X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Paano maaalagaan ang iyong mental health pagkatapos mawala si baby?

5 min read

Mayroong mahigit 2.6 milyon na stillbirths kada taon. Gayunpaman, bakit hindi madalas na mapag-usapan at mabigyan ng pansin ito. Hindi lamang ang mga pisikal na epekto kundi pati na rin ang pregnancy loss and mental health ng babae ay mahalagang mapag-usapan.

Ang hindi pagbibigay ng halaga sa ibig sabihin ng mental health after pregnancy loss ay madalas na nagdudulot ng hirap. Hindi lang para sa babae kundi pati na sa kanyang partner. Hindi kasi nila makuha at maibigay ang kinakailangan na suporta.

Gayunpaman, kung talagang maiintindihan ng mga partner ang root cause at kung matutulungan siya sa pag-cope. Sa pamamagitan ng suporta, pagmamahal at care, maaring ma-overcome ang sakit nang maayos.

Pregnancy loss and mental health: Paano ma-manage ang isip at katawan

Mental Health After Pregnancy Loss

Ang pag-manage sa iyong mental health pagkatapos ng pregnancy loss ay dapat magsimula sa root cause. Sa una ay mahihirapan ka dahil mataas o heightened ang iyong emosyon. Maari mong maramdaman na ikaw ay galit, malungkot o minsan pa nga ay walang pakiramdam.

May mga pagkakataon din na maiisip mo kung may mali ka bang nagawa o kaya naman ay isinisisi mo ito sa iyong sarili. Ngunit, narito ang ilang paraan na puwedeng makatulong sa’yo habang ikaw ay nasa proseso.

1) Ayos lang na hindi agad maging okay

Maraming buwan ang iyong inilaan sa pagbubuntis. Iyon ay panahon ng pag-asa at positivity. Maaring nakapili ka na ng mga damit at iba pang gamit para sa kanya. Puwedeng naisip mo na rin o na-imagine kung sino ang kanyang magiging kamukha.

Kaya naman normal lang talaga na maramdamang ikaw ay nawalan. It’s okay to not be okay, ika nga. Kung ano man ang makatutulong sa iyo — kung pag-iyak man ito, ay maari mong gawin.

2) Subukang alisin ang guilt

Maaring iniisip mo ay may nagawa ka sana para sa iyong anak o may mga bagay ka sanang mas nagawa nang maayos upang hindi ito nangyari. Pero ang totoo, hindi mo kasalanan ang nangyari.

Puwede kang kumonsulta sa iyong doktor muli upang mas maintindihan ang nangyari. Alamin ang iyong medical condition at kung ano ang mga pwede mong gawin sa susunod upang mapigilan na maulit ito.

Hindi man ito makatulong sa present situation, puwede ka naman nitong matulungan sa hinaharap at para na rin siguro sa iyong closure o peace of mind.

3) Isipin ang iyong asawa

Habang nagluluksa ka, isipin na hindi rin madali ang pinagdadaanan ng iyong asawa. Hindi para makadagdag sa bigat ng iyong nararamdaman kundi para ma-reassure na hindi mo ito kailangang pagdaanan mag-isa. Maging mabuting tagapakinig sa isa’t isa at mag-intindihan sa ganitong sitwasyon.

4) Alalahanin si baby

Paano maaalagaan ang iyong mental health pagkatapos mawala si baby?

Puwede mong pangalanan si baby para maalala siya at i-honor. Ang mga tao rin sa iyong paligid ay mas magiging kumportable na magluksa kapag ginawa mo ito.

Habang may ilang mga mag-asawa na nakapili na ng pangalan bago pa manganak, puwede mo pa rin itong gawin kahit na wala na ang sanggol.

5) Ihanda ang iyong sarili sa pag-uwi

Puwedeng makasama para sa iyong mental health ang pag-uwi. Pero kinakailangan mo itong ma-overcome. Kung nais mo na maalis na muna ang mga gamit na inihanda mo na bago ka umuwi, puwede mo muna itong ipasuyo sa mga kamag-anak mo para hindi maging mas mahirap para sa’yo.

6) Bantayan kung magkakaroon ka ng signs of depression

Kahit ang mga nanganganak ay nagkakaroon ng baby blues. Pero sa kaso ng pregnancy loss, puwedeng magkaroon ng mas malaking emotional impact ito. Kaya naman mahirap minsan makita ang pinagkaiba ng pagluluksa sa depresyon.

Pero kung nagkakaroon ka ng madalas na pagkawala ng gana o minsan ay suicidal tendencies, maging lumapit na kaagad sa mga propesyonal para matulungan o maagapan.

7) Pangalagaan ang iyong kalusugan

Mental Health After Pregnancy Loss

Habang pinangangalagaan ang iyong mental health, huwag kalilimutan na importante din ang physical health.

Magkaroon pa rin ng balanced diet at magpahinga. Uminom din ng maraming tubig upang mas mabilis na maka-recover at upang matulungan ang iyong hormones na mag-normalize.

8) Pagplanuhan ang iyong future pregnancy

Maaring maisipan mo muling magbuntis ilang taon o buwan ang makalipas. Ang choice na ito ay syempre personal mo ng desisyon. Kung gusto mong subukan uli ay dapat talagang buo ang iyong loob.

Hindi naman ibig sabihin nito na nakalimutan mo na ang iyong baby. Ang ibig sabihin lang ay na-acknowledge mo na na tuloy pa rin ang buhay at puwede kang mag-move forward na hindi kinakalimutan ang iyong little angel.

Kausapin ang iyong OB-Gyn tungkol dito at siguraduhin na ikaw ay physically ready na rin. Alagaan pa rin ang iyong sarili at magpalakas. Alamin din ang panig ng iyong asawa tungkol dito.

Magiging mahirap ang emotional recovery mula sa pregnancy loss. Pero kung may suporta mula sa iyong pamilya at asawa, pati na rin sa mga propesyonal na counselors, hindi imposible na maka-move on mula rito.

 

Partner Stories
This experiential booth lets you get to know Nica, an 11 year old child from Cebu
This experiential booth lets you get to know Nica, an 11 year old child from Cebu
ASTAXANTHIN: The latest trend in Anti-Aging!
ASTAXANTHIN: The latest trend in Anti-Aging!
Fashionable Winter Clothes For Fashionable Moms
Fashionable Winter Clothes For Fashionable Moms
MOM CHEAT SHEET: Protecting and nourishing your child in the new normal
MOM CHEAT SHEET: Protecting and nourishing your child in the new normal

Translated with permission from TheAsianParent Singapore

Basahin:

Stillbirth Miscarriage Pregnancy Loss

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

mayie

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Nawalan ng baby
  • /
  • Paano maaalagaan ang iyong mental health pagkatapos mawala si baby?
Share:
  • The Importance of Good Mental Health to Support a Healthy Pregnancy: A Mum's Own Story

    The Importance of Good Mental Health to Support a Healthy Pregnancy: A Mum's Own Story

  • How To Manage Your Mental Health After Pregnancy Loss

    How To Manage Your Mental Health After Pregnancy Loss

  • Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

    Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

  • Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

    Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

  • The Importance of Good Mental Health to Support a Healthy Pregnancy: A Mum's Own Story

    The Importance of Good Mental Health to Support a Healthy Pregnancy: A Mum's Own Story

  • How To Manage Your Mental Health After Pregnancy Loss

    How To Manage Your Mental Health After Pregnancy Loss

  • Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

    Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

  • Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

    Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.