Isang mag-asawa mula sa Netherlands ang nagdesisyong magpa euthanasia nang sabay, matapos ang halos limang dekada ng pagsasama.
Dahil sa karamdaman, mag-asawa nagpa-euthanasia
Isang nakakaantig na kwento ang naisalaysay sa artikulo ng Philstar Life na may pamagat na “Til death do them part: Husband, 70, and wife, 71, decide to undergo euthanasia together.”
Sa report umano ng PEOPLE magazine, isang mag-asawa ang nagdesisyong sabay na pumanaw.
Si Jan Faber, 70, at Els van Leeningen, 71, ay nagkakilala noong sila’y nasa kindergarten pa lamang at nanatiling magkasama sa lahat ng pagkakataon.
Stock photo mula sa Shutterstock
Si Jan ay isang sports coach samantalang si Els naman ay isang primary school teacher. Matagal nang nagdurusa si Jan sa sakit sa likod at hindi nagbago ang kanyang kalagayan kahit na nagpa-opera siya noong 2003.
Dahil sa patuloy na pananakit, nawalan siya ng kakayahang magtrabaho, at inisip na ang euthanasia bilang solusyon. Sinabi niya sa kanyang pamilya na ayaw na niyang mabuhay nang may pisikal na limitasyon.
Samantala, noong Nobyembre 2022, na-diagnose naman si Els na may dementia. Ayon sa kanya, maayos man ang kalagayan ng kaniyang katawan ay hindi na maganda ang lagay ng kaniyang isipan.
Bago pa lumala ang kanyang kalagayan, nagdesisyon si Els na sumama sa plano ni Jan na tapusin ang kanilang buhay sa pamamagitan ng duo-euthanasia.
“If you take a lot of medicine, you live like a zombie,” sabi ni Jan. “So, with the pain I have, and Els’ illness, I think we have to stop this.”
Dagdag pa niya, “I’ve lived my life, I don’t want pain anymore. The life we’ve lived, we’re getting old. We think it has to be stopped.”
Pumanaw sina Jan at Els nang magkasama sa isang lokal na hospice noong Hunyo 3.
Stock photo mula sa Shutterstock
Mercy killing legal sa Netherlands
Ayon sa artikulo ng Philstar Life, ang mercy killing ay naging legal sa Netherlands matapos ipasa ang Termination of Life on Request and Assisted Suicide Act noong Abril 2001, na naging epektibo naman noong sumunod na taon.
Ang Netherlands ang unang bansa sa mundo na nag-legalize ng euthanasia at assisted suicide.
Ayon sa opisyal na website, ang mercy killing ay isinasagawa ng isang doktor na nag-aadminister ng fatal dose ng angkop na gamot sa pasyente sa kanyang tahasang kahilingan.
Kailangan matugunan ng euthanasia ang mga pamantayan ng batas upang ang doktor ay maging immune mula sa criminal prosecution.
Ang mga doktor ay may tungkuling iulat ang euthanasia sa isang regional review committee na binubuo ng isang medical doctor, ethicist, at legal expert.
Ang kagustuhang magpa-euthanasia ay karaniwan umanong nagmumula sa mga pasyente na may “unbearable suffering” na tila wala nang pag-asang gumaling pa.
“However, patients have no absolute right to euthanasia and doctors have no absolute duty to perform it,” nakasaad sa official website ng Netherlands.
Stock photo mula sa Shutterstock
Legal ba ang euthanasia sa Pilipinas?
Euthanasia in the Philippines? Hindi ito legal. Noong 1997 ay kinonsidera ng Senado na gumawa ng panukalang batas na magsasa-legal sa passive euthanasia. Subalit, mariin itong tinutulan ng Simbahang Katoliko. Kaya naman ang euthanasia in the Philippines ay nananatiling ilegal sa ngayon.
Sa ilalim ng kasalukuyang batas, ang doktor na magsasagawa ng euthanasia o tutulong sa mercy killing ng pasyente ay makukulong at masasampahan ng kasong medical malpractice.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!