Ang paglilipat ng bahay ay hindi madaling gawain, ito ay nakakapagod at nagdudulot ng matinding stress. Dagdag pa dito, natuklasan sa isang pagsasaliksik ang epekto ng stress sa buntis na dulot ng paglilipat. Ganunpaman, karaniwan sa mga young adults ang naglilipat dahil sa malaking pagbabagong parating sa kaninag mga buhay. Ayon sa dating pagsusuri, nasa 11% hanggang 25% ng mga kababaihan ang lumilipag ng bahay habang buntis. Nalalagay sa panganib ang kalusugan ng bata kapag naglipat lalo na sa unang bahagi ng pagdadalang tao. Alamin natin ang natuklasan ng mga mananaliksik.
Stress sa first trimester
Ang paglilipat ng bahay ay naiuugnay sa masmataas nang 37% na posibilidad ng low birth weight. Nagiging masmataas din nang 42% ang posibilidad ng premature birth kumpara sa ibang babae.
Mula 2007 hanggang 2014, 100,000 birth certificates ang sinuri ng mga mananaliksik sa Washington State. Kanilang sinusuri ang ugnayan ng paglipat ng bahay sa underweight na fetus sa gestational stage. Nais din nilang masuri ang ugnayan nito sa mababang birth rate at premature na panganganak. Kanilang isinaalang-alang ang edad, race, marital status, income, edukasyon at lifestyle ng mga nagbubuntis.
Sa kanilang mga nasuri, 28,011 na kababaihan ang lumipat ng bahay, habang 112,367 ang hindi.
Ayon sa mga mananaliksik, tumugma ang kanilang mga natuklasan sa hypothesis na nagsasabing masama ang epekto ng stress sa buntis na nasa first trimester. Napapataas nito ang panganib ng pagkakaroon ng problema sa kalusugan ng bata. Subalit, dahil tanging pagmamasid ang pagsusuri, hindi nila matuon ang ugnayan nito.
Ayon sa co-author ng pag-aaral na si Julia Bond ng Washington School of Public Health, hindi nila alam ang rason sa paglilipat ng mga lumahok. Nais sana nilang malaman ang iba’t ibang rason tulad ng paglipat sa masmalaking tirahan, o pagpapa-alis sa dating tinitirhan. Ang stress na kaakibat ng rason ay maaaring may malaking epekto sa kanilang ginawang pag-aaral.
Idinagdag ni Bond na hindi nila pinagbabawalan lumipat ng bahay habang buntis. Ang pagbubuntis ang nga raw ay panahon kung kailan naiintindihan na kailangang lumipat ng bahay. Ganunpaman, kailangan nilang i-konsulta ang kanilang care team para mapili ang pinakamaganda para sa kanya at sa pamilya. Kailangan din nilang makipag-usap sa kanilang healthcare providers para makontrol ang mararanasang stress.
Epekto ng stress sa buntis
Si Nadja Reissland ay isang propesor ng psychology sa Durham University, U.K. Ayon sa kanya, hindi gaanong ramdam ang stress ng paglipat ng bahay ng mga mayayaman kumpara sa mga mahihirap. Dito niya itinuturo na ang stress ang pangunahing kadahilanan sa problema sa pagbubuntis at hindi ang paglipat ng bahay. Idinagdag din niya na hindi dapat alalahanin ng mga kababaihan ang paglipat ng bahay dahil halos wala itong naidadagdag na panganib sa dinadalang sanggol.
Ang rekumendasyon ni Dr. Virginia Beckett, consultant obstetrician at tagapagsalita ng Royal College of Obstetricians and Gynaecologists ng U.K., magrelax lamang at magpahinga. Hangga’t maaari, kausapin ang partner, kaibigan, o duktor sa mga negatibong saloobin sa paglilipat. Ang tamang pagkain, hindi pag-inom ng sobrang kape at paggawa ng pisikal na aktibidad ay makakatulong sa kalusugan habang nagbubuntis.
Source: Newsweek
Photo: Shutterstock
Basahin: STUDY: Nakaka-apekto ang kape sa kalusugan ng ipinagbubuntis
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!