2 estudyante nag-suicide sa Taguig: Paano mapoprotektahan ang mental health ng iyong teenager na anak

Narito ang ilang hakbang kung paano mo mapapangalagaan ang mental health ng iyong anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Usap-usapan ngayon ang tungkol sa dalawang estudyante na nag suicide sa Taguig. Ang mental health ng iyong teenager na anak paano nga ba maproprotektahan at maiwasang mangyari sa kaniya ang nangyari sa dalawang estudyante.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Dalawang estudyante na nag suicide sa Taguig.
  • Paano mapapangalagaan ang mental health ng iyong anak.

Dalawang estudyante na nag suicide sa Taguig

Larawan mula sa Facebook

Laman ng mga balita ngayon ang tungkol sa dalawang estudyante sa Taguig na nag suicide umano. Ang dalawang bata ay parehong mag-aaral sa Signal Village High School. Ang isa ay isang Grade 10 student at 15-anyos, habang ang isa naman ay Grade 8 at 13-anyos palang.

Base sa imbestigasyon ng mga pulis, ang dalawang estudyante ay natagpuang patay sa Girl Scout office ng kanilang eskwelahan. At ang insidente ay nai-report ng isang 16-anyos na estudyante na kasama nila grupo bilang mga girls scout.

Ayon sa nasabing estudyante at witness, huli niyang nakita ang dalawang estudyante bandang 7:45 ng gabi noong November. Ang mga ito daw ay nagsabi sa kaniya na dederetso na sa pag-uwi. Pero nagulat nalang siya sa kanilang group chat ng malaman niyang hindi pa nga daw nakakauwi ang dalawang estudyante. Kaya naman bumalik siya sa kanilang eskwelahan at doon niya nga nakita ang dalawa. Pero ang mga ito ay wala ng buhay habang nakabigti ang mga leeg sa steel grill ng kanilang opisina.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Wala pang malinaw na impormasyon sa kung ano nga ba ang dahilan ng pagsusuicide ng dalawang estudyante. Pero ayon sa mga pulis, base sa initial nilang imbestigasyon ay walang foul play na nangyari. At patuloy sila sa pag-iimbestiga tungkol sa kinahantungan ng dalawang estudyante.

Paano mapapangalagaan ang mental health ng iyong anak

Larawan mula sa Freepik 

Bagamat hindi pa kumpirmado kung ano talaga ang dahilan ng pagpapakamatay ng dalawang estudyante, bilang magulang ay mahalaga na malaman mo kung paano mapoprotektahan ang iyong anak sa paggawa ng mga aksyong makakapanakit o makakakitil ng sarili niyang buhay. Paano ito magagawa? Narito ang ilang hakbang para mapangalagaan ang mental health ng iyong anak.

  1. I-encourage sila na mag-share ng kanilang feelings.

Bilang magulang ay dapat maiparamdam mo sa iyong anak na ikaw ang nangunguna sa mga taong makakaintindi sa kaniya. Kaya naman ay dapat hindi siya mahiyang magkuwento sayo sa mga karanasan niya o sa mga bagay na gumugulo sa isip niya. Simulan ito sa pamamagitan ng pangangamusta ng araw niya sa school. O di kaya naman ay pag-praise sa mga maliliit na bagay na ginawa niya. Mabuting iparamdam mo sa kaniya kung gaano ka ka-proud sa kaniya. Ito ay para mas maging magaan ang pakiramdam niya sayo at maging close kayo sa isa’t-isa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  1. Suportahan siya sa mga hilig o gusto niya.

Ang mga teenagers maraming gustong gawin at i-try. Dito nagsisimula ang kanilang independence. Bilang magulang ay hindi mo siya dapat pigilan lalo na kung hindi naman makakasama sa kaniya ang gusto niya. Hayaan mo siyang subukan ito habang sinisiguro na ikaw ay nakaalalay o nakasuporta lang lagi sa kaniya.

Larawan mula sa Freepik

  1. Resolbahin ninyo ang problema ng magkasama.

Kung may problemang gumugulo sa iyong anak ay hayaan siyang mag-isip o magbigay ng opinion niya kung paano ito maayos. Magbigay ng iyong opinyon kung pakiramdam mo ay hindi tama ang naiisip niya. Pero huwag na huwang mong iparamdam sa kaniya na wala siyang “sey” at ikaw ang masusunod dahil sa ikaw ang magulang niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  1. Alagaan mo ang iyong sarili.

Bilang ikaw ang modelo na ginagaya ng iyong anak ay dapat alagaan mo ang iyong sarili. Ipakita mo sa kaniya ang tamang aksyon o response sa mga problema on a positive way. Ipakita mo sa kaniya kung paano ang self-love at kung paano mo siya minamahal sa kabila ng mga pagkakamali o imperfections niya.

 

 

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement