Isang bagong pag-aaral ang nagsasabi na may magandang epekto ng tsaa sa kalusugan. Nakakatulong ito sa pagpapanatili ng magandang brain regions kumapara sa mga hindi regular na umiinom ng tsaa. Isinagawa sa NUS Yong Loo Lin School of Medicine ang pag-aaral na na-publish sa journal na Aging nuong ika-14 ng Hunyo taong 2019.
Bagong pag-aaral tungkol sa epekto ng tsaa
Pinamunihan ni Assistant Professor Feng Lei ng Department of Psychological Medicine ng paaralan ang pag-aaral. Kasama nila dito ang University of Essex at University of Cambridge. Isinagawa ang pag-aaral simula taong 2015 hanggang 2018.
Ang mga lumahok ay 36 na taong may edad na hindi bababa ng 60 taong gulang. Sinuri ang kanilang mga kalusugan, lifestyle at kalagayan ng pag-iisip. Sumailalim ang mga lumahok sa neuropsychological tests at magnetic resonance imaging (MRI).
Matapos suriin ang mga datos, napag-alaman na ang mga uminom ng tsaa nang nasa apat na beses sa isang lingo ay mas maayos ang interconnection ng isip. Ang mga ito ay may mas magandang kognitibong function kumpara sa mga hindi uminom ng tsaa.
Nakita ang resultang ito mula sa mga umiinom ng green tea, oolong tea, o black tea nang mahigit sa 25 taon.
May isang pag-aaral na isinagawa nuong nakaraang taon sa Germany tungkol sa tsaa bilang panlaban sa type 2 diabetes. Kanilang kinilala ang polyphenols na matatagpuan sa mga tsaa bilang panlaban sa tinatawag na internal stress. Ngunit, ito ay dapat kasabay sa pag-inom ng zinc supplement.
Tsaa laban sa type 2 diabetes
Isang pag-aaral naman nuong taong 2017 ang nagsasabing malalabanan ng pag-inom ng tsaa ang mga biglaang pagtaas ng blood sugar levels. Ayon dito, malaki ang napapababa sa glucose sa mga uminom ng mataas sang sucrose bago ang pag-aaral.
Itinuturo ang polyphenols bilang ang pangunahing sangkap na nagdudulot nito. Naniniwala ang mga mananaliksik na pinipigilan nito ang pag-absorb ng sugar sa katawan.
Ayon kay Asst. Prof. Feng Lei, natutunan nila na nakakatulong ang tsaa upang mapabagal ang pagkasira ng kaisipan dulot ng pagtanda. Ito ay isang simpleng gawain na malaki ang maitutulong sa kalusugan ng kaisipan.
Basahin din: Hot tea may cause cancer when combined with unhealthy lifestyle