Safe ba ang Eye Mo para sa mga bata at babies?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Safe ba ang Eye Mo for kids? Dapat ba silang patakan ng eye drops kaagad kung irritated ang kanilang mata?

Safe ba ang eye drops para sa bata at baby?

Ang Eye Mo na isang uri ng eye drops ay ginagamit para basain ang mata ng isang tao at para gamutin ang ilang eye condition katulad ng dry eyes, red eyes, pangangati at burning.

Kapag gumamit ng eye drops, normal lamang na maramdaman ang pagiging blurry ng paningin at kaunting pamumula. Ito naman ay tatagal lang ng ilang minuto at babalik din sa normal.

Image from Freepik

Kung ang eye drops ay prescribed ng inyong doktor, ipatak lamang ito sa mata na infected, maliban na lang kung sinabi ng doktor na parehong mata ang papatakan.

Maghugas din muna ng kamay at siguraduhing maikli ang iyong kuko bago patakan ang bata ng eye drops. Dahil hahawakan mo ang mata ng iyong anak at may posibilidad na siya ay pumiglas, maaring magdulot ng aksidente kung mahaba ang mga kuko mo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Safe ba ang Eye Mo for kids?

Maari lang na makasama ang eye drops sa oras na mali ang pagkakagamit mo nito o kung ito ay nabuksan na at itinabi nang matagal. Hindi kasi advisable na patagalin ang eye drops dahil maikli lamang ang shelf life nito. Bagama’t mayroon itong expiration date na 12 months, ipinapayo pa rin ng mga eksperto na magbilang ng kahit 3 buwan mula sa araw na ito ay nabuksan.

Image from Freepik

Dahil ang madalas lang naman na eye injury na natatamo ng mga bata ay kapag nalalagyan sila ng sabon o dumi sa mata — maaring gumamit ng eye drops para maibsan ang hapdi o pangangati nito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Iba pang puwedeng gawin kung irritated ang eyes ng bata o baby

Image from Freepik

Sa oras na makaramdam ng discomfort ang iyong anak sa mata, huwag gawin na first aid ang eye drops. Subukan munang alisin ito gamit ang running water. Paano ito gagawin? Itapat lang siya sa lababo o shower at buksan nang marahan ang tubig. Subukang tamaan ang parte na mahapdi o makati habang hinahawakan pababa ang kanyang lower lid. Maari itong gawin nang paulit-ulit hanggang mawala ang discomfort.

Siguraduhin lamang na hindi lang nito pinapalala ang sakit ng mata na nararamdaman ng iyong anak. Pigilan din silang kamutin ang mata dahil maari naman itong magdulot ng scratched eye o corneal abrasion kung saan magkakasugat ang loob ng kanilang mata dahil sa dumi na pumasok dito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Para hindi na kailanganing hawakan ang kanilang mata, puwede mo ring subukan na hipan ang kanilang mata kung saan nila itinuturo ang makati o masakit.

Kailan dapat kumonsulta sa doktor

Sa oras na lumala ang kanilang nararamdaman o magdulot na ito ng pamamaga, dito mo na kailangang dalhin siya sa eye doctor upang mapatignan.

Kung makaranas din sila ng panlalabo ng mata, maaring sanhi na ito ng iba pang eye infection kaya naman huwag lang silang basta-bastang bibigyan ng eye drops o eye medication.

 

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon, ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Source:

Eye Mo, Medicines for Children, KidsHealth

Basahin:

Inakalang sore eyes ng baby, herpes na pala

 


Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

mayie