Eric Fructuoso: “Proudest moment in a father’s life, yung ipamana sa kanyang anak ang kanyang favorite car.”

Ayon pa kay Eric, ang kotse na ipinamana niya sa anak ay saksi sa mga hirap at ginhawa niya sa buhay.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Eric Fructuoso ibinahagi ang proudest moment niya as a father.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Eric Fructuoso proudest moment as a father.
  • Payo ni Eric Fructuoso sa anak pagdating sa pag-aasawa.

Eric Fructuoso proudest moment as a father

Larawan mula sa Instagram account ni Eric Fructuoso

Sa Instagram ay ibinahagi ng Gwapings member na si Eric Fructuoso ang proudest moment niya as a father. Ito ay ang pagpapamana sa kaniyang panganay na anak na si Frederick Fructuoso o mas kilala sa palayaw na “Tres” ang paborito niyang kotse. Dahil si Tres nagsimula ng magkaroon ng sarili niyang pamilya.

“Proudest moment in a father’s life… yung ipamana sa kanyang anak ang kanyang favorite car.”

Ito ang sabi ni Eric sa kaniyang Instagram post.

Pagpapatuloy niya pa ay nasa very good condition ang kotse na ibinigay niya sa anak. Higit sa lahat marami daw bad and good memories sa buhay niya ang naranasan niya gamit ang kotse niya na ito. Kaya naman napakahalaga daw nito sa buhay niya at labis ang saya niya na maipapamana niya na ito sa anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Kasama ko sa hirap at ginhawa yan kotse na yan alam ng mga ibang tito mo yan kaya big deal sakin yan. Enjoy it with your family anak! Build new memories with it. Mahal na mahal ko kayo 😘😘😘.”

Ito ang sabi pa ni Eric.

Payo ni Eric Fructuoso sa anak pagdating sa pag-aasawa

Larawan mula sa Instagram account ni Eric Fructuoso

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Taong 2021 ng unang ibahagi ni Eric na magiging lolo na siya sapagkat mag-aasawa na ang anak niyang si Tres. Noon din ay nagbigay agad ang kilalang “gwapings” ng payo niya sa kaniyang panganay para masigurong magiging masaya at tahimik ang buhay may pamilya nito.

“Ikakasal ka na. Magkaka-baby ka na. Heto ha, based on experience lang, ha? Hindi ko sinasabing sundin mo, hindi ko sinasabing gayahin mo ako. Pero marami akong pagkakamaling ginawa, especially sa mommy mo, sa mga sumunod na… Ito ang pinakapayo ko sa ‘yo. Alagaan mo yung asawa mo. Papakinggan mo siya, susundin mo siya. Huwag kang magpapadala sa temptation.”

Ito ang bahagi ng payo ni Eric noon sa panganay na si Tres.

Maliban kay Tres, si Eric ay may apat na anak pa sa mga sumunod niyang nakarelasyon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Eric Fructuoso

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement