Erwan Heussaff and Anne Curtis nag-quick getaway sa beach kasama ang anak na si Dahlia sa kanilang 5th wedding anniversary

Erwan hindi lang ang anniversary nila ni Anne ang ipinagdiwang kung hindi pati narin ang pagiging magulang nila sa anak na si Dahlia.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Erwan Heussaff at Anne Curtis nag-celebrate ng kanilang 5th wedding anniversary.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Erwan Heussaff and Anne Curtis 5th wedding anniversary celebration.
  • Anne Curtis and Erwan Heussaff relationship.

Erwan Heussaff and Anne Curtis 5th wedding anniversary celebration

Larawan mula sa Instagram ni Anne Curtis

Erwan Heussaff at Anne Curtis nag-celebrate ng kanilang 5th wedding anniversary kasama ang anak na si Dahlia. Ang kanilang pamilya nag-quick getaway sa beach.

Ito ang ibinahagi ni Anne sa kung plano nila ipinagdiwang ang anniversary nila ni Erwan. Nagbigay rin siya ng mensahe sa kaniyang mag-ama.

“Whisked off to paradise for a quick getaway to celebrate our anniversary. Love you both so much @erwan. Here’s to many more core memories made. ”

Ito ang caption ni Anne sa post niya tungkol sa naging anniversary celebration nila ni Erwan. Bagama't ang aktres hindi idinetalye kung saang beach sila nagpunta ng kanilang pamilya.

Si Erwan may post din sa Instagram tungkol sa naging anniversary celebration nila ni Anne. May maikling video siyang ibinahagi na kung saan makikita si Dahlia at Anne na nasa tabing dagat at pinagmamasdan ang ganda ng buwan sa gabi.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Si Erwan hindi lang basta ipinagdiwang ang ilang taong pagsasama nila ni Anne kung hindi pati na rin ang pagiging magulang nila sa anak na si Dahlia.

“12 years.
5 married.
2 as parents.
@annecurtissmith

Ito ang caption ng post ni Erwan.

 
 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 

Ang mga celebrity at close friends nila Anne at Erwan binati ang mag-asawa sa kanilang anniversary. Ito ang ilan sa mga mensaheng ibinigay nila sa dalawa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

china_cojuangco Happy Anniversary 

stephkienlegonzalez Beautiful. Happy anniversary you two

Anne Curtis and Erwan Heussaff relationship

Larawan mula sa Instagram ni Anne Curtis

Taong 2010 ng ibahagi ni Anne sa isang panayam na may idenedate siyang isang French-Filipino guy. Sa sumunod na taon ay kinumpirma niyang magkasintahan na sila ni Erwan at naipakilala niya na ito sa mga magulang niya.

Sa naging 30th birthday ni Anne noong 2015 ay may ibinahaging makahulugang post si Erwan. Tila noon palang ay sure na siyang si Anne ang magiging misis niya.

"Today you turned 30, a number that freaks out most people, sending them into a frenzy of 'What have I done with my life?.”

"In your case you've accomplished so much already. You've kept a strong head during tough times and have arrived more fulfilled than ever.”

"I can't wait to conquer more countries with you, eat our way through bizarre cities, wreck ourselves at workouts, binge watch TV series' and bounce around like idiots at different concerts. Remember you're just 18 with 12 years of experience under your belt. Je t'aime.”

Ito ang mensahe noon ni Erwan kay Anne at sa sumunod na taon ay nag-propose na siya ng kasal sa aktres. Ang kanilang engagement ibinahagi ng dalawa sa pamamagitan ng isang vlog entry na may title na Going Around New York City and Connecticut (Best Trip Ever).

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa dulo ng video ay makikita ang montage ng mga naging trips ng dalawa na magkasama. Ang sunod na eksena ay makikitang nakaupo si Anne sa gitna ng Steep Rock Preserve sa Washington Depot, Connecticut ng biglang lumuhod si Erwan at inalok siya ng kasal.

Sa sumunod na taon, 2017, buwan ng Nobyembre doon ikinasal sina Anne at Erwan. Ang kanilang naging kasal ay ginanap sa Queenstown, New Zealand na dinaluhan ng kanilang pamilya at malalapit ng kaibigan.

Ang pamilya ni Anne botong-boto sa mister niyang si Erwan. Sa isang panayam ay minsan ng ibinahagi ng ina ni Anne na si Carmen Ojales kung anong nagustuhan niya kay Erwan.

"The best, I think. Kasi siguro 'yong loob ko kay Erwan, very friendly siya, okay siyang makisama. 'Yon ang first impression ko noong makita ko siya. He knows how to talk to you."

Ito ang paglalarawan ng ina ni Anne sa mister niyang si Erwan.

Taong 2020 naman ng ipanganak ni Anne ang baby girl nila ni Erwan na pinangalanan nilang Dahlia.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

First family trip nina Anne, Erwan at anak nilang si Dahlia

Larawan mula sa Instagram account ni Anne Curtis

Samantala, bago pa man ang anniversary getaway nila Erwan at Anne ay nagbakasyon sila kamakailan lang sa Tokyo, Japan. Kasama ang kapatid ni Erwan na si Solenn Heussaff at ang mag-ama nitong si Nico Bolzico at Thylane ay ini-explore nila ang Tokyo Disneyland.

Ayon kay Anne, ito ang first family trip nila na kung saan napatunayan nilang talaga nga namang ang Disneyland ang isa sa happiest place on Earth.

“It truly is one of the happiest places on earth! first family trip to Disneyland.. a whole different experience now that I’m the parent. Iba 'yong happiness seeing her so excited.

Felt like old times when we would take videos on our video cams without needing to post ASAP, next trip? hunting down the princesses! Moana! Girl, where you at?”

Ito ang caption ni Anne sa kaniyang post kalakip ang mga larawan nila ni Dahlia sa Disneyland.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement