STUDY: Tigdas, may pangmatagalang epekto sa immune system kahit gumaling na

Narito ang dagdag na dahilan kung bakit kailangang mabakunahan ang iyong anak laban sa tigdas.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Epekto ng tigdas sa katawan pang-matagalan at pinapahina ang resistensya nito laban sa mga karamdaman.

Ito ang natuklasan ng mga bagong pag-aaral tungkol sa sakit.

Image from Freepik

Epekto ng tigdas ayon sa bagong pag-aaral

Isa ang tigdas sa mga sakit na nagpapahirap sa mga bata sa bansa ngayon. Ito ay isang nakakahawang sakit dulot ng virus na sumisira sa respiratory tract o daanan ng paghinga. Ang tigdas ay lubhang mapanganib kung hindi agad malulunasan. Dahil ito ay may kaakibat na komplikasyon na maaring mauwi sa pagkamatay ng pasyenteng nakakaranas nito.

Ngunit hindi lamang ito ang dapat iwasan sa sakit. Dahil base sa mga bagong pag-aaral, ang tigdas ay may pang-matagalang epekto sa kalusugan ng mga naging biktima nito. Kahit gumaling na, ito daw ay maaring magdulot parin ng panganib sa buhay ng isang tao. Ito ay sa pamamagitan ng pagpapahina nito sa resistensya ng katawan laban sa iba pang nakakahawa at mapanganib na sakit.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Epekto ng tigdas | Image from Unsplash

Immune amnesia o pagkabura ng memory ng immune system

Ang tawag sa epekto ng tigdas na ito ay “immune amnesia” na kung saan pinapatay ng measles virus ang mga antibodies sa katawan na lumalaban sa mga impeksyon.

Paliwanag ni Dr. Michael J. Mina ng Harvard Medical School at Brigham and Women’s Hospital at lead researcher ng isa sa ginawang pag-aaral, ang immune system ng katawan ay mayroong memory. Ang memory na ito ang nagpapaalala sa katawan kung paano labanan o magkaroon ng immunity sa sakit na minsan ng dumapo dito. Pero sa oras na magka-tigdas ang isang tao ay binubura ng sakit ang memory na ito. Bilang epekto ay nawawalan ng immunity o defenses sa sakit ang katawan na mas nagpapahina dito. At nagiging dahilan para ito ay mas maging prone sa iba pang mga sakit.

Ang pag-aaral na ito ay nailathala sa journal na Science.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon naman sa isa pang pag-aaral na nailathala sa journal na Science Immunology, sa epekto ng tigdas na ito, ay hindi lamang ang memory ng immune system laban sa sakit ang nabubura. Pati narin ang memory ng mga vaccines na naibigay sa katawan laban sa iba pang sakit. Kaya naman sa oras na magka-tigdas ang isang bata ay kailangang mabakunahan siyang muli hindi lang laban sa tigdas kung hindi pati narin sa iba pang mga sakit. Dahil ito lang ang tanging paraan para muling manumbalik ang immunity ng kaniyang katawan.

Pahayag ng mga eksperto

Dahil sa bagong findings na ito ay naniniwala ang mga eksperto na dapat paigtingin pa ang pagbabakuna laban sa tigdas. Dahil ito lang ang tanging paraan para makaiwas sa epekto ng tigdas na nabanggit na sadyang nakakabahala.

“This emphasizes again what a nasty infection measles is. We know that in and of itself it can lead to ear infections, pneumonia, and encephalitis. It remains in the developing world a leading cause of death among children. This makes it clear that measles has detrimental effects beyond measles itself. If we wanted, if we needed even more reason to protect our children with measles vaccine, here’s some more information you ought to think about.”

Ito ang pahayag ni Dr. William Schaffner, isang infectious disease expert mula sa Vanderbilt University.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Epekto ng tigdas

Para naman kay Dr. Mina, dapat ay maging wake-up call ang findings ng kanilang pag-aaral sa mga magulang na tumatangging mabakunahan laban sa sakit ang kanilang mga anak. Dahil hindi lamang nila pinagkakaitan ng proteksyon laban sa tigdas ang kanilang anak, kung hindi pati narin sa iba pang mga sakit.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“When parents say no to getting a measles vaccine, you’re not just taking a risk of your kid getting measles, you’re causing them to lose this amazing resource of defenses they’ve built up over the years before measles, and that puts them at risk of catching other infections.”

Ito ang dagdag pahayag ni Dr. Mina.

Ang tigdas ay isang vaccine preventable disease. Kaya para maiiwas ang iyong anak sa peligrong dulot nito ay mabuting pabakunahan na siya laban sa sakit na libre namang ipinamimigay sa mga health centers sa buong bansa.

 

Source:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

New York Times

BASAHIN:

STUDY: Bakuna sa tigdas (MMR), hindi nagdudulot ng autism