Pagdami ng mga may lung injury dulot ng vape ikinababahala ng health expert

lead image

Maraming negatibong epekto ang vape sa katawan ng tao. At hindi rin ito mabuti lalo na kung ikaw ay buntis. May masamang epekto ito sa development ng baby.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nababahala ang isang health expert dahil sa pagdami umano ng kaso ng e-cigarette or vape-associated lung injury (EVALI), lalo na sa mga kabataan. Ano nga ba ang epekto ng vape sa katawan ng tao?

Mga nagkakaroon ng lung injury dulot ng vaping dumarami!

Ikinababahala ng health expert ang pagdami ng mga pasyente na dumadaing ng hirap sa paghinga, kahit na wala naman daw asthma, infection, o ubo ang mga ito.

Ayon kay Dr. Maricar Limpin, pulmonologist at Smoking Cessation Program director sa Philippine Heart Center, mayroon na rin umanong nakikita na kaso ng EVALI sa Pilipinas.

Larawan mula sa Shutterstock

“Dito sa atin, may nakikita na rin tayong EVALI… Ngayon, unti-unti, kaming mga espesyalista sa baga, nakakakita na kami sa aming mga clinics ng mga pasyente na ang pinakareklamo ay nahihirapan makahinga. Pag tinatanong namin siya (patient) – na mukha namang hindi infection – wala talaga kaming makitang dahilan para mahirapan siyang huminga. Ang nakita lang namin, marami sa kanila, dating naninigarilyo tapos nag-shift sa e-cigarette,” saad ng doktor sa report ng ABS-CBN News.

Nilinaw ni Dr. Limpin na parehong harmful ang paninigarilyo at paggamit ng vape o e-cigarette. Marketing strategy lamang umano ang claim na less harmful ang vape. Saad niya pa, ang paggamit ng vape ay parang paglalagay ng cancer-causing elements sa iyong katawan.

Tulad ng sigarilyo, mayroon ding nicotine ang vape at ito ay nakaaadik.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Ang lagi pa nilang sinasabi, vapor daw ito, which is actually misinformation. Kasi ang vapor, ang ibig lang sabihin, iyong liquid – so kunwari, tubig – you turn it into a gas. Wala ng ibang kasama… But dito sa e-cigarette at saka even sa sigarilyo, it is not transformed into gas. Kahit iyong mga e-liquid na iyan, hindi siya nata-transform just into gas,” saad pa ng doktor.

Bukod sa nicotine, mayroon din daw iba pang kemikal ang vape na masama sa kalusugan. Tulad na lamang ng metallic compounds gaya ng lead. Kaya malinaw raw na hindi ito vapor bagkus ay aerosol.

Larawan mula sa Shutterstock

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Umapela si Dr. Limpin sa Department of Trade and Industry na higpitan ang implementation ng mga regulasyon sa e-cigarettes at vapes, lalo na sa mga menor-de-edad o mga kabataan.

Nanawagan din ang doktor sa mga mambabatas na bigyan ng regulatory power ang Department of Health ukol sa vape.  Dahil ang isyu na ito ay hindi lamang naman daw tungkol sa trade, hindi lang ito ordinaryong produkto. Bagkus ay produktong may hindi magandang epekto sa kalusugan ng tao.

“Ang vape issue ay hindi lamang about trade, hindi lang ito ordinary product, ito po ay may health implication. Sana magawan niyo ng paraan na kung saan maisama ninyo sa pag-regulate ang Department of Health (DOH), through the Food and Drug Administration,” aniya.

Epekto ng vape sa buntis

Hindi maganda ang epekto ng vape sa kalusugan ng tao. Lalo na kung ikaw pa ay buntis.

Ang paggamit ng vape habang ikaw ay buntis ay hindi ligtas para sa iyong kalusugan at lalo na para sa kalusugan ng iyong anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon sa Mayo Clinic, karamihan sa e-cigarettes ay mayroong nicotine, na permanenteng nakada-damage sa developing brain at iba pang organ ng baby.

Bukod pa rito, mayroon ding mga kemikal, flavoring, at iba pang additives ang vape liquids na maaaring makasama sa sanggol sa sinapupunan.

Alam naman natin na masama ang paninigarilyo sa buntis. At may mga pag-aaral kung saan napag-alaman na maraming pregnant women ang naniniwala na ang paggamit ng e-cigarette ay less harmful kompara sa paggamit ng sigarilyo.

Pero hindi ito tama, dahil mayroon pa ring nicotine at iba pang kemikal ang vape. At ang ano mang exposure sa nicotine ay hindi makabubuti sa baby.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Shutterstock

Kaya naman, kung ikaw ay buntis at ikaw ay naninigarilyo o nagve-vape. Mas mabuting itigil na ito upang matiyak ang kaligtasan at maayos na kalusugan ng iyong anak.

Kung nangangamba ka naman dahil minsan mo na ring narinig mula sa iba na kapag tumigil sa paninigarilyo ay mas lalong sasama ang pakiramdam o magkakasakit. Hindi raw ito totoo ayon kay Dr. Limpin.

Paliwanag ng doktor, ang pagdami ng plema kapag tumigil ka na sa paninigarilyo ay magandang senyales. Patunay raw kasi ito na nagiging normal na ang respiratory airways, na nasira nang dail sa vaping o smoking.

Unti-unti rin naman bubuti ang pakiramdam habang unti-unti ring tinitigilan ang paninigarilyo o pag ve-vape.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Maaaring kumonsulta sa iyong healthcare provider upang matulungan ka nito kung paano titigil sa paninigarilyo.

Sinulat ni

Jobelle Macayan