May pagkakataon bang nakakaranas kang gumawa ng mga maling desisyon sa buhay? Nagkakaroon ka ba ng toxic relationship at madalas mong itanong kung ikaw ba ang naging toxic o hindi? Maaaring epekto ito ng nangyari sa atin mula sa pagkabata na hindi mabubura kahit sa edad ng ating pagtanda.
Epekto ng trauma sa pagtanda
Sabi ng isang German psychoanalyst na si Freud, alinmang kaganapan at desire sa ating pagtanda ay puwede nating i-trace back sa mga development at pangyayari sa ating pagkabata. Batay ito sa kanyang ipinakilalang kaalaman na Pyschosexual theory. Ginagamit pa rin ito ng maraming psychiatrist at nag-aaral ng pyschology.
Kung gayon, hindi hiwalay ang usapin ng epekto ng trauma ng ating childhood stage sa ating function pagtanda. Sinabi Psychology Today na ang childhood trauma ay pwedeng maging chronic, at nagma-manifest hanggang sa ating pagtanda.
Ang mga survivor ng trauma ay maaaring makaramdam ng guilt sa kanilang sa sarili. Ito rin ay guilt sa alinmang nai-survive nila. Posibleng lumitaw ang mga sintomas nito mula sa emotional, psychological, at pisikal na aspekto.
Dagdag pa, sa pag-function natin sa adulthood, nagkakaroon ng traces ang childhood trauma na ito. Mula sa childhood development at paano natin itinago at nilimot ang nangyari.
Pero, lilitaw ang sintomas nito mula sa maling pagtrato sa sarili, maling desisyon sa pagpili ng kaibigan, hanggang sa toxic na relasyon.
Childhood development trauma at kaakibat na pattern nito sa pagtanda
Narito ang ilan sa mga pattern na maaaring makita sa pagtanda na may kasaysayan ng childhood trauma.
Misdiagnosis at comorbidity
Anxiety at depression ang kadalasang epekto sa pagtanda kung may history ng chronic childhood trauma. Ang iba ay pwedeng mabigyan ng maling diagnosis, samantalang ang iba ay pwedeng magkaroon ng comorbid na diagnosis.
Chronic pain
Isa rin sa mga nakita sa pag-aaral na ang mga taong nakaranas ng physical abuse sa pagkabata ay madalas nakakaramdam ng chronic pain. Ang mga karamdamang ito ay tulad ng back at neck pain, headache, maging rheumatoid arthritis.
Tandaan
Kaya naman bilang maging magulang dapat tayong maging maingat sa ating mga anak. Upang maiwasan na makaranas siya ng trauma sa kaniyang childhood sapagkat maaari itong makaapekto sa kaniyang pagtanda.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.