na ito ay base sa libro na Building Resilience in Children and Teens na inilathala ng isang pediatrician sa Children’s Hospital of Philadelphia na si Kenneth Ginsburg.
7 C’s na dapat ituro sa bata upang lumaki siyang may kumpiyansa sa sarili
Competence
Image from Freepik
Kapag napapansin natin kung ano ang ginagawang tama ng mga bata at binibigyan natin sila ng pagkakataon upang ma-develop ang mahahalagang skills na ito, naramdaman nila na may kakayahan sila o kapasidad.
Maaaring pinapababa ang kakayahan o kapasidad ng isang bata kung hindi natin sila pinapayagan maka-recover o makaahon sa sarili nila matapos ng kanilang pagkabagsak o pagkahulog.
Confidence
Ang mga kabataan ay nangangailangan ng tiwala sa sarili upang maglayag o maikot ang mundo, mag-isip sa labas ng kahon, at makabawi sa mga hamon ng buhay.
Connection
Ang mga koneksyon sa ibang mga tao, paaralan, at pamayanan ay nag-aalok ng seguridad sa mga bata na nagbibigay-daan sa kanila na makatayo sa sarili nilang mga paa at makabuo ng mga malikhaing solusyon sa kung ano man.
Character
Ang mga bata ay nangangailangan ng malinaw na kahulugan ng tama at mali at isang commitment sa integridad.
Contribution
Image from Freepik
Ang mga bata na nag-aambag sa well-being ng iba ay makakatanggap ng pasasalamat sa halip na pagkondena.
Malalaman nila na ang pagbibigay ng kontribusyon ay mabuti o masaya sa pakiramdam at maaaring samakatuwid ay mas madaling bumaling sa iba, at gawin ito nang walang halong kahihiyan.
Coping
Ang mga bata na nagtataglay ng iba’t-ibang mga healthy coping na diskarte sa buhay ay mas malamang na hindi lumiko sa mapanganib o mabilis na paraan lalo na kung stressed ito.
Control
Ang mga bata na nakakaintindi ng mga pribilehiyo at paggalang ay nakukuha sa pamamagitan ng ipinakitang responsibilidad ay matutong gumawa ng matalino o pantas na mga pagpipilian at makakaramdam ng kontrol sa sarili.
Basahin: Bakit minsan nagkakaroon ng tantrum ang mga bata pagkagaling sa school?
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!