STUDY: Mababa ang chance na magkaroon ng baby boy ang mga nakaranas ng stressful pregnancy
Ayon sa pag-aaral, may partikular na epekto ang stress sa mga buntis lalo na sa gender ng kanilang magiging anak. Delikado nga ba ito? | Lead Image from Unsplash
Alam nating lahat na marami ang naaapektuhan ng stress. Ngunit ayon sa study, may partikular na epekto ang stress sa mga buntis lalo na sa gender ng kanilang magiging anak.
Ano nga ba ito?
Epekto ng stress sa mga buntis, delikado ba?
Ayon sa pinaka bago na pag-aaral ng Proceedings of the National Academy of Sciences of the United States of America, nalaman rito na ang mga pregnant moms na mentally at physically stress ay bumababa ang tyansa na magkaroon ng anak na lalaki. Bukod pa rito, prone rin sila na magkaroon ng preterm birth.
“Maternal prenatal stress influences offspring neurodevelopment and birth outcomes including the ratio of males to females born. However, there is limited understanding of what types of stress matter, and for whom.”
Inilarawan ng lead author ng pag-aaral at director ng Columbia University Irving Medical Center na si Catherine Monk ang womb ng isang babae na ‘unang tahanan’ ng bata.
“We do know that males are more vulnerable in utero. And presumably the stress in these women is of a long-standing nature.”
Sa tala, dito nakikita na tinatayang nasa 105 na batang lalaki ang ipinapanganak sa bawat 100 na batang babae. Bukod rito, nalaman rin na ang mga lalaki ay kadalasang namamatay sa pamamagitan ng aksidente.
Sa pag-aaral na isinagawa ng PNAS, ang mga buntis na mayroong mataas na blood pressure at nakakaranas ng physical stress sa kanilang pagbubuntis ay mayroong apat na lalaki sa bawat siyam na babae. Habang ang mga buntis na mentally stress ay nagkaroon ng dalawang anak na lalaki sa bawat tatlong babae.
“Other researchers have seen this pattern of a decrease in male births related to traumatic cataclysmic events.”
Nagbigay pa ng payo si Catherine Monk na maaaring kumuha ng suporta ang mga nanay na stress sa kanilang pamilya o kaibigan.
“It could be a sense of belonging in a religious community. It’s the sense of social cohesion and social connectedness which research suggests is a buffer against the experiences of stress. It means you take a break from it.”
Bukod sa epekto ng stress sa kasarian ng baby, ang labis labis na physical stress sa mga buntis ay maaaring makapagpataas ng tyansa ng pagkakaroon ng preterm labor. Ito ay nangyayari kapag ang mga nanay na buntis ay nanganganak agad ng maaga. Dahilan para maging premature ang anak o maging kulang ito sa buwan.
Habang ang mga mentally stress na buntis naman ay maaaring maging matagal ang kanilang panganganak.
Source:
BASAHIN:
Paano maaalagaan ang iyong mental health pagkatapos mawala si baby?
- STUDY: Epekto sa baby kapag stressed ang buntis
- STUDY: Stress sa buntis at conflict sa pagitan ng mag-asawa, may kaugnayan sa behavior ni baby paglaki
- Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."
- 10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang