Naglabas ng mabibigat na akusasyon si Princess Marcial, asawa ng kilalang boksingero at Olympian na si Eumir Marcial, laban sa kanyang asawa.
Mababasa sa artikulong ito:
- Eumir Marcial inakusahan ng pangangaliwa at pang-aabuso sa asawa
- Savings ng asawa ginamit sa kabit
Eumir Marcial inakusahan ng pangangaliwa at pang-aabuso sa asawa
Sa isang viral na Facebook post noong Enero 10, ibinunyag ni Princess ang umano’y pang-aabuso, pagtataksil, at manipulasyon na kanyang naranasan, kasabay ng anunsyo na nagsampa siya ng kaso laban kay Eumir.
Ayon kay Princess, nahuli niya si Eumir noong Oktubre 2024 sa isang condominium sa Pasay kasama ang babaeng kinilalang si Jessa Santos, ilang buwan matapos ang maagang pagkatalo ng boksingero sa 2024 Paris Olympics. Na-detain ng limang araw si Eumir at ang babae, ngunit pinalaya rin matapos pumirma si Princess ng affidavit of desistance sa pag-asang maaayos pa ang kanilang pagsasama.
Larawan mula sa Facebook ni Princess Marcial
“Despite some of my family’s strong disapproval, I still gave Eumir multiple chances to make amends with our marriage, putting into consideration all that we have gone through and the difficult things we have survived as a couple” ani Princess. “But what I got instead was him further manipulating me.”
Savings ng asawa ginamit daw sa kabit
Kwento pa ni Princess, nalaman niyang ginamit ni Eumir ang kanilang ipon para magpatayo ng bahay sa Zamboanga, kung saan umano’y naninirahan na ito kasama ang kanyang kabit.
Larawan mula sa Facebook ni Princess Marcial
Ibinahagi rin ni Princess ang kanyang takot para sa kaligtasan ng kanyang pamilya at mga posibleng testigo. “It is not a secret that Eumir, being a well-recognized athlete, has also gained support and protection from his connections who are very much capable of influencing the outcome of this case,” ani Princess.
Samantala, sa pahayag ni Eumir sa media sa Zamboanga, sinabi niyang nais niyang magkaroon ng maayos na paghihiwalay at itanggi ang mga alegasyon.
Larawan mula sa Facebook ni Princess Marcial
“Maayos ako nakipaghiwalay sa kanya, maayos po ako nagsabi sa kanya na i-settle natin ito. Kung ano yung property na meron ako sa Manila, hatiin namin, ayusin namin ito. Bakit ayaw niya? Bakit niya gusto, gusto dalhin pa dito sa media, gusto pa niya kumuha ng simpatya sa taong bayan na ganito niloko siya, sinaktan siya, gumawa pa ng story?”
Ang mag-asawa, na ikinasal noong 2021 matapos ang tagumpay ni Eumir sa Tokyo Olympics, ay naging magkasintahan sa loob ng 13 taon. Ngunit ayon kay Princess, tuluyan nang nasira ang kanilang relasyon dahil sa mga naganap.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!