Estudyante sa Singapore positibo sa COVID-19. Sintomas ng COVID-19 nakita sa estudyante na agad na isinailalim sa test at nag-posititbo sa sakit.
Estudyante sa Singapore positibo sa COVID-19
Isang 15-anyos na estudyante sa Singapore ang lumabas na positibo sa COVID-19. Mga kaklase ng estudyante at staff ng eskwelahan na kaniyang pinapasukan sumailalim sa swab test at naka-quarantine.
Ayon kay Ms. Liew Wei Li, director of school sa Ministry of Education sa Singapore, ang estudyante ay isang secondary 4 student. Siya ay nag-aaral sa St Anthony’s Canossian Secondary School, Bedok, Singapore.
Nitong Miyerkules, June 10 ay napansin nalang daw ng form teacher ng estudyante na mukhang hindi maganda ang pakiramdam nito. Ito ay habang dumadaan siya sa visual at temperature screening exercise na ginagawa sa kanilang eskwelahan araw-araw. Mula noon ay agad na siyang pinauwi, nag-quarantine at sumailalim sa swab test. Matapos ang dalawang araw, lumabas ang resulta ng COVID-19 test ng estudyante. Siya ay nag-positibo sa sakit.
“She was spotted to be unwell by her form teacher during the daily visual and temperature screening exercise on June 10.”
“The student was immediately isolated and sent home. She has not returned to school since. She was later tested positive for Covid-19.”
Ito ang opisyal na pahayag ni Ms. Liew Wei Li tungkol sa nasabing estudyante sa Singapore positibo sa COVID-19.
Estudyante nahawa sa sakit noong wala pang klase
Dagdag pa ni Ms. Liew Wei Li, maliban sa swab test, lumabas din na positibo sa serology test ang estudyante. Nangangahulugan umano ito na matagal ng infected ang estudyante at maaring nakuha niya ang sakit noong wala pang klase.
“As announced by MOH, the student also tested positive in her serology test, which indicates that this was a past infection.”
“This also suggests that she was likely to have been infected during the circuit breaker period, and not after school re-opening.”
Ito ang dagdag pang pahayag ni Ms. Liew Wei Li.
42 niyang kaklase at 12 staff ng eskwelaha isinailalim rin sa test at naka-quarantine
Ayon parin kay Ms. Liew Wei Li ang lahat ng nagkaroon ng close contact sa nag-positibong estudyante ay dumaan din sa COVID-19 testing at naka-quarantine. Ito ay binubuo ng 47 niyang kaklase at 12 staff sa school na nakahalubilo niya.
Sa ngayon ang 47 na estuyante ay lumabas na negatibo sa sakit. Habang hinihintay pa ang resulta ng 12 staff ng eskwelahan na hindi naman daw kinakikitaan ng sintomas ng COVID-19.
Ang St. Anthony’s Canossian Secondary School na pinapasukan ng estudyante ay nilinis at dinisinfect narin.
Ngayong Lunes ay balik normal na ang klase sa naturang eskwelahan. Habang naka-quarantine parin ang mga 59 na kataong nagkaroon ng contact sa estudyante nag-positibo sa COVID-19.
Samantala, maliban sa nasabing estudyante may 4 pang estudyante at isang non-teaching staff mula sa 5 eskwelahan sa Sinapore ang lumabas ring positibo sa COVID-19. Kaya naman mas pinahigpit at pinalawig pa ang surveillance testing para sa sakit sa mga eskwelahan. Lalo na sa mga estudyante na edad 12-anyos pataas na na-diagnosed na may acute respiratory infection.
Pagbubukas ng klase sa Pilipinas
Dito sa Pilipinas, bagamat tuloy ang pagbubukas ng klase ngayong Agosto 24 ay nilinaw ng DepEd na wala paring face-to-face classes na isasagawa. Ito ay alinsunod sa kagustuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones. Magpapatuloy lang umano ang mga face-to-face classes sa oras na mayroon ng vaccine laban sa COVID-19.
“We thank the President for reiterating the national government’s willingness to assist us in our endeavor to offer alternatives to face-to-face learning despite the public health situation.”
“We will comply with the President’s directive to postpone face-to-face classes until a vaccine is available.”
Ito ang opisyal na pahayag ni Briones.
Sa ngayon, ang isinusulong na paraan ng pagtuturo at pag-aaral sa darating na school opening ay sa pamamagitan ng radio, television, online at modular learning.
Sa kabila nito ay patuloy na pinapaalalahan ng DOH ang publiko na obserbahan at isagawa parin ang mga paraan kung paano makakaiwas sa COVID-19. Ang mga ito ay ang sumusunod:
Paano makakaiwas sa COVID-19?
- Ugaliin ang maayos at madalas na paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at tubig. O kaya naman ay sa pamamagitan ng 70% alcohol-based sanitizer.
- Lumayo ng hindi bababa sa 3 metro sa isang taong umuubo o umaatsing.
- Iwasang hawakan ang iyong mukha ng hindi pa naghuhugas ng kamay. Ito ay upang maiwasang pumasok sa iyong mata, ilong at bibig ang virus.
- Ugaliing mag-disinfect ng mga bagay at surfaces sa iyong paligid.
- Kung galing sa labas ay agad na magpalit ng damit. Huwag ng gamiting muli ang mga jeans at jackets. Dahil maaring kumapit sa mga ito ang virus.
- Magtakip ng tisyu o panyo sa tuwing uubo o babahing. O kaya naman ay itakip ang iyong braso o manggas ng damit sa tuwing uubo.
- Manatili lang sa bahay kung masama ang makiramdam.
- Agad ng magpakonsulta sa doktor kung makaranas ng sintomas ng coronavirus na ubo, lagnat at hirap sa paghinga.
- Makinig sa balita at umiwas sa mga lugar na may nailulat na kaso ng coronavirus.
- Kung hindi makakaiwas na magpunta sa matataong lugar ay mag-suot ng mask. At mag-baon ng alcohol na madaling mailalagay sa kamay sa oras na hahawak sa mga bagay o surfaces.
Sources:
Strait Times, Today Online, Inquirer News
Basahin:
Edad 15 years old pababa mas mataas ang tiyansa na tamaan ng kidlat kaysa mamatay sa COVID-19