Gumamit ka ba ng Face App? Here's why you should delete it right away

Umingay ang Face App dahil sa issue nito sa kanilang terms and condition. Ang sabi ng ilan, ito ay banta sa seguridad ng kanilang mga user.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mommies! Gumagamit ka ba o si chikiting ng nauuso ngayong mobile application kung saan malalaman mo ang itsura mo kung ikaw ay lalaki o babae? Alam mo ba na mayroong issue ang face app dahil sa kanilang terms and condition?

Gumamit ka ba ng Face App? Here’s why you should delete it right away

Nitong nakaraang linggo lamang trending na naman ang sikat na mobile application na Face App. Sino ba naman kasing hindi mawiwili kung maaari mong makita ang iyong itsura kung ikaw ay maging lalaki o babae, sa pamamagitan ng isang application?

Nadevelop sa Russia ang Face App at simple lang ang paggamit nito. I-download lang ang Face App at makikita mo na ang itsura mo kapag ikaw ay tumanda.

Ngunit nagbigay naman ng babala ang mga eksperto sa mga mahilig gumamit ng nasabing app dahil sa terms and conditions nito. Nakasaad kasi dito na pinapayagan ng user ang developer na magkaroon ng access sa picture at data ng user nila.

Sa interview kay Art Samaniego ng ABS-CBN, isang technology editor, nakapaloob sa terms and condition ng FaceApp na malaya nilang gamitin, i-edit o kaya naman ibenta ang in-upload mong picture dito.

“Ibig sabihin noon pwede nilang gawin lahat tungkol sa in-upload mong picture, i-edit, ibenta. At wala kang magiging reklamo doon dahil nasa privacy policy nila na in-approve mo noong ginamit mo ‘yung app.”

Dagdag pa nito na hindi lang dapat sa application na ito mangamba at mag ingat. Ito ay dahil marami ring social media application na maaaring gamitin ang iyong birthday, contact number, location o iba pang personal na details tungkol sa iyo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Face app terms and conditions

Kaya naman mag doble ingat sa pagbibigay ng iyong detalye sa internet. Maaari kasi itong magdulot ng pagnanakaw ng identity mo.

“So pangalan mo, birthday mo, middle name mo, pangalan ng magulang mo. ‘Pag nakuha iyan, puwede nang manakaw iyong identity mo.”

Pagkatapos maimbestigahan ng Federal Bureau of Investigation ang FaceApp, agad rin nilang binago ang Terms and Condition nila. Ayon sa kanila, binura na nila ang halos lahat ng uploaded picture sa kanila.

“We accept requests from users for removing all their data from our servers. Our support team is currently overloaded, but these requests have our priority.”

Paglilinaw rin nila na wala silang balak na ibenta ang mga picture na in-upload sa kanilang application.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Negatibong epekto ng social media

Ayon sa isang report ng Common Sense Media, malaking porsyento ang nadagdag sa taong 2012-2018 ng mga kabataang gumagamit ng social media. Mula sa 34% ay mabilis itong umakyat sa 70%.

Face app issue, terms and conditions | Image from Freepik

Sleeping Patterns

Ang pag-abuso o hindi tamang paggamit ng social media ay maaring magdulot sa tao ng problema sa kalusugan. Nandyan ang pagbabago ng oras ng iyong pagtulog. Sa sobrang paggamit mo ng social media ay hindi mo na namamalayan ang oras. Nagagawa mo nang magpuyat dahilan para mabago ang sleeping patterns mo.

Insecurity

Karamihan sa mga kabataan ngayon ay sobrang inclined sa social media. Maraming eksperto ang nagsasabing hindi ito healthy para isang bata. Minsan kasi ay nagiging basehan na ng self-esteem nila ang mga likes at comments na kanilang nakukuha sa social media. Hindi man natin napapansin pero ito ang nagiging epekto sa atin ng social media. Madalas pa nga ay kapag nakakakita tayo ng mga taong tila ay higit sa atin, diyan na nagsisimula na makaramdam tayo ng inggit o makaramdam ng pagkakulang sa sarili.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mental Health Problems

Dito rin pumapasok ang isa pang negatibong epekto ng social media. Nakakaramdam ng lungkot ang isang bata kapag hindi sila nasa-sastisfy sa kanilang sarili. Hirap ding makapagsabi ng kanilang mga problema ang mga kabataang ito sa kanilang mga magulang o kaibigan dahil nasanay silang makipag-usap sa chat o sa anumang virtual na paraan.

Face app issue, terms and conditions | Image from Unsplash

Dahil masyadong nakatutok sa social media, ang mga taong ito ay napapabayaan na ang kanilang social life. Hindi na sila nakikipag-interact sa mga tao. Ayon din sa pag-aaral, ang social isolation ay nagpapataas ng tyansa ng cancer, heart disease, obesity at Alzheimer’s dementia.

Cyber bullying

Sa paglipas ng panahon, mas lalong lumalala ang cyberbullying. Sa isang click mo lang maaaring dagsain ka na ng mga kumentong huhusga sa pagkatao mo. Isa ito sa mga kadalasang dahilan ng depression ng mga kabataan sa social media. Nagkakaroon na  sila ng katanungan sa kanilang mga sarili kung may mali ba sa kanila. Dahil dito, natatakot na silang gumalaw at kadalasang naaapektuhan na rin ang kanilang pag-iisip.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Madaming mukha ang cyber bullying. Ilan na lamang ang:

  • Pagpopopost ng mapanakit o nakakahiyang comment
  • Pagpopost ng picture o video na makakasakit sa tao
  • Pagbabanta
  • Paninirang puri
  • Paggawa ng isang page laban sa isang tao

 

Source:

ABS-CBN

BASAHIN:

STUDY: Ito ang masamang epekto sa utak ng bata ng TV at cellphone

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Mach Marciano