Esther Lahbati to daughter Sarah Lahbati: “No one can hurt you! I am ready to stand for you.”

Ayon sa ina ni Sarah, maayos ang co-parenting relationship ng aktres at mister na si Richard Gutierrez para sa dalawa nilang anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Esther Lahbati todo suporta at pagtatanggol sa anak na si Sarah Lahbati. Ina ni Sarah may pasabog rin tungkol sa mister nitong si Richard Gutierrez.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Esther Lahbati message to daughter Sarah Lahbati.
  • Richard Gutierrez gustong ipa-DNA test ang isang anak nila ni Sarah

Esther Lahbati message to daughter Sarah Lahbati

Larawan mula sa Instagram account ni Sarah Lahbati

Sa huling pahayag ng kilalang talent manager na si Anabelle Rama ay sinabi nitong nasa kaniyang puder na ngayon ang anak na si Richard Gutierrez. Ito ang naging tugon niya sa mga nagtatanong tungkol sa kung hiwalay na ba si Richard at misis nitong si Sarah Lahbati.

Hindi man idinetalye ni Annabelle ang naging ugat ng hiwalayan, sinabi niyang, mahilig mag-waldas ng pera si Sarah. Habang ang anak na si Richard ang busy sa pagtratrabaho para sa pamilya nila.

Ang ina ni Sarah na si Esther Lahbati hindi na napigilang magsalita para maipagtanggol ang anak. Una niya itong ipinakita sa pamamagitan ng isang comment sa isa sa mga Instagram post ng aktres.

“We Love you so much Anak.?No one can hurt you!❤️I an ready to stand for you.?being a human being i respect everyone s rights.?”

Ito ang sabi ni Esther tungkol sa mga isyung kinakaharap ng anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Richard Gutierrez gustong ipa-DNA test ang isang anak nila ni Sarah?

Larawan mula sa Instagram account ni Sarah Lahbati

Sa post ni Sarah nitong pasko kasama ang mga anak na sina Zion at Kai ay may mga netizens na nagtanong kung pre-recorded daw ba ang video. Ito ay dahil una ng sinabi ni Anabelle sa isang panayam na ang buong pamilya nila maliban sa isa ang magcecelebrate ng pasko sa Japan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang ina ni Sarah na si Esther sumagot at ibinahaging maayos ang co-parenting set-up ngayon ng mag-asawa para sa dalawa nilang anak. Sinagot niya din ang isyu na gustong ipa-DNA ng pamilya ni Richard ang pangalawang anak nila ni Sarah na si Kai. Ito ang naging sagot ni Esther Lahbati na may pagbubunyag rin sa kung anong klaseng asawa si Richard kay Sarah.

“Grabe! bakit kaya galit sya kay Sarah?eh hindi nga pinapayagan si Sarah na walang body guard ngayon na lang na yan nakakalabas kasama pa kami.grabe! Sobrang seloso.tapos magpapa DNA baka mapahiya sila!”

Hanggang ngayon ay nanatiling tahimik sina Richard at Sarah sa mga isyung ipinupukol sa kanilang pamilya at pagsasama.

Larawan mula sa Instagram account ni Sarah Lahbati

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement