Gagawin natin ang lahat para maprotektahan natin an gating mga anak lalo habang malilit na sanggol pa lang sila – ‘yan naman talaga ang ginagawa nating mga magulang. Walang magulang ang magnanais na malampasan ang buhay ng kanilang anak.
Ngunit para sa isang mag-asawa sa bansang Malaysia, ito ang kanilang realidad: inihatid nila sa kanyang huling hantungan ang kanilang anak.
Ibinahagi ng amang si Desmond Neo ang detalye ng pagkamatay ng kanilang anak sa isang ospital sa Malaysia sa pamamagitan ng isang post sa Facebook.
Abril 24, 2017
Ang 11-buwan na sanggol na si Joel Neo ay dinala ng kanyang ama sa ospital alas-9 ng umaga dahil sa napakataas na lagnat na umabot sa 39°Celsius.
Ayon sa mga doktor, ito daw ay isang karaniwan laman na lagnat na maaaring gamutin. Ngunit apat na oras matapos mabigyan ng gamot, napansin ng ama na tila nag-iba ang kulay ng mga labi ng bata na matapos tingnang muli ng doktor ay sinabing normal na reaksyon lamang ng katawan ng bata sa gamot na ibinigay.
Dumami pa ang ibinigay na gamot sa bata, na ayon sa doktor ay dahil kailangan ni baby Joel ang mas mataas na dosis. Nabahala lalo ang ama ng mapansin na humimning ng sobra ang tulog ng bata. Aniya, hindi ito karaniwan sa kanilang anak.
Muli, sinabi lamang ng mga doktor na ito ay normal lamang dahil sa epekto ng gamot sa kanilang anak.
Abril 25, 2017
Madaling araw ng umakyat ang temperatura ni Baby Joel sa 40°Celsius. Ayon kay Mr Neo, tinawag n’ya ang isang nurse na s’ya namang nagbigay lamang ng marami pang gamot at tumangging tumawag ng doktor sa kabila ng kanilang pagmamakaawa.
Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Mr Neo na sinabi pa umano ng nurse na kakailanganin nilang magbayad ng karagdagang RM150 kung tatawagin ang doktor noong oras na iyon.
Tumaas pa lalo ang lagnat ni Baby Joel at umabot sa 41.4°Celsius. Naging matubig narin ang kanyang pagdumi. Dahil dito, tinawag na sa wakas ng nurse ang isang doktor mula sa emergency ward para tingnan ang kanilang anak.
Ang tanging naging payo ng doctor sa ay punasan ng bimpo na ibinabad sa malamig na tubigg ang bata, habang nangangako kay Mr. Neo na ito ang makapagpapababa sa lagnat ng anak. Hindi parin ipinatawag ng mga doktor at nurse ang nauna ng tumingin na doktor sa bata.
Sa kabila ng pag-aalala, ani Mr Neo, ang kanyang ina ang nagpakalma sa kanya sa pagsasabing magising lamang ng kahit saglit ang sanggol, kanila itong agad na iuuwi.
Ang hindi nila alam, hindi na nila kalian man maiuuwi ng buhay ang babaeng sanggol.
Nagsimulang sumuka ng dugo ang bata na agarang dinala sa intensive care unit (ICU) ng ospital. Wala ng ibang nagawa ang pamilya ni Mr Neo kung hindi ipagpaubaya nalang sa Maykapal ang kalusugan ng anak.
Matapos ang ilang minut, hinarap si Mr Neo at ang kanyang pamilya ng doktor ni Baby Joel upang sabihin na kailangan siyang ilipat sa mas malaking ospital dahil hindi sapat ang kagamitan sa naturang ospital para gamutin ang sanggol.
Mayo 11, 2017
Pumanaw ang batang babae na si Baby Joel.
Nagdadalamhati, ibinahagi ng ama ang sa isa pang Facebook post ang naging sagot ng ospital na umano’y nagpabaya sa panggagamot sa kanilang anak. Aniya, tumanggi umano ang ospital na akuin ang pagkamatay ng kanyang anak at tumanggi rin sila sa akusasyon ng pagpapabaya.
Kami ay nakikiramay sa pagkamatay ni Baby Joel
Nakakalungkot na matapos lamang ang ilang araw ay binawian na agad ng buhay si Baby Joel, at iniwan ang kaniyang mga magulang na naghihirap at nagdadalamhati sa kaniyang pagkawala.
Wala nang makapagbabalik sa buhay ni Baby Joel, kaya’t siguradong naghahanap ng hustisya ang kaniyang mga magulang sa biglaan niyang pagkamatay.
Lahat kami mula sa theAsianParent ay nakikiramay sa pagkamatay ni Baby Joel. Sumalangit nawa ang kaniyang kaluluwa.
*Ang mga ginamit na larawan ay galing sa Facebook account ni G. Neo
Ang article na ito ay unang isinulat sa ingles ni Nalika Unantenne.
READ: Kids’ ‘mistake’ lands them in the hospital! Sweet indulgence or drug abuse?
Be sure to check out theAsianparent Community for more insightful stories, questions, and answers from parents and experts alike. If you have any insights, questions or comments regarding the topic, please share them in our Comment box below. Like us on Facebook and follow us on Google+ to stay up-to-date on the latest from theAsianparent.com Philippines!
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!