Metro Manila, Philippines (April 23, Update) – Extended na muli ang Enhanced Community Quarantine ayon sa pinaka latest na salaysay ng Pangulo nito lamang biyernes ng umaga.
Enhanced community quarantine extended hanggang May 15
Opisyal nang inanunsyo ni Pangulong Duterte ang muling pag-extend ng Enhanced Community Quarantine. Matatandaan na unang nagtaas ng ECQ noong March 15 na magtatapos sana noon ding April 14. Ngunit ito rin ay agad na na-extend hanggang ngayong April 30.
Ngunit ngayon ngang umaga, April 24, inanunsyo na muli ang extension ng Enhanced Community Quarantine na hanggang May 15.
Mga lugar na extended ang enhanced community quarantine hanggang May 15:
- NCR
- Region 3 (Central Luzon)
- Region 4-A (CALABARZON)
- Oriental Mindoro
- Occidental Mindoro
- Albay
- Catandanues
- Nueva Ecija
- Pampanga
- Bataan
- Bulacan
Mga lugar under ECQ until May 15 na maaari pang magbago hanggang April 30:
- Tarlac
- Zambales
- Pangasinan
- Benguet
For re-checking:
- Antique
- Davao Del Norte
- Davao De Oro
- Cebu
- Cebu City
- Davao City
- Capiz
- Aklan
- Iloilo
Sa iba namang lugar ay magkakaroon ng tinatawag na General Community Quarantine.
Ang mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine ay maaari na ring magpatuloy ang mga manggagawa at sector sa Category I, II at III. Lahat ng nasa edad 21 pababa at 60 pataas kasama na pati ang mga taong may kasalukuyang medical condition o yung mga nasa risk factor ay ay kailangang nasa bahay lang muna.
Magbubukas na rin ang mga non-leisure store sa mga mall at maaaring lumabas ng bahay para mamili ng basic necessities.
Magbabalik na rin ang public transportation sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine ngunit pananatilihin pa rin ang ‘reduced capacity‘ ng mga ito at nakabase sa ibibigay na ordinansa ng DOTr.
Pinapayuhan pa rin ang mga local government na magtaas ng curfew sa mga lugar na under ng GCQ.
Unang umingay ang muling pag-extend ng quarantine nang kumalat ang one page internal memo ng Philippine Air Force (PAF) sa social media. Nakapaloob dito ang na ma-eextend ang ECQ at maghihigpit na ng todo ang mga militar at pulis.
Paglilinaw naman ni PAF spokesman Major Aris Galang, ang memo na kumalat ay isang paghahanda lamang sa magiging desisyon ng Pangulo. Kung ma-eextend man ang quarantine, maaaring mahigpit na ito dahil as patuloy na pagsuway ng mga tao sa nasabing protocol.
“The PAF is just anticipating any scenarios in case the President as Commander in Chief of the AFP would decide to implement his statements lately,”
Paano nahahawa sa COVID-19?
Paano nga ba nahahawa sa COVID-19 ang mga tao? Ayon sa World Health Organization (WHO), ang COVID-19 ay isang virus na sobrang delikado dahil mabilis itong kumalat. Maaari itong maipasa sa hayop pero sobrang bihira lamang.
Ang mga common symptoms ng COVID-19 ay ang:
- Lagnat
- Dry cough
- Pagkaramdam ng pagod
- Hirap sa paghinga
May iba naman na nakakaranas ng:
- Sore throat
- Diarrhea
- Runny nose
- Nausea
Naipapasa ang COVID-19 kapag ang isang taong carrier ng virus ay umubo o bumahing. Ang mga malilit na water droplets na galing dito ay mapapasa sa hindi infected na tao. Dito magsisimula ang pagkakaroon ng exposure.
Ang mga taong mataas ang risk factor sa COVID-19 ay ang mga mayroong chronic lung disease. Ang iba pang kaso nito ay:
- Buntis
- 65 years old pataas
- Mga taong may travel history
- Mga taong nag-aalaga ng COVID-19 patients
- May mga medical condition katulad ng liver disease, asthma, renal failure, heart disease, high blood, diabetes
COVID-19 Health protocols
Ayon sa CDC, ang mga taong delikado sa COVID-19 ay kailangan ng matinding pag-iingat sa panahon ngayon. Narito rin ang mga bagay na dapat tandaan at gawin:
- Palaging pagsusuot ng mask
- Iwasan ang mga matataong lugar
- Iwasan ang mag-travel
- Panatilihin ang social distancing
- Palagiang paghuhugas ng kamay
- Iwasan ang paghawak sa mukha
- Maging malinis
This is a developing story. Refresh for update on the list.