Tahi pagkatapos manganak: Mahalagang kaalaman patungkol sa episiotomy

Ang episiotomy o tahi pagkatapos manganak ay ginagawa para ma-assist o mapadali ang panganganak ng normal ng isang babae.

Para sa mga inang nanganak ng normal karaniwan na ang pagkakaroon ng tahi kagaya ng episiotomy. Sa artikulong ito, aalamin natin kung ano ba ang episiotomy o tahi pagkatapos manganak ng normal delivery. 

Ano ang episiotomy o tahi pagkatapos manganak ng normal delivery? 

Ang episiotomy ay isang uri ng cut o incision na ginagawa sa gitna ng opening ng puwerta ng babae at sa kaniyang puwetan kapag ito’y manganganak. Ang area na ito ay tinatawag na perineum. 

Noong araw ang tahi pagkatapos manganak ng normal delivery o episiotomy ay bahagi ng proseso ng panganganak. Subalit sa pagkakataong ito, hindi naman na ito required. Nakadepende ito sa sitwasyon ng isang babaeng nanganak. 

Word EPISIOTOMY composed of wooden letters. Pregnant woman in the background

Ano nga ba ang episiotomy tahi pagkatapos manganak?

Kapag nanganganak, lalo kung vaginal delivery, may posibilidad na magkaron ng punit o natural vaginal tear. Minsan ay sadyang ginugupit ng doktor ang tender perineum tissues sa puwerta para mapadali ang paglabas ng bata, ito nga ang tinatawag na episiotomy. 

Pagkatapos ng delivery, kailangang tahiin muli ang punit, natural man o sadyang naunit. Dito na kadalasan dinadagdag ng mga doktor ang “extra stitch” para umano mas maging masikip na vagina. 

Mistulang taboo lang dati, pero ngayon ay marami na ang lumalabas para ikuwento ang karanasan nila sa pagpapahaba ng tahi para maisara ng kaunti ang pwerta para maging mas “masikip” ito. Tinatawag ito na “extra stitch” para sa “extra pleasure” kapag nakikipagtalik. Tinatawag din itong “daddy stitch” o “husband stitch” bilang ang mister daw ang mas makakaramdam ng pleasure dahil dito.

Ayon sa isang Nurse I sa San Lorenzo Ruiz General Hospital, Malabon City Philippines na si Cristine Joy Legaspi sa panayam ng theAsianparent Philippines,

“Hindi din totoo na kapag madaming beses ka nanganak e “luluwag” ka. Bumabalik sa dati ang anatomy ng isang babae pagkatapos manganak.”

Ayon pa kay Jesanna Cooper, MD, isang OB=GYN, anuman ang dahilan ng pagkapunit, hindi posibleng mapasikip ang vagina kapag tinahi ito. Ang vaginal tone ay hindi naaapektuhan ng anumang tahi dahil ang pelvic floor strength ang bumubuka o sumisikip, hindi ang bukana o sukat ng mismong puwerta.

Samantala, ang pagtahi ay nakakapagpasikip ng perineum at outer vulva, pero hindi nakakaapekto sa sensation na nararamdaman ng katalik. Ang vaginal repair ay para maibalik at matahi ang balat sa puwerta para makatulong sa paggaling at paghilom ng katawan pagkapanganak, hindi para pasikipin ang ari.

Paano isinasagawa ang episiotomy o tahi pagkatapos manganak ng normal delivery? 

Kung nirekomenda ng doktor ang episiotomy kadalasan hindi naman mararamdaman ang paghiwa rito o pagtahi kapag naka-anesthesia. Sa kabilang banda, kung ang anesthesia ay nawalan na ng bisa ay maaaring mag-inject ang doktor ng local anesthetic para hindi ito maramdaman. 

Ang doktor ay tatalakayin ang mga iba’t ibang pamamaraan para mas maging kumportable ka habang ikaw ay nagpapagaling mula sa tahi na ito. 

Mayroon ding dalawang uri ng episiotomy incision, ito ang mga sumusunod: 

1. Midline incision

Ang midline incision ay ginagawa patayo o vertically. Isa itong uri ng tahi na mas madaling ma-repair. Sa kabilang banda, mas mataas din ang risk na humaba o umabot ang tahi na ito sa bahagi ng puwetan ng isang babae. 

2. Mediolateral incision

Ang mediolateral incision naman isa pa-angle ang hiwa. Mababa ang tiyansa nito na ma-extended ang tahi papuntang puwetan. Subalit ang uri ng tahi na ito ay mas masakit at mas mahirap na ma-repair. 

Mga risk ng episiotomy

Image from Freepik

Ang daan para sa recovery sa episiotomy ay hindi kumportable para sa kababaihan. Minsan pa nga’y mas masakit pa ito kaysa sa natural na tear na nangyayari kapag nanganganak ang babae. 

Maaari ring magkaroon ng impeksyon mula rito. Para sa ilan naman ang episiotomy ay nagdudulot ng sakit habang nakikipagtalik matapos ang buwan pagkatapos manganak. 

Dagdag pa rito, ang midline episiotomy ay maaaring magdulot ng fourth-degree vaginal tearing. Ang uri ng tearing na ito ay umaabot sa anal sphincter at papunta sa mucous membrane na naka-linya sa rectum. Kaya naman maaaring magresulta ito sa hirap sa pagdumi o problema sa pagdumi. 

Paano ihahanda ang sarili sa episiotomy o tahi sa pagkatapos manganak ng normal delivery? 

Larawan mula sa Shutterstock

Narito ang mga dapat paghandaan kung sakali mang nirekomenda ng doktor ang episiotomy at kung hindi ito maiiwasan kapag ikaw ay manganganak na. Mahalagang maging handa ka sa mga posibilidad. 

  • Ipapaliwanag ng doktor ang procedure na ito sa inyo at maaari kayong magtanong patungkol rito. 
  • Maaaring tanungin ka o papirmahin ka ng isang consent form para gawin ang procedue. Basahing maiigi ito at magtanong sa iyong doktor kung may mga bagay kang hindi maintindihan. 
  • Tatanungin ka ng iyong doktor kung may allergy ka ba sa mga gamot, iodine, latex, tape, o anesthesia. Magsabi ng totoo sa kaniya. 
  • Sabihin din sa doktor kung ano ang mga gamot na iyong iniinom kasama na ang mga vitamins at supplements. 
  • Sabihan din ang doktor kung mayroon ka bang kasaysayan ng bleeding disorder at kung umiinom ka ng gamot para rito. 
  • Sundin lamang ang instructions ng iyong doktor. 

Ano ang nangyayari pagkatapos ng episiotomy? 

Kung ikaw ay sumailalim na sa episiotomy ano mang uri ng episiotomy na ito ay maaari kang makaranas ng sakit at pamamaga ng bahagi ng hiniwa sa iyo. Ang paglalagay ng ice pack ay makakatulong para sa pamamaga at sakit nito. 

Makakatulong din ang maligamgam na tubig sa pagligo para maibsan ang pamamaga nito ay mapabilis ang paggaling ng iyong tahi. Maaaring magreseta ang iyong doktor ng mga medicated creams o local numbing sprays para maibsan ang pananakit na iyong nararanasan. Sa kabilang banda, maaari ring uminom ng mga pain reliever na rekumendado ng iyong doktor. 

Image from Freepik

Tips para sa mas mabilis na paggaling mula sa tahi pagkatapos manganak ng normal

Narito pa ang ilang mga tips para mas mapabilis ang recovery mula sa episiotomy:

  • Pahinga: Mahalaga ang sapat na pahinga. Subukang matulog kapag tulog ang sanggol at humingi ng tulong sa iba pang miyembro ng pamilya upang mapanatili ang iyong lakas.
  • Hidrasyon: Uminom ng maraming tubig upang maiwasan ang pagka-dehydrate. Ito ay makakatulong sa iyong katawan na gumaling mula sa panganganak.
  • Nutrisyon: Kailangan mo pa rin ng maayos na nutrisyon. Kumuha ng mga pagkain na mataas sa sustansya tulad ng prutas, gulay, at protein. Bumalik sa normal na diyeta mo sa paraang maayos at hindi biglaan.
  • Maligamgam na pampaligo: Ang maligamgam na pampaligo o sitz bath ay makakatulong sa pagpapahupa ng discomfort sa tahi area. Mainam itong gawin ilang beses sa isang araw.
  • Konsultasyon sa doktor: Sumunod sa mga payo ng iyong doktor ukol sa pag-aalaga ng iyong tahi. I-eksamin ka nila upang siguruhing walang anumang mga komplikasyon.
  • Hugasan ang tahi: Mahalaga ang pangangalaga sa tahi. Sundan ang mga tagubilin ng iyong doktor ukol sa pangangalaga nito.
  • Mag-ingat sa bowel movement: Ang paglabas ng dumi ay maaring maging masakit pagkatapos ng panganganak. Uminom ng maraming tubig at kumain ng mga pagkain na mataas sa fiber upang maiwasan ang pag-iritate sa tahi area.
  • Magpatingin sa mga sintomas: Kung mayroong anomang mga sintomas tulad ng sobrang pamamaga, sobrang kirot, o pangingilabot, agad na kumonsulta sa doktor.

Tandaan na ang paggaling ay nag-iiba sa bawat tao at ito ay maaaring tumagal ng ilang linggo o buwan. Huwag kang magmadali sa pagbabalik sa normal mong gawain. Mahalaga ang pagsunod sa mga payo ng iyong doktor upang masiguro ang iyong kaligtasan at mas mabilis na paggaling.

 

Karagdagang ulat mula kay Marhiel Garrote

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.