Eric Quizon ikinuwento kung paano hinati ng amang si Dolphy ang mga ari-arian nito sa kanilang 18 magkakapatid.
Mababasa dito ang sumusunod:
Eric Quizon sa naging last will and testament ni Dolphy
Sa panayam sa kaniya ni Ogie Diaz ay ibinahagi ni Eric Quizon kung nasaan na ang mga ari-arian ng namayapang si Dolphy o mas kilalang “King of Comedy” ng Pilipinas. Kuwento ni Eric, ito ay pantay-pantay na hinati sa kanilang 18 magkakapatid base narin sa kahilingan ng kanilang ama bago ito namayapa.
“Sa last will and testament kasi, simple lang sinabi ng daddy ko. “I want equal sharing for everyone.”
Ito daw ang kahilingan ng kanilang ama.
Ayon kay Eric, 18 silang heirs ni Dolphy
Kuwento ni Eric, kahit 18 sila ay hindi naman daw sila nagkagulo. Wala ring naging pag-aaway sa pagitan nila. Dahil bago pa man nasawi ang ama ay isa-isa rin silang binigyan ng ari-arian nito. Ang anumang natira ngayon ang pinaghatian nila. At pagdating sa pagdedesisyon sa mga ari-ariang ito ay 18 dapat silang nagdedesisyon.
“Pagka-humindi ang isa hindi mangyayari iyon. Kung 18 kami, kailangang 18 kami na nagdedecide na “Okay, let’s do this transaction or let’s do this!”
Ang lahat naman daw na ito ay maayos parin nilang nagagawa na may gabay ng kanilang amang si Dolphy.
“Labingwalo kami, may kaniya-kaniyang mga idea yang mga yan. However, bago namantay ag daddy ko, sinabi sa amin “ayokong mag-aaway kayong lahat ha”. So parang tumatak sa isip namin na basta pag may problema, ayusin mo yan, ayusin ninyo yan.”
Ito ang pagkukuwento pa ni Eric.
Pagpapatuloy niya, kahit wala na nga ang ama, hanggang ngayon ay nasusustentuhan parin silang magkakapatid. Ito daw ang labis na pinagpapasalamat ni Eric sa pagkakaroon ng amang tulad ni Dolphy.
“My dad’s been dead for 11 years, pero hanggang ngayon nagpo-provide pa rin siya sa amin.”
Ito ang sabi pa ni Eric Quizon.
Larawan mula sa Inquirer