Ito ang mga gamot na ipinapayong mabuting iwasan ng buntis dahil maaaring maging pampalaglag ng baby na iyong dinadala.
Kapag nalaman mong nagbubuntis ka na, ibang klase ang tuwa at galak. Pero ang galak na ito ay madalas ding sinasabayan ng pangamba. Paano nga bang mapapanataling malusog ang iyong katawan? May takot din na baka may makain o mainom kang maaaring pampalaglag ng baby. Kaya naman iwasan ang mga gamot na ito na maaaring maging sanhi ng pampalaglag ng bata sa unang buwan o 1 month ng pagbubuntis
Ano ang mga delikadong gamot na maaaring pampalaglag ng baby?

1. Absorica (isotretinoin)
Ang absorica ay isang isotretinoin na inirerekumenda bilang lunas sa acne. Pero ito ay mahigpit na ipinagbabawal na gamitin ng mga buntis na babae. Dahil sa ang gamot na ito ay maaring magdulot ng severe birth defects sa mga sanggol. Kung nakakaranas ng acne breakout habang nagdadalang-tao, mainam na magpa-konsulta muna sa doktor para sa gamot na ligtas sayo.
Karagdagan, upang maiwasan ang anumang komplikasyon, maaari ring gumamit ng mga pregnancy-safe cleanser na makakatulong sa iyong acne problem. Narito ang ilan sa mga expert trusted brands:
Best Face Wash for Pregnancy: Safe Cleanser Options Available in the Philippines – Mama’s Choice
Narito ang mga reasons kung bakit dapat mong gamitin ang produktong ito: First, ang Mama’s Choice Gentle Face Wash ay free from harmful chemicals gaya ng SLS, alcohol, parabens, and artificial fragrances. Pangalawa, gumamit lamang ang brand na ito ng ingredients na mula sa natural sources tulad ng rice extracts na nakakapagbigay ng natural glow. Pangatlo, napakadali nitong gamitin dahil sa smooth texture na mayroon ito. Safe na safe itong gamitin during pregnancy at habang ikaw ay nagpapasuso.
Features we love:
- All-natural Ingredients
- Rice extract, an anti-inflammatory ingredient that gives the skin its natural glow
- Hydrolyzed collagen extract to moisturize and keep skin supple
- Free from sulfates and parabens
- Fragrance-free
- Added benefits
- Hypoallergenic
- Suitable for all skin types
- Suitable for pregnant and lactating moms
Best Oil-Control Face Wash
Best Face Wash for Pregnancy: Safe Cleanser Options Available in the Philippines – CeraVe
Ang pagkakaroon ng oily skin ay normal habang nagbubuntis. At kapag may oily skin ka ay prone ka sa acne breakout. Kaya naman makakatulong para sa iyo ang pag gamit ng facial wash na nakakapag control ng oil production sa iyong mukha. Ang good choice para sa iyo ang ang Cerave Foaming Facial Cleanser. Nililinis nito ang iyong balat at inaalis ang excess oil habang pinapanatili ang natural barrier nito. Naglalaman din ito ng Niacinamide, a soothing antioxidant, na makakatulong sa iyong other skin concern. Karagdagan, ito rin ay free from parabens, sulfates, at oils.
Features we love:
- Nourishing Ingredients
- 3 essential ceramides, niacinamide and hyaluronic acid that work to repair and nourish the skin
- No parabens, sulfates, and oils
- Fragrance-free
- Added benefits
- Allergy-tested
- Non-comedogenic, non irritating, and non-drying
- Oil-control
2. Ibuprofen
Kapag nagbubuntis, marami kang iniinda na sakit, tulad ng pananakit ng balakang o iba pang parte ng katawan. Pero kailangan mag-ingat, kahit na sa mga over-the-counter pain medication.
Oo, maaaring uminom nito sa first trimester, pero kapag mahigit 30 weeks nang buntis dapat na itong iwasan.
Bakit? Ayon sa isang pagsusuri mula sa Norway, ang sobrang Ibuprofen sa katawan ay maaaring may masamang epekto sa puso at baga ng sanggol sa sinapupunan.
Ang iba pang naitalang epekto ng Ibufopren sa ipinagbubuntis na sanggol ay ang sumusunod:
- miscarriage
- delayed onset of labor
- premature closing ng fetal ductus arteriosus
- jaundice
- hemorrhage o pagduduro sa ina at ipinagbubuntis na sanggol.
- necrotizing enterocolitis, o damage sa lining ng intestines
- oligohydramnios, o low levels ng amniotic fluid
- fetal kernicterus, isang uri ng brain damage
- abnormal vitamin K levels
2. Aspirin
May mga doktor na maaaring mag-rekomenda ng aspirin para sa sakit ng ulo. Ayon sa American Journal of Obstetrics and Gynecology kapag ito’y ibinigay sa mga nagdadalantao lalo na sa first trimester, maaari itong magdulot ng congenital disorders at maaari ding maging pampalaglag ng baby.
3. Naproxen Sodium
Karaniwang ginagamit ng mga may lagnat, pamamaga at paninigas ng katawan tulad ng may arthritis ang gamot na ito. Pero kailangan mag-ingat dahil ayon sa isang Norwegian Mother and Child Cohort Study, ang non-steroidal anti-inflammatory drug (NSAID) ay nakakapagpataas ng risk ng miscarriage. At maaaring magdulot ng embryo failure at pagtigil ng heart function ng sanggol sa sinapupunan.
May mga NSAIDs din tulad ng Diclofenac at Misprostol na maaaring magdulot ng pagdurugo, pagka-premature ng baby, at pagkalaglag, ayon sa Medline Plus.
Photo: Unsplash
4. Lipitor (atorvastatin), lovastatin, Pravachol (pravastatin), Zocor (simvastatin) at Lescol (fluvastatin)
Ang mga gamot na ito ay ginagamit para pababain ang cholesterol sa katawan. Pero ito ay hindi inirerekumenda sa mga babaeng buntis dahil sa ito ay maaring magdulot ng fetal abnormalities sa ipinagbubuntis na sanggol.
5. Arthrotec (diclofenac sodium/misoprostol)
Ang gamot na ito ay ginagamit para maibsan ang joint pain na dulot ng osteoarthritis o rheumatoid arthritis. Pero ang gamot na ito ay hindi dapat gamitin ng babaeng nagdadalang-tao. Dahil sa ito ay nagtataglay ng diclofenac at misoprostol na maaring magdulot ng abortion, premature birth, at birth defects.
6. Migranal (dihydroergotamine mesylate)
Ang migranal na gamot sa migraine headaches ay ipinagbabawal ding inumin ng mga buntis. Ito ay dahil ang gamot na ito ay nagdudulot ng uterine contractions na delikado sa babaeng nagdadalang-tao.
7. Coumadin (warfarin)
Delikado rin sa pagbubuntis ang blood thinner na Coumadin o Warfarin. Ito ay dahil tumatawid ito sa placenta at nagdudulot ng fetal abnormalities.
8. Soriatane (acitretin)
Hindi rin inirerekumenda ang paggamit ng gamot na acitretin para gamutin ang severe psoriasis ng isang buntis. Dahil sa ito ay naitalang nagdudulot ng fetal abnormalities sa isang sanggol. Kabilang na ang cardiovascular malformation, skull at cervical vertebrae alterations.
Photo: Freepik
9. Restoril (temazepam)
Ang gamot na ito na madalas na ibinibigay bilang lunas sa insomia ay hindi inirerekumendang ibigay sa buntis. Dahil sa ito ay nagtataglay ng benzodiazepines na tumatawid sa placenta at nagpapataas ng tiyansa ng premature birth at low birth weight sa sanggol.
10. Danocrine (danazol)
Hindi rin ipinapayo ng mga doktor na uminom ng gamot na ito ang mga babaeng nagdadalang-tao. Dahil sa ito ay nagtataglay ng androgenic o male hormone na ginagamit na lunas sa endometriosis, breast pain o tenderness dulot ng fibrocystic breast disease. Ang hormone na ito ay maaring makaapekto sa female fetus.
11. Arava (leflunomide)
Tulad ng mga naunang gamot sa arthritis, ang leflunomide ay hindi rin ipinapayong inumin ng mga babaeng buntis. Dahil sa ang gamot na ito ay naitalang nagdudulot ng panganib sa ipinagbubuntis na sanggol.
12. Lupron (leuprolide)
Ang leuprolide ay ginagamit na gamot sa kondisyon na endometriosis at uterine fibroids. Tulad ng gamot na danazol ito ay delikado rin sa mga babaeng buntis dahil sa ito ay maaring magdulot ng miscarriage.
13. Rheumatrex (methotrexate)
Tulad ng mga naunang gamot sa prosiasis at rheumatoid arthritis, ang methotrexate ay ipinagbabawal ring inumin ng buntis. Dahil sa ito ay maaring magdulot ng fetal death at congenital anomalies sa ipinagbubuntis na sanggol.
14. Tazorac (tazarotene)
Ang gamot na ito ay ginagamit para malunasan ang mga acne, wrinkles at prosiaris. Ngunit ito ay hindi ipinapayong gamitin ng buntis dahil sa ito ay nagdudulot ng fetal abnormalities.
15. Clonazepam (Klonopin)
Ang Clonazepam o Klonopin ay ginagamit para mapigilan ang seizures o panic disorders. Ginagamit rin ito para malunasan ang anxiety attacks. Pero ito ay hindi makakabuti sa isang buntis. Dahil sa ito ay maaring magdulot ng withdrawal symptoms sa mga newborn baby.
16. Lorazepam (Ativan)
Ginagamit rin ang Ativan bilang gamot sa anxiety at iba pang mental health disorders. Pero ito ay maaring magdulot ng birth defects at life-threatening withdrawal symptoms sa isang sanggol matapos maipanganak.
17. Fluconazole (Diflucan)
Para sa mga fungal infection sa katawan, maaaring bigyan tayo ng doktor ng oral anti-fungal medications tulad ng fluconazole na karaniwang ginagamit panggamot sa vaginal thrush. Pero dapat mag-ingat sa mga ganitong gamot, ayon sa pag-aaral ng Danish Medical Research Council. Dahil sa ang gamot na ito ay maaring magdulot ng fetal malformations sa ipinagbubuntis na sangol.
18. Serotonin reuptake inhibitors (SSRIs)
Ayon sa isang pag-aaral, naitalang mas nakakaranas ng birth defects ang mga sanggol may inang gumagamit ng serotonin reuptake inhibitors o SSRIs para malunasan ang depression.
Ilan sa halimbawa nito ay ang Celexa (citalopram), Lexapro (escitalopram), Luvox (fluvoxamine), Paxil (paroxetine), Prozac (fluoxetine) at Zoloft (sertraline).
Kaya naman kung ikaw ay may anxiety o depression habang nagdadalantao, importanteng kumonsulta muna sa iyong doktor bago ka sumubok ng kung anumang gamot. Ito ay dahil maliban sa posibleng birth defects at spina bifida, pinapataas din ang risk ng miscarriage or pagkalaglag ng baby.
Tandaan, bago uminom ng kahit anong gamot ay magpa-konsulta muna sa iyong doktor. Dahil siya ang mas may sapat na kaalaman sa mga gamot na ligtas para sayo at sa iyong dinadalang sanggol.
Huwag din basta basta gagamit ng mga halamang gamot na pampalaglag ng bata o para malunasan ang anumang sakit na iyong nararamdaman.
Sapagkat ang pagpapalaglag gamit ang halamang gamot ay maaaring hindi maging successful. Ang resulta ito ay maaaring magdulot ng hindi magandang resulta hindi lamang sa baby kung hindi pati na rin sa babaeng buntis.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.