TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

REAL STORIES: "Isang taon na kaming live in ng partner ko ng malaman kong may anak na pala siya."

2 min read
REAL STORIES: "Isang taon na kaming live in ng partner ko ng malaman kong may anak na pala siya."

Halos isang taon na rin kaming live in ng aking partner/boyfriend nang malaman kong may anak na pala siya. 

Halos isang taon na rin kaming live in ng aking partner/boyfriend nang malaman kong may anak na pala siya. 

Isang araw habang ginamit ko ang phone ng ang aking partner ay may nag-text sa kaniya na nagpapabili ng uniform ng anak niya sa school. Hindi ko alam na may anak na pala siya, sobra akong nabigla nang malaman ko iyon. 

Kinompronta ko ang aking partner patungkol sa aking nalaman, tinanong ko siya kung may anak na ba talaga siya, sabi naman niya ay 50/50 siya dahil hindi niya sigurado. Sabi niya kasi sa akin, LDR sila ng ex niya. Tapos may ibang karelasyon na rin ang ex niya at siya ang pinaamin na ama ng anak ng ex niya. 

ex ng partner ko - isang magkarelasyon na magka-aaway

Larawan mula sa Shutterstock

Kaya naman simula nang pangyayari na iyon ay naging curious na ako sa kaniyang ex girlfriend. Alam ko na past na ito ng aking partner pero sa pagiging curious ko ay in-add ko sa Facebook ang ex girlfriend ng aking partner, nagulat naman ako nang in-accept niya ang friend request ko sa kaniya. 

Medyo masama mang pakinggan ay ini-stalk ko talaga siya, lagi kong nakikita at tinitignan ang mga post niya sa Facebook at para bang parinig siya ng parinig sa aking partner na ex boyfriend niya. 

ex ng partner ko - isang babaeng may nakitang nakakagulat sa cellphone niya

Larawan mula sa Shutterstock

Tuwing lagi kong nakikita ang post niya ay hindi ko maiwasan na laging awayin ang partner ko. Pinipilit ko siyang paaminin kung mahal pa ba niya ang kaniyang ex. Iyan ang madalas naming pinag-aawayan. 

Kaya minsan bigla kong naiisip na kaibiganin ang ex ng aking partner para tanungin ang kanilang past. Gusto ko na magsisi ang ex ng aking partner sa mga ginawa niya. At sabihin na kung hindi sana siya nagloko ay sila pa rin ng aking partner ngayon. 

Tila nababaliw na ako sa mga naiisip ko. Alam ko na sa mga ginagawa ko at pagiging curious ko ay nasasaktan lamang ako. Pero hindi niyo rin naman ako masisi dahil nabigla ako sa mga nalaman ko. 

Siguro iyon ang pinakamasakit, na tinago sa akin ng aking partner na may ganun pala, na may anak pala siya kahit hindi siya siguarado na anak nga niya iyon ay nabigla pa rin ako. 

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

itsmelexi_alvarico

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Mga Tunay na Kuwento
  • /
  • REAL STORIES: "Isang taon na kaming live in ng partner ko ng malaman kong may anak na pala siya."
Share:
  • Miss Jenine Advocates for Every Child to Belong: "Schools [Are Mostly Focused on] Academics, Grades, and Compliance. And That Hurts the Most."

    Miss Jenine Advocates for Every Child to Belong: "Schools [Are Mostly Focused on] Academics, Grades, and Compliance. And That Hurts the Most."

  • When Is It Okay for Kids to Have Their Own Social Media? A Doctor-Mom Dr. Carrissa Losantas Weighs In

    When Is It Okay for Kids to Have Their Own Social Media? A Doctor-Mom Dr. Carrissa Losantas Weighs In

  • Even a Midwife Panicked When Her Baby Experienced THIS—Jessica Ducusin Shares: "Ibang Level Pala Pag Anak Mo Na!"

    Even a Midwife Panicked When Her Baby Experienced THIS—Jessica Ducusin Shares: "Ibang Level Pala Pag Anak Mo Na!"

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor

  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko