8 facts tungkol sa Expanded Maternity Leave Law

Mahalagang alamin ng mga ina ang mga facts tungkol sa expanded maternity leave upang malaman nila ang kanilang karapatan sa ilalim ng batas na ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Para sa mga working moms, importante ang Expanded Maternity Leave Law. Ito ay dahil malaki ang maitutulong nito pagdating sa pagbibigay ng suporta sa mga ina. Dahil sa batas na ito, mas maaalagaan ng mga ina ang kanilang anak, at magkakaroon sila ng panahon na magpahinga matapos manganak.

Ngunit hanggang ngayon ay marami pa ring mga tanong tungkol sa batas na ito. Heto ang ilang mga facts na dapat malaman ng mga ina tungkol dito.

Importanteng facts tungkol sa Expanded Maternity Leave law

Kamakailan lang ay nakapanayam ng theAsianparent Philippines si Senator Risa Hontiveros, na pangunahing sponsor para sa batas na ito. Nilinaw ng senadora ang ilang mga importanteng facts at misconceptions pagdating sa batas na ito. At heto ang mga dapat malaman ng mga ina tungkol dito.

1. Matapos ang March 8, puwede na mag-claim ang mga ina ng benepisyo

Bagama’t wala pang implementing rules and regulations ang naaprubahan para sa batas, maaari na raw mag-claim ng benepisyo ang mga ina. 

Ito ay dahil retroactive raw ang batas na ito, ibig sabihin, makikinabang rito ang mga nanganak at manganganak bago pa na-implement ang batas.

2. Kinakailangang ma-regularize ang private employees sa kanilang ika-5 buwan para makuha ang benepisyo

Ayon kay Senator Risa, kinakailangan raw na maging regular employees ang mga ina sa kanilang ika-5 buwan upang makuha ang benepisyo. Kung hindi raw ay kinakailangan rin nilang nakapagbayad ng kanilang SSS upang makuha ang benepisyo mula sa ilalim ng batas na ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kung regularized na ang mga magulang, ang mga employer ang magbabayad ng benepisyo.

3. Hindi kabilang sa batas ang adoptive parents, at surrogate parents

Sa kasalikuyan ay wala pang batas sa Pilipinas pagdating sa surrogacy, kaya’t hindi pa kabilang sa batas ang surrogate parents. Hindi rin kasama sa batas ang mga adoptive parents.

4. Sa Mayo pa mapagbubuti ang implementing rules and regulations

Ang mga implementing rules and regulations, o mga karagdagang paglilinaw tungkol sa batas ay maisasakatuparan sa loob ng 60 days matapos mailathala ang batas. Ibig sabihin, pagdating ng Mayo ay mayroon nang malinaw na IRR ang batas na ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

5. Mga solo parents ang makakakuha ng mas mahabang maternity leave

Ang mga karagdagang araw para sa maternity leave ay makukuha lamang ng mga solo parents. Ngunit lahat ng mga ina ay makakakuha ng minimum na 120 days na maternity leave sa ilalim ng batas.

6. Pinag-aaralan pa ang maitutulong nito para sa mga stay-at-home moms

Para naman sa mga stay-at-home moms, pinag-aaralan pa rin kung ano ang maitutulong sa kanila ng batas na ito. Posibleng malaman ang mga detalye nito matapos magawa ang IRR sa Mayo.

7. Pinag-aaralan din kung paano ang implementation kapag kambal ang anak

Pagdating naman sa usapin ng mga kambal ay hindi pa rin malinaw kung dumodoble nga ba ang benepisyo sa mga ina. Isa rin ito sa mga bagay na tatalakayin matapos maisagawa ang mga IRR.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

8. Puwedeng magreklamo ang mga ina sa DOLE kapag hindi nasunod ang batas

Bagama’t hindi pa naisasaayos ng buo ang magiging IRR or implementing rules and regulations sa batas, inaasahang makakapagsampa ng reklamo ang mga ina sa DOLE kapag hindi sumunod sa batas ang kanilang employer.

 

Basahin: Frequently asked questions tungkol sa Expanded Maternity Leave Law

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Jan Alwyn Batara