TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Tahlequah: Ang Nakakadurog ng Puso na Pagdadalamhati ng Isang Inang Orca sa Ikalawang Pagkakataon

4 min read
Tahlequah: Ang Nakakadurog ng Puso na Pagdadalamhati ng Isang Inang Orca sa Ikalawang Pagkakataon

Isang heartbreaking scenario ang muling natunghayan ng mga mananaliksik sa mother orca na si Tahlequah na namatayan ng anak sa ikalawang pagkakataon.

Nakakadurog ng puso ang kwento ni Tahlequah, ang orca na unang nakilala noong 2018 dahil sa kanyang pagmamahal at pagdadalamhati. Matatandaang dala-dala niya ang patay niyang anak sa loob ng 17 araw at naglakbay ng mahigit 1,000 milya. Ngayon, muli siyang namataan ng mga mananaliksik na may dalang isa pang patay na anak, isang trahedyang tila inuulit ang kanyang masakit na karanasan.

Ang pangyayaring ito ay hindi lamang nagpapakita ng emosyonal na lalim ng mga orca, kundi pati na rin ng mga hamon na patuloy na hinaharap ng kanilang uri. Sa kasalukuyan, mayroon na lamang 73 Southern Resident killer whales, at bawat pagsilang o pagkawala ay nagpapaalala kung gaano na kaselan ang kanilang populasyon.

Kwento ni Tahlequah Orca: Ang dalamhati ng isang ina

Si Tahlequah, kilala rin bilang J35 sa mga mananaliksik, ay bahagi ng endangered na populasyon ng Southern Resident killer whales na matatagpuan sa Pacific Northwest. Noong 2018, napukaw niya ang atensyon ng mundo nang hindi niya hayaang lumubog ang kanyang patay na anak. Sa loob ng 17 araw, dinala niya ito habang naglalakbay ng mahigit 1,000 milya. Ang kanyang kilos ay nagbigay-diin sa katalinuhan ng mga orca at sa malalim na ugnayan sa pagitan ng mga ina at kanilang mga anak.

tahlequah orca

Sa huling bahagi ng Disyembre 2024, muling nanganak si Tahlequah ng isang babaeng anak na tinawag na J61. Sa kasamaang-palad, nabuhay lamang ang anak niya nang ilang araw. Pagsapit ng Bisperas ng Bagong Taon, nakita ng mga mananaliksik si Tahlequah na dala ang walang buhay na katawan ng kanyang bagong silang na anak. Muli, ipinapakita niya ang likas na pagmamahal ng isang ina, na ayaw bumitaw kahit mahirap na ang sitwasyon.

Ang kalagayan ng Southern Residents

Hindi ito isang hiwalay na trahedya. Ang Southern Resident killer whales, na idineklarang endangered noong 2005, ay patuloy na nahaharap sa maraming banta. Kabilang dito ang kakulangan ng Chinook salmon, ang kanilang pangunahing pagkain, polusyon sa kanilang tirahan, at ingay mula sa mga barko na nakakasira sa kanilang panghuhuli ng pagkain at komunikasyon.

Nakakabahala rin ang mataas na mortality rate ng mga anak nila. Ayon sa mga pag-aaral, 20% lamang ng mga anak ng Southern Resident killer whales ang nabubuhay sa kanilang unang taon. Si Tahlequah mismo ay nakaranas ng pait ng katotohanang ito—dalawa sa apat niyang anak ang nawala na.

Pag-asa sa gitna ng trahedya

Sa kabila ng masakit na karanasan ni Tahlequah na isang inang orca, may kaunting liwanag ng pag-asa. Kamakailan, kinumpirma ng mga mananaliksik ang pagsilang ng isang bagong anak na tinawag na J62 mula sa J pod. Bagama’t ito ay magandang balita, ang kaligtasan ng anak na ito at ng buong populasyon ng Southern Resident killer whales ay nakasalalay sa patuloy na pagsisikap para sa kanilang konserbasyon.

May mga hakbang na ginagawa tulad ng pagpapanumbalik ng kanilang tirahan, pagtanggal ng mga dam upang mapabuti ang daloy ng salmon, at mga regulasyong nagpapababa ng ingay mula sa mga barko. Gayunpaman, marami pa ang kailangang gawin upang matugunan ang mga hamon na hinaharap ng endangered na populasyong ito.

tahlequah orca

Ang kwento ni Tahlequah ay isang paalala ng kahalagahan ng mga hakbang na ito. Ang kanyang katatagan at pagdadalamhati ay sumasalamin hindi lamang sa emosyonal na lalim ng mga orca kundi pati na rin sa kahinaan ng kanilang pag-iral.

Panawagan para sa aksyon

Ang kwento ni Tahlequah ay hindi lamang tungkol sa sakit ng pagkawala. Ito rin ay isang panawagan para sa lahat na protektahan ang mga kamangha-manghang nilalang na ito at tiyakin na magkakaroon pa sila ng kinabukasan sa ating mga karagatan.

Sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kanyang karanasan, maaring magdala tayo ng mas malawak na kamalayan sa mga hamon na kinakaharap ng Southern Resident killer whales at magbigay-inspirasyon sa makabuluhang aksyon para sa kanilang kaligtasan. Ang mga orca ay higit pa sa simbolo ng kagandahan ng karagatan—sila ay mga nilalang na may kakayahang magmahal, magdalamhati, at magpakita ng katatagan.

Translated with permission from theAsianParent Singapore

Partner Stories
The Ultimate Guide to Nourishing Your Mind & Body for a Happy, Healthy Pregnancy
The Ultimate Guide to Nourishing Your Mind & Body for a Happy, Healthy Pregnancy
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
A Simple Guide To Gentle Parenting
A Simple Guide To Gentle Parenting
Experts say curbing the spread of seasonal flu virus starts at home
Experts say curbing the spread of seasonal flu virus starts at home

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jobelle Macayan

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Project Sidekicks PH
  • /
  • Tahlequah: Ang Nakakadurog ng Puso na Pagdadalamhati ng Isang Inang Orca sa Ikalawang Pagkakataon
Share:
  • Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

    Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

  • Mura Pero Madumi: Contaminated Baby Wipes na Nabibili Online, Babala sa Mga Magulang

    Mura Pero Madumi: Contaminated Baby Wipes na Nabibili Online, Babala sa Mga Magulang

  • How to Ease Your Toddler’s Separation Anxiety When You Leave for Work

    How to Ease Your Toddler’s Separation Anxiety When You Leave for Work

  • Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

    Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

  • Mura Pero Madumi: Contaminated Baby Wipes na Nabibili Online, Babala sa Mga Magulang

    Mura Pero Madumi: Contaminated Baby Wipes na Nabibili Online, Babala sa Mga Magulang

  • How to Ease Your Toddler’s Separation Anxiety When You Leave for Work

    How to Ease Your Toddler’s Separation Anxiety When You Leave for Work

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko