Ang mga dapat mong malaman tungkol sa Expanded Maternity Law.
Narito ang mga FAQs o frequently asked questions tungkol sa bagong Expanded Maternity Law. At ang mga kasagutan na dapat malaman ng mga nagnanais na magamit ang benepisyo nito.
FAQs tungkol sa benepisyo ng Expanded Maternity Law
Ano ang kwalipikasyon at sino ang maaring maka-avail ng benepisyo ng Expanded Maternity Law?
- Lahat ng Pilipinong babae na miyembro ng SSS na nanganak ng March 11, 2019 pataas ay maaring makapag-avail ng benepisyo ng Expanded Maternity Law.
- Ikaw man ay Employed/Voluntary/Self Employed/OFW o Non-Working Spouse ay pwedeng mag-claim ng benepisyo nito sa SSS.
- Dapat lang ay may hulog ka ng hindi bababa sa 3 buwan sa loob ng isang taon bago ang semester ng iyong panganganak para mag-qualify dito.
Tingnan ang sumusunod na halimbawa:
Kung ikaw ay manganganak ngayong July, August o September 2019:
Dapat ay nakapaghulog ka ng hindi bababa sa 3 monthly contributions mula April 2018 to March 2019. Ang mga hulog mula April to September 2019 ay hindi kasama sa komputasyon.
Kung ikaw ay manganganak ngayong October, November o December 2019:
Dapat ay nakapaghulog ka ng hindi bababa sa 3 monthly contributions mula July 2018 to June 2019. Ang mga hulog mula July to December 2019 ay hindi kasama sa komputasyon.
Kung ikaw ay manganganak ng January, February o March 2020:
Dapat ay nakapaghulog ka ng hindi bababa sa 3 monthly contributions mula October 2018 to September 2019. Ang mga hulog mula October 2019 to March 2020 ay hindi kasama sa komputasyon.
Kung ikaw ay manganganak ng April, May o June 2020:
Dapat ay nakapaghulog ka ng hindi bababa sa 3 monthly contributions mula January 2019 to December 2019. Ang mga hulog mula January to June 2020 ay hindi kasama sa komputasyon.
- Pwede mag-apply ng maternity benefit ang isang babae kasal man, living in, o single mom.
- Ang babaeng SSS member lamang ang pwedeng mag apply ng maternity benefit. Kung ang asawang lalaki ang miyembro ng SSS at ang asawang babae ay hindi, ay hindi maaring makakakuha ng maternity o paternity benefit sa ilalim ng bagong Expanded Maternity Law.
- Wala nang limit sa bilang ng panganganak para makuha ang benepisyo ng Expanded Maternity Law. Sa dating batas ay hanggang apat na pregnancy o panganganak lang ang qualified na makakuha ng maternity benefits.
Ano ang gagawin o requirements para maka-avail ng benepisyo?
- Kung malaman mong ikaw ay buntis ay agad na magpasa ng SSS Maternity Notification o MAT1 sa SSS. Ito ay dapat maipasa bago makapanganak. Kung nakapanganak na ay hindi na kailangang magpasa ng MAT1.
- Kung sa lying in o bahay nanganak ay subject for investigation pa ito ng SSS.
- Kailangan ring mag open ng ATM account sa SSS Accredited Bank para dito idedeposit ang maternity benefits at hindi na cheke ang ibibigay.
Ano ang mga benepisyong makukuha sa bagong Expanded Maternity Law?
- Mula sa dating 60 days paid maternity leave para sa normal delivery at 78 days naman sa Caesarean. Ngayon ay naging 105 days na ang paid maternity leave benefit mapa-normal man o Caesarean delivery.
- May dagdag naman na 15 days leave para sa mga solo parent na nagbibigay sa kanila ng kabuuang 120 paid maternity leaves.
- Para naman sa kaso ng miscarriage o ectopic pregnancy ay may nakalaan na 60 days paid maternity leave.
- Mula sa 105 days’ maternity leave ay may option ang mga ina na i-transfer sa kanilang asawa ang 7 days leave na kung saan 98 days na lang ang babayaran sa kanila.
- Maari rin silang magdagdag pa ng hanggang 30 days leave ngunit ito ay hindi na paid o babayaran.
Magkano ang matatanggap na maternity benefits ng babaeng nanganak?
- Sa ilalim ng bagong Expanded Maternity Law ang makukuhang maternity benefits ng isang working mom ay nakadepende sa kaniyang monthly salary credit at SSS contribution. Ngunit kailangan niyang matanggap ang kabuuang bayad sa kaniyang 105 days leave na ang katumbas ay tatlong buwang kabayaran.
- Sa ngayon ang maximum na makukuha sa maternity benefits ay P70,000 dahil ang highest monthly salary credit ay P20,000 na mayroong katumbas na P2,400 na SSS contribution buwan-buwan.
Iba pang dapat malaman
Dapat tandaan na ang maternity benefits sa ilalim ng Expanded Maternity Law ay libreng ibibigay ng SSS at hindi isang loan. Basta ikaw ay qualified at nakapag-submit ng required na dokumento ay makukuha mo ang benepisyong ito.
Kung may kasalukuyang utang ka sa SSS ay hindi ibabawas ang iyong loan balance sa makukuha mong maternity benefits.
Source:
Photo: